15

1799 Words
ALESSANDRA’S POV Nandito lang ako sa sofa at nakaupo.Hinihintay ko na nga lang sila lalaine na matapos sa mga ginagawa nila eh. Nagpakalumbaba na lang ako.Ang tagal naman nila.Kanina pa ako naghihintay dito.Naiinip na ako. Nakita ko naman dun si barney sa gilid ng sofa kaya agad na nagningning ang mata ko. "Hmmm,Ang cute mo naman"Pinang gigilan ko na lang si barney.Nakikita ko kase sa kanya si Dwayne eh.Ang cute ang sarap kurutin yung pisngi. Nakarinig naman ako ng yabag mula sa taas kaya natigilan ako sa ginagawa kong pamumurder kay barney.Nakita ko dun si Lalaine kasunod niya lang din Si Kuya Calvin. "Hello"Bati ko sa kanila habang malapad akong nakangiti.Kinunutan lang ako ng noo ni Lalaine.May nasabi ba akong mali?Nakita ko namang ngumiti sakin si Kuya Calvin. "Tara na...susunod na lang daw si Diane sa hospital"Tumango na lang ako at niyakap si barney.Hihi. "Dadalhin mo yang dinosour na yan?"Takang tanong ni lalaine.Ngumiti lang ako at tumango.Nakita ko namang napairap siya. "Haysst!Ang weird mo talaga sandra.Ayaw na ayaw mo kaya kay barney"sabi niya.Tinaasan ko naman siya ng kilay.Cute kaya si barney kaya bakit hindi ko magugustuhan? "Hindi uh,gusto ko si barney"Napaface palm lang siya at napabuntong hininga. "Bahala ka nga,sumasakit ang ulo ko sayo"Pagkasabi nun ni lalaine ay nauna na siyang pumasok sa loob ng kotse at inihilig na lang niya ang ulo niya side mirror. Sumunod na rin ako sa kanya at Isinandal ko naman ang likod ko sa upuan habang nagsisimula nang magmaneho si Kuya Calvin. Ngayong araw kase ay papunta kami sa San Agustin Hospital.Kailangan ko na kasing magpacheck up para healthy si baby.Mahigit isang buwan at dalawang linggo na rin akong buntis kaya kailangan ko na talagang magpatingin sa doctor. Mabilis lang din naman ang naging byahe at nakarating na rin kami sa hospital.Medyo humikab pa ako dahil inaantok na naman ako.Haysst!Nagiging maantukin na ako lately. Naramdaman ko naman ang kamay ni Kuya Calvin na inalalayan ako. "Inaantok ka na naman?"Takang tanong niya.Alanganin lang akong napangiti. "Kuya wala ako sa mood kaya please tanggalin mo yang braso mo kay sandra"Walang kaemo emosyon na sabi ni Lalaine.Bakit ang tamlay nito ngayon?May sakit ba siya. "Woahh,inaalalayan ko lang si sandra!Chill ka lang"Sabi naman ni kuya Calvin. "Ayos ka lang ba Lalaine?May sakit ka ba?Ang tamlay mo ngayon"Sabi ko.Nakita ko naman napabuntong hininga siya. "Hayy,wala akong sakit..May iniisip lang ako.Tara na sa loob"Nauna na siyang maglakad.Nangunot lang ang noo ko.May mali talaga sa kaibigan ko eh.Hayss. "Wag mo munang intindihin ang isang yun"Tumango na lang ako.Hindi ko alam pero naaapektuhan rin ako sa emosyon ni lalaine.Yakap yakap ko pa rin si Barney ng pumasok kami ng hospital.Agad naman nagtanong si kuya Calvin sa nurse kung nasaan ang clinic ni Dra.Cams Leoverde. Maya maya ay nakangiti na siyang bumaling sa akin.Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya kaya naman lumapit na ako. Nang makalapit ako ay inakbayan na naman niya ako.Hindi na ako nagreklamo sanay na ako.Naglakad na kami papunta sa clinic ni doktora.Nang huminto naman siya sa isang pinto ay binuksan niya yun at pinapasok na rin ako sa loob. Naabutan naman namin si Lalaine na magkasalubong ang kilay at mukhang papatay ng tao.May problema talaga toh. "Good morning Hijo at hija"Sabi ng doctor.Medyo nasa mid 20ths lang siya.ang ganda niya pa. "Good morning rin po doctora"Bati ni kuya Calvin.Ngumiti lang naman ito at iminuwestera ang upuan. "Maupo na kayo,Baka napagod yang kasama mo"Tumango lang kami kay doctora.Nagsimula na rin siyang magtanong about sa mga pagbabago sakin nitong mga nakaraang araw.Sinasagot ko naman lahat ng tanong niya.Bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot ng maalalang wala ngayon si Dwayne.Asan naman kaya siya ngayon?Hayy. --------- Diane's