DWAYNE'S POV.
"Uy,dude tama na yan"
"Parang awa mo na dwayne,kami malalagot nito kay tita eh"
"pabayaan niyo na nga muna ako,bakit niyo ba ako pinapakielam man?"Inis na sabi ko at uminom ulit ng mojito.Mga letse,kita na ngang problemado ako eh!Psh.
"Eh,dwayne magagalit samin yung mommy mo,alam mo namang kahit kasalan mo kami pa rin ang napapagalitan"Dinig ko pang sabi ng isa kong kaibigan.Hindi ko na lang dola pinakinggan.Gulung gulo na ang isip ko sa kung ano nga ba ang dapat gawin.
Nalilito na ako,Tumungga ulit ako sa baso na may lamang alak.
"f**k!"Bigla na lang umikot ang paningin ko.Marami rami na rin kase ang nainom ko.Bigla na lang pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni sandra.
"f**k you ka dwayne!Ikaw?Hindi ko naiintindihan?Gago!Naiintindihan kita,ikaw lang yung makitid ang utak.Gusto mong maging matagumpay?Sige,bahala ka.Gusto mong tuparin lahat ng pangarap mo?Edi gawin mo.Walang pumipigil sayo,pero wag na wag mong ipapamukha sakin na pabigat ang batang dinadala ko dahil kahit kailan hindi siya magiging pabigat sakin.Umalis ka na lang dito dwayne,Hindi ka namin kailangan ng anak mo.Unahin mo na yung mga pangarap mo.Para kaseng ikaw lang ang may pangarap eh,ako rin naman uh.At sa tingin mo sinong mas kawawa?Ako dibah?Kase kargo ko yung anak natin.Oh mali papa,anak ko na lang pala tutal itinakwil mo na siya bilang anak mo.Mas nahihirapan ako kesa sayo dwayne kase may masasandalan ka pang magulang.Pero ako?I-itinakwil nila ako simula ng malaman nilang buntis ako"
shit!Pakiramdam ko hinahati ang puso ko sa dalawa.Hindi ko maintindihan ang sarili ko.Kung bakit gusto ko siyang yakapin kapag umiiyak siya.Kung bakit gusto ko siyang patahanin at punasan ang mga luha sa mata niya.Kung bakit nahihirapan akong huminga at naninikip ang dibdib ko sa tuwing nasasaktan siya.At kung bakit bumibilis ang t***k ng puso ko sa tuwing nagkikita kaming dalawa.
"s**t!Napamura na lang ako ng hindi ko na magawang imulat ang mata ko.Nasobrahan na ako sa alak!s**t!Hindi ko na talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko towards her.Shit!
"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh"
"Alalayan niyo na yan,patay tayo nito kila tita eh"Halos wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi nila dahil sa sobrang kalasingan ko.
Shit!Nasapo ko ang ulo ko sa sobrang hilo.Naramdaman ko naman na may umalalay sakin.Napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa kung ano.
"Patay talaga tayo nito"
"Aish!Bahala na,magmaneho ka na nga lang bugok"
"Gago!Oo na!Wag mo kong utusan di mo ko driver itlog!"
Nanatili lang akong nakapikit.Ngayon ko lang toh narealize,bakit hindi ko subukan?Tama naman ang sinabi niya na hindi lang naman ako ang nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon.Mas nahihirapan siya sa aming dalawa at s**t lang!Itinakwil pa siya.
Kasalanan ko ang lahat ng toh!Ang ganga ko!Sobrang bobo ko!Bakit ko ha siya nilalayuan?Eh ako naman anh dahilan ng lahat.Bukas na bukas ay gagawin ko na ang dapat ay noon ko pa ginawa.
Handa na akong harapin ang consequences ng ginawa ko.Ayoko ng maging duwag sa responsibilidad ko sa kanya lalo pa't sa tingin ko ay unti unti na niyang napapasok ang puso ko.Sa tingin ko,Unti unti na akong nahuhulog sa magiging ina ng magiging anak ko.
I just want to give it a try.
--
Nagising ako na parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko s**t!Ayoko talaga sa hang over eh s**t!
Inilibot ko naman ang tingin ko.Napangisi na lang ako,Nahatid pala ako ng mga bugok na yun.Umalis na ako sa kama at malutong na napamura ng umikot ang paligid ko.
Shit naman oh!Parang pinagsisihan ko tuloy na uminom ako ng marami.Ag hirap ng may hang over.Bumaba na lang ako sa may sala at naabutan ko pa doon si Diane na nagtitimpla ng kape.
"Nasan sila Mom?"Tanong ko.Umaasa na sasagutin niya ang tanong ko.Tinapos na niya ang pagtitimpla bago ako hinarap.
"Kaaalis lang nila mommy,pinapasabi niya na wag ka na daw maglalasing ulit ng ganun.Pati mga kaibigan mo nadamay sa sermon ni mommy,ayan na yung kape,pampatanggal ng hang over.Inumin mo na lang"Lihim akong napangiti.Kahit pala galit siya sakin ay nagagawa niya pa rin akong kausapin at pinapakitaan pa rin ng sweet gesture at care niya as a sister.
"Thank you Diane"Tinanguan niya lNg ako.Napailing na lang ako kahit na nasaktan ako sa cold treatment niya sakin.Naupo na lang ako sa sofa at sumimsim sa kapeng ginawa niya.Kahit papaano ay nabawasan ang sakit ng ulo ko.Shit!Umabsent pala ako kahapon!
Nangunot lang ang noo ko ng makita si Diane na may dalang supot.Ano naman ang laman nun?
"Ano yang hawak mo?"Takang tanong ko.Hindi naman niya ako nilingon.
"Santol,binili ko para kay ate sandra,nagsisimula na po kase siyang mag crave sa mga pagkain"Napabuntong hininga na lang ako.
"Kung may iba pa siyang gustong ipabili sabihin mo lang sakin at ako na ang bibili para sa kanya"Nakita ko namang natigilan si Diane at nilingon ako na gulat na gulat.
"A-anong sinabi mo k-kuya?"Nauutal na tanong niya.Napangiti na lang ako.Ganun ba nakakagulat na ngayon lang ako nagising sa katangahan ko?
"Alam kong narinig mo ang sinabi ko"
"P-pero kase---masasapak kita kuya!Wag ka ngang magbiro"Inis na sabi niya.Napailing iling na lang ako.
"Hindi ako nagbibiro Diane,Seryoso ako.Handa ko ng panagutan ang magiging mag ina ko"Napaawang naman ang labi niya pero maya maya ay may sumilay na ngiti roon.
"Siguraduhin mo lang kuya dahil mapapatay kita"Banta niya.
"Opo,Tulungan mo akong makapag usap kami"Ngiti lang ang naging sagot niya.
Mabilis akong naligo ay nagbihis ng uniform.Matapos kong makapag ayos ay bumaba na ako at agad na sumakay sa kotse ni Diane.Ang unfair rin kase ng magulang namin.KApag 18 na raw ako,ginawa pa akong babae psh!
"Ready ka na kuya?"Nginitian ko lang siya.Agad naman kaming nakarating sa school.Bumaba na kami roon,nauuna sakin si Diane.Agad naman siya huminto kaya huminto rin ako.
"Ate Sandra,ate Lalaine,Kuya Calvin"Sigaw ng kapatid ko.Ang lakas pala ng boses nito.Kung dati di siya nagsasalita ngayon daig pa ang nakalunok ng microphone.
"Oh,Hi cute"Pasimple ko lang sinamaan ng tingin si Calvin.Ayoko sa lahat eh yung pinopormahan ang kapatid ko.Psh.
"Hello kuya,ay ate sandra may dala ako para sayo"Nakita ko namang ngumiti siya.Mukha talaga siyang anghel.
"Talaga?Strawberry ulit?"Nagningning pa ang mata niya.Weird.
"Hindi eh,Santol naman,masarap rin yun"Bigla namang lumawak ang ngiti.
"Talaga?Omyghee!Gusto ko nang kumain niyan tapos lalagyan ko ng ice cream"Nakita ko namang napanganga ang dalawa niyang kasama.
"What?Santol tas ice cream?"
"f**k!?Anong lasa nun?Maasim tas matamis?Ang weird mo asawa ko"
Nalukot lang ang mukha ko.Bakit niya tinawag na ' Asawa ko' Ang asawa ko?
"hehe!Na kay kuya"Natigilan naman sila at nafreeze naman ang ngiti niya.Napalunok na lang ako ng matalim akong tiningnan ng kasama niya.
"Uhm,may klase pa pala tayo"Alanganing sabi ni sandra at halatang iniiwasan ako.Tumalikod na rin sila.
"Ohw,Hatid ko na kayo"Nilingon naman ako ni Diane at sinenyasan na hawakan ang kamay ni Sandra kapag nahawakan na niya.Nagsimula na rin silang lumakad.Hinawakan naman siya ni Diane at mabilis na ipinasa sakin.
"Anong----"Agad na nanlaki ang mata niya.Tinakpan ko na lang ang bibig niya at hinila papasok sa isang room.Great!Matalino talaga ang kapatid ko.Dito talaga siya tumapat sa lumang classroom.
inilock ko na lang iyon dahil kailangan pa naming mag usap.
"Lumayo ka nga sakin"Inis na sabi niya at itinulak ako palayo sa kaniya ngunit hinigit ko ulit siya palapit sakin at hinigpitan ang kapit.
----
Alessandra's POV.
Sinamaan ko lang siyang tingin.Ano na naman bang kailangan niya sakin?Para paluhain ako ulit?Para saktan ako ulit?Leche!Nakakagago na ang lalaking toh.
"Mag uusap tayo"Kalmado niyang sabi.Inilagay ko naman ang dalawa kong kamay sa dibdib niya.Masyado siyang malapit.Nahihilo tuloy ako sa amoy ng pabango niya.Ang lansa.
"Lumayo ka nga sakin,Ang lansa mo,ang sakit sa ilong"Reklamo ko.Nahapawak na lang ako sa ilong ko at inipit iyon.Shit!Nakakahilo.Kinunutan niya lang ako ng noo.
"Sandra,Hindi ako amoy malansa pero walang akong pakielam.Kailangan nating mag usap"Ano na naman ba?Nakakainis na talaga ang isang toh!Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Bilisan mong magsalita,nasusuka na ako eh"Nakangiwing reklamo ko.Onti na lang talaga masusuka na ako.Ang baho ng amoy,ang sakit sa ilong.Narinig ko namang bumuntong hininga siya.
" Sandra,I'm so---"
"Ayan ka na naman sa sorr---"Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan!Amppt!Bwisit.
"Patapusin mo muna kaya ako"Sabi niya.Inirapan ko lang siya.
"At bakit ko naman gagawi--"
"---Ayaw mo?Hahalikan kita"Naitikom ko na lang ang labi ko.Bwisit!Mang black mail ba naman!Psh!
"Natahimik ka?"Pinandilatan ko lang siya habang nakasimangot.Gusto ko siyang sigawan na"MALAMANG!AYOKONG MAHALIKAN!"Pero nanahimik na lang ako.Akala niya siguro maiisahan niya ako.
"Sorry kung naging duwag ako sa responsibilidad ko sayo,Sorry kung naging tanga ako,Sorry kung sarili ko lang ang inisip ko.Sorry kung nahihirapan ka na,Sorry kung pinaiyak kita,Sorry kung sinaktan kita,Sorry sa lahat ng nasabi kong mga masasakit na salita,Sandra,Gusto ko lang sabihin na nagising na ako.Let's give it a try,Handa na akong panagutan kayo ng magiging anak ko"Tuluyan ng nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.Napaawang pa ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.
"A-anong sinabi mo!?S-seryoso ka ba?"Nauutal na tanong ko.Inilapit niya naman ang mukha niya sakin habang nakangiti.Tinaliman ko naman siya ng tingin.
"Huwag mo akong ngitian dyan Dwayne!Naiinis na ako!Ayan ka na naman sa mga salita mo!Tapos hindi naman pala toto---mmptt"Hinalikan na naman niya ako.Masasapak ko na talaga siya.Nakakarami na siya.
"Alam kong gago ako Sandra,pero hindi ako nagbibiro.Seryoso ako sa sinabi ko.Para sayo magseseryoso ako"Nakangiting sabi niya.Pakiramdam ko huminto ang pintig ng puso ko sa sinabi niya.Seryoso ba siya sa sinabi niya?Hindi ko alam pero napangiti na lang din ako.
"Huwag kang paasa!"Inis na sabi ko kahit na nakangiti pa rin ako.Ang bilis ng t***k ng puso ko.
"Hinding hindi na,Pangako"Sana nga mapanindigan mo yang pangako mo.Sana nga mapatunayan mo na hindi ka lang hanggang sa salita.