POV. Nagpapadyak na ako dito dahil ayaw akong paalisin nila mommy.May Pupunta daw kase kami kaya hindi ako pwedeng umalis.Nakakainis. "Mommy naman ihh!Sige na please.Kasama ko naman si kuya dun"Pangungulit ko pa kay mommy.Sinamaan niya lang ako ng tingin.Hayss.Paano ba ako makakalis dito?Pupuntahan ko pa si ATe sandra eh. "Saan ka ba pupunta at parang importanteng importante iyan?May pupuntahan nga kase tayomg firm"Napasimangot na lang ako.Nakakainis!Hindi na lang ulit ako nagsalita at naupo na lang sa may sofa.Edi kung ayaw nila akong payagan bahala na sila.Nakakainis!Isa pa tong si Kuya hindi man lang ako tinutulungan!Hmmpp. "Dwayne,Saan ba kayo pupunta ng kapatid mo at kanina pa ako pinipilit niyan"Tanong ni mommy kay kuya. "Po?Ah....Kase sa ano..." "Sa ospital po"Ako na ang nagtuloy dahil paniguradong mali naman ang masasabi ng magaling kong kuya.Nagsalubong lang ang kilay ni mama. "At bakit kayo pupunta sa hospital?Anong gagawin niyo dun?"Tanong pa ni mama.Hayy.Hindi talaga mauubusan ng tanong si mommy.Napabuntong hininga na lang ako bago sumagot. "Yung Kaibigan ko po kase nasa ospital.Nagpapacheck up.Gusto ko lang naman pong malaman yung lagay niya.Sige na po please.Payagan niyo na ako"Nag puppy eyes pa ako kay mommy.Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. "O siya sige,pero ikaw lang!Kailangang sumama ng kuya mo ng matuto naman siya sa Industriya ng pagnenegosyo"Ngumiti na lang ako ng pilit. "O-okay po,Mauna na po ako mommy,kuya Alis na ako"Paalam ko.tinanguan lang ako ni kuya.Napabuntong hininga na lang ako.Kawawa naman si kuya. Agad naman akong sumakay sa kotse namin. "Manong sa San Agustin Hospital po"Nakangiting sabi ko.Tumango lang din siya sakin at nagmaneho na rin papunta doon. Excited na akong makita yung magiging baby ni Ate sandra.Sa Ganda pa lang ni ate at sa gwapo ni kuya.Okay I admit na nga.Gwapo na yung kuya hambog nga lang.Sa tingin ko magiging gwapo at maganda rin iyon.Sana kambal para masaya.Hihi. Mabilis lang ang naging byahe at nakarating agad kami sa Ospital. "Salamat manong"Lumabas na ako ng sasakyan at patakbong pumasok ng hospital. ---------- Alessandra's POV. "Tara na dali,bili niyo ko ng kakanin"Nagpuppy eyes pa ako.Tapos na rin akong magpacheck up kay Doctora.Niresetahan niya lang ako ng mga vitamins at pampakapit para raw healthy si baby. "Kakanin?Saan naman tayo bibili nun"Takang tanong ni Kuya Calvin. "May nakita ako sa labas eh.Dali na bili mo ko"Sabi ko pa habang inaalog alog siya.Nakapout pa ako.Nakita ko namang napakamot siya sa batok niya. "Eh,Sige na nga"Agad na nagliwanag ang mukha ko at nagtata-talon. "Yehey!The best ka talaga kuya Calvin.I love you na"Nakangiting sabi ko.Napatulala naman si Kuya Calvin kaya naman napahinto ako. "Ayos ka lang kuya Calvin?"Hindi naman siya nagsalita.Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok dun si Diane. "O diane,buti nakahabol ka.Paalis na kami"Sabi pa ni lalaine.Ngumiti lang siya ng alanganin.Hinanap ko naman si dwayne kung kasama niya pero hindi ko naman makita.Nasan na ba siya? "Asan si Dwayne?"Tanong ko.Napangiwi naman si Diane at huminga ng malalim. "Hindi siya nakasama kase hindi siya pinaalis ni mommy.Kung hindi ko pa pinilit si mommy di pa ako papayagan eh"Nakasimangot na sabi niya. "Eh bakit?"Tanong ko pa.Sige na,ako na halatang gusto ko siyang makasama.Eh sa namiss ko siya eh. "Ano kase,Sinama siya nila dad sa firm ng isa nilang business partner sa Laguna.Para naman daw may malaman na si kuya sa pagnenegosyo,Siya kase yung maghahandle nung iba naming branch sa ibat ibang lugar"Natahimik naman ako.Kaya pala.Pakiramdam ko nasaktan ako.So,Pinipili pa rin niya ang pangarap niya.Haysst.Bahala nga siya sa buhay niya. "Pero wag ka ng malungkot ate sandra.Tara na,bumili na lang tayo nang kakanin"Agad naman akong napangiti ng malapad "Sige sige tara na"Hinila ko pa palabas si Diane pero pinigilan naman ako ni lalaine. "Magdahan dahan ka naman Sandra.Kapag ikaw lang nakunan dyan"Matalim niyang sabi.Napangiti tuloy ako ng alanganin. "Hehe,Alam ko naman"Inirapan niya lang ako.Siya na rin ang nagbukas ng pintuan.Lumabas na rin kami at halos mauntog ako sa likod ulo ni Lalaine ng huminto siya. "Aray!"Napaatras na lang ako.Tumama na yung ilong ko dun eh. Nangunot naman ang noo ko nang hindi pa rin gumalaw sa pwesto niya si lalaine. "Ate Lalaine?May problema po ba?"Takang tanong ni Diane. "Anong ginagawa mo dito blake!?"Mataray na tanong ni lalaine.Agad naman kaming napalingon sa lalaking nakablazer at mukhang gangster.Nakasandal siya sa wall at halos malaglag ang panga ko ng makita kong tinanggal niya ang shades niya.Bakit ang gwapo nang isang toh? ------------ LALAINE'S POV. Hindi pa rin ako gumalaw sa pwesto ko.Ano na naman bang ginagawa ng lalaking toh dito?Naiinis na ako huh. "Dinadalaw ang fiancee ko.May masama ba dun baby?"Napairap na lang ako.Arghh!nakakabwisit siya.Sinamaan ko lang siya ng tingin.Wala na talaga siyang ibang ginawa kundi ang inisin at painitin ang ulo ko. "Pwede ba!Tigilan mo na ako.Bumalik ka na lang sa france!Di kita kailangan"Singhal ko sa kanya "Ouch!Palagi mo na lang sinasaktan ang feelings ko baby"Napairap na lang ako ng magkunwari pa siyang nakahawak sa puso niya. "Huwag mo kong idaan sa drama mo!Alis nga!"Tinulak ko pa siya at hinawakan ko na ang kamay ni Sandra marahan lang na hinila. "Iyon ba yung Fiancei mo?"Tanong ni Sandra.Nagsalubong lang ang kilay ko. "Wag mo na ngang banggitin na fiancei ko ang damuhong yun.kumukulo lang ang dugo ko!"Inis na sabi ko.Tumahimik na rin siya.Thank God. "San mo ba nakita yung kakanin na sinasabi mo?"Tanong ko. "Doon oh"At bigla na lang niya akong hinila.Napailing iling na lang ako.Ang weird pala ni Sandra kapag nagbubuntis.Lalo na kapag naglilihi siya.Hindi na nga ako makamove on sa pinya na may peanut butter tapos nung nakaraan saging sinawsaw niya sa suka.Gosh!Halos masuka ako ng maamoy ko yung lasa nun.Gross! "Hey!Wait for me baby"Rinig ko pang sigaw ng lalaking yun.Napapikit na lang ako sa sobrang inis.Hindi ba talaga niya ako papatahimikin?arghh! -------- Alessandra's POV. Isang bilao ng kakanin yung bitbit ni Kuya Calvin.Sa bahay ko na lang yun kakainin. "Uy,pansinin mo naman ako baby"kanina pa rin kinukulit ni blake si lalaine.Dedma lang naman ang kaibigan ko. "Hayaan mo na yun bro,meron kase yun--Aray!bakit palagi na lang akong nakakatikim sa kanya?"Palatak ni kuya Calvin ng may lumanding na falt shoes sa noo niya "Wag kang masyadong madaldal kuya!Mapapatay kita!"Banta pa ni lalaine kaya naman natawa lang ako. "Pagsabihan mo nga yang asawa mo na wag akong saktan"Sumbong ni kuya Calvin. "Asawa ko,Wag ka naman masyadong mainit ang ulo.Baka malaglag si baby natin"Napaawang naman ang labi ni lalaine at natigilan. Bigla namang napatawa si kuya Calvin. "See?Tameme ka pa rin hahah"Sinamaan lang siya ng tingin ni Lalaine. "Bwisit ka kuya!Arghh!Magsilayas kayong dalawa!"Pasigaw na sabi niya at padabog na pumunta ng kwarto niya. "Haha!Epic si pinsan" "Palagi na lang inis sakin yung baby ko"Napailing iling na lang ako.Saglit ko namang tinapunan ng tingin yung kakanin. Humikab na naman ako,inaantok na ako. "uy Sandra,Di'ba kakainin mo pa toh?"Tanong sakin ni kuya Calvin. "Busog pa pala ako,Tsaka nagbago na isip ko.Ayoko na niyan.Pakitapon na lang"Nakita ko namang napanganga si kuya Calvin.Tumalikod na lang ako.Inaantok na talaga ako. "What the hell?Binili ko na nga lahat tapos di niya kakainin?" Dumiretso na agad ako sa kwarto ko at agad na humiga sa kama.Napagod ako ngayon.Pumikit na lang ako.Nakakainis talaga yung Dwayne na yun.Hmpp.Bahala na nga siya sa buhay niya.Unti unti na rin akong nilamon ng dilim kaya naman nakatulog na rin ako ng mahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD