16

2515 Words
ALESSANDRA'S POV. Nagising ako ng may maamoy akong kakaiba na nagmumula sa kusina.Napangiwi na lang ako.Ano bang klaseng amoy yun?Nakakasulasok naman.Huminga muna ako ng malalim bago nagtungo sa banyo para maghilamos. Tumingin naman ako saglit sa orasan 6:02 a.m.Nagpunas na lang ako gamit ang towel tsaka lumabas ng kwarto.Mamayang 8:00 Pa naman ang pasok namin nila Lalaine. Habang papunta ako sa kitchen ay mas lalo kong naaamoy ang nakakasulasok na amoy na yun.Inipit ko na lang ng kamay ko ang ilong ko para hindi maamoy ang bagay na yun.Agad akong nagpunta sa kusina at nangunot lang ang noo ko ng makita dun si Blake na nakaapron na color pink. Agad akong napangiti at humaglpak ng tawa.Ang cute niya eh,Nagmukha siyang babae.Napahinto naman siya sa pagluluto niya at napalingon sakin. "Teka,Alessandra Right?"Tanong niya pa.Napatango na lang ako,Nangunot lang ang noo ko habang nakatingin sa niluluto niya. "Anong niluluto mo?"Tanong ko.Ngumiti naman siya,Gosh!Mukha siyang anghel.Mas mukhang maamo pa toh kesa kay Dwayne.Don't get me wrong may sa demonyo ang ugali nun! "Uhm,Nagsasangag ako ng kanin.Dun kase sa France eh may personal maid ako,Tapos pinagluto niya ako ng ganito.I find it delicious so nagpaturo ako."Hindi niya inaalis yung ngiti niya habang nagsasalita.Naglakad naman ako palapit sa kanya at sinilip yun. "Ganun ba?" "Gusto mong tikman?"Hindi pa ako nakakatango ng dumakot siya sa dun gamit ang kutsara at itinapat sakin.Agad akong napangiwi at napatakip sa bibig ko.Gosh!Nakakasuka yung amoy. "Ayos ka lang ba Alessandra?May problema ba?"Takang tanong niya.Hindi pa rin niya inaalis yung kutsara na may laman na kanin at may kasamang bawang at sibuyas. Mas lalo kong naramdaman na parang kinakalukay ang sikmura ko.Wala sa sariling tinabig ko iyon at tumakbo papunta sa lababo tsaka nagsuka. "Bwack"Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likod ko habang sumusuka pa rin ako. "Hey,Are you okay?May nakain ka bang masama"Tanong niya.Gusto ko sanang sumagot ng may naamoy lang akong nakakasulasok kaso ayaw naman tumigil ng pagsusuka ko. "What happened to her?Ano na naman bang ginawa mo sa kanya Blake?"Galit na sabi ni lalaine at narinig ko ang yabag ng paa niya palapit sakin. "Wala akong ginawa sa kanya baby.Papatikim ko lang sana siya nung----" "Bawang"Parang timang na sabi ko. "What?Bawang?"Bulalas ni Lalaine. "H-huh?" "Yung bawang,ang baho ng amoy.Sira na ata eh"Nakangiwing sabi ko at nagnumog na sa may gripo. "Ahm,Hindi naman iyon sira Alessandra.Bago lang yun,yun ba ang dahilan ng pagsusuka mo?"Tumango naman ako.Nang ilapit niya kase yun agad na nanuot sa pang amoy ko yun eh.Nakakahilo pa yung amoy kaya ako nagsuka. Kumuha naman ng bawang si Lalaine at inamoy.Agad na nagsalubong ang kilay niya bago tumingin sakin. "Its smells good,Dulot na naman ba yan ng pagbubuntis mo at pati bawang napagbibintangan mo?"Takang tanong ni Lalaine.Napakamot naman ako sa batok ko.Baka nga dulot lang toh ng pagbubuntis ko.Ang hirap pa lang magbuntis,Pati na rin sa paglilihi. "Hehe,Dun lang ako sa kwarto,Maliligo na ako"Sabi ko na lang.Tinaasan lang ako ng kilay ni Lalaine bago tinanguan.Actually,Gusto ko rin makalayo agad bago pa sumabog sa inis sa Lalaine.Pakiramdam ko kase may dragon na naman na magwawala.Ayokong mabugahan ng apoy. Agad akong umalis sa kitchen at umakyat sa kwarto.Kumuha na lang ako ng uniform dun at inilapag sa kama.Pumasok na ako sa loob ng banyo at inistart yung shower.Malapit na kaming pumasok kaya maliligo na muna ako. -------- LALAINE'S POV. Inis na inilapag ko yung kutsarang may laman na bawang.Kahit kailan talaga ang weird ng mga buntis.Well,Si Sandra at si tita matilda.Which is yung mommy ng pinsan kong hambog.Same sila kung paano maglihi.Gross,I hate preggy but I love sandra because she is my only one bestfriend.Kaya natatagalan ko ang pagiging weirdo niya. Agad naman na napataas ang kilay ko ng maabutan ko si Blake na nakatitig sakin.Ano na naman bang problema ng isang ito? "Tinitingin mo dyan ?Close ba tayo!Tapusin mo na nga lang yang niluluto mo!"Mataray na sabi ko.Umiling iling naman siya tsaka pinatay ang stove.Isinalin niya yun sa isang pinggan at inilapag sa mesa. "Bakit ka nakatingin sakin ng ganyan Baby?Naiinlove ka na ba sakin?"Tanong niya habang nakangiti. Agad na sumama ang mood ko at feeling ko sasabog na naman ako sa sobrang inis.Nagsalubong lang ang kilay ko. "Ikaw tinitingnan ko?Assuming ka rin eh,paano mo nalaman na tinitingnan kita kung hindi ka rin nakatingin?Tsaka no way!Kahit ikaw na lang ang nag iisang lalaki dito sa mundo never akong maiinlove sayo!Wag kang mangarap!"Inis na sigaw ko sa kanya.Umiling iling naman siya at halos tumigil ang t***k ng puso ko ng titigan niya ako sa mata.Hindi ko rin namalayan ang paglapit niya sakin. Agad na nangatog ang tuhod ko at wala sa sariling napaatras ako pero nacorner niya lang ako sa island. "Sayo na mismo nang galing na kung hindi pa ako tumingin hindi ko malalaman na tinititigan mo ako"Bigla naman siyang naglean down kaya naman mas umatras ako.Feeling ko pa malapit na akong mapahiga sa island counter eh. "At Kung sinasabi mo na hindi ka maiinlove sakin baby,Watch your words.I'm gonna stole your heart and you'll fall for me intentionaly"Sabay kindat sakin.Agad ko namang naramdaman na parang may nagkakarera sa loob ko.Napapikit na lang ako.Palagi na lang,Lagi namang bumibilis ang t***k ng puso ko kapag malapit siya kaya nga naiinis ako sa kanya.Gusto ko sanang sabihin na "No need to stole my heart because you already have it but the problem is I'm indenial". "Hindi ka nakapagsalita dyan baby?"Asar pa niya.Inismiran ko lang siya sabay tulak sa kanya. "Che!Wag ka ngang lumapit saking damuho ka!"Mataray na sabi ko at mabilis na tumalikod.Bigla na lang ako napangiti.Tumakbo na lang ako paakyat ng kwarto ko.Gosh!Bakit ganito?hayssst.Kailangan ko na palang mag ayos.Masyado na pala akong napatagal sa kusina ng dahil sa lalaking yun. ------------ ALESSANDRA'S POV. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ko ay agad akong nagbihis ng uniform ko.Itinirintas ko na lang yung buhok paikot.Marunong kase ako nito eh. Matapos kong itirintas iyon ay nagmukha na akong prinsesa.Ang ganda ko talaga.Hindi na ako naglagay ng make up at nagpulbo na lang.Aksaya sa oras eh. Nang makababa na ako ay naabutan ko naman sila doon.Hinanap naman ng mata ko si Lalaine.Asan naman kaya ang kaibigan kong iyon? "Nasan si Lalaine?"Tanong ko kay blake.Hindi pa rin ako makapaniwala siya yung fiancei ng kaibigan ko.Seventeen years old na siya at sa Stanford nag aaral.Pero ngayon daw,magtatransfer siya sa school namin para raw mabantayan si Lalaine sa mga lalaking magtatangkang manligaw.So possesive. "Nauna na sa kotse"Nakangiting sagot ni blake.Nangunot lang ang noo ko.Bakit parang nanalo sa lotto ang isang toh at wagas kung makangiti.Parang wala ng bukas eh. "Uhm?Why are you seems so happy?"Tanong ko.Hindi naman siya sumagot at umiling iling lang. Nang ibaling ko naman ang tingin ko kay Kuya Calvin ay nakasimangot siya.Malayong malayo sa Kuya Calvin na laging nakangiti at nakangisi.Ano kayang problema nito? "Ayos lang ba si Kuya Calvin?"Takang tanong ko.Umiling naman si blake. "Nagtatampo yan sayo.Hindi mo kase kinain yung binili niyang kakanin para sayo.Dun na muna ako sa kotse.Lalambingin ko lang yung soon to be wife ko"Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumalikod na siya.Bumaling naman ako kay kuya Calvin na ngayon ay nagsisimula nang maglakad. "Kuya Calvin"Tawag ko pero di naman niya ako nilingon.Napasimangot naman ako. "Hay"Napabuntong hininga na lang ako.Nakakainis naman eh!ganun ba kalaki ang kasalanan ko? "Uy,Kuya Calvin sorry na"Tawag ko pa pero hindi pa rin niya ako pinansin.Hinabol ko naman siya at walang pasabing niyakap. "Kuya Calvin sorry na,Sorry na kung hindi ko kinain yung binili mo.Nawalan lang talaga ako ng gana,sorry na"Sabay pout ko.Nagulat pa ako ng tanggalin niya ang kamay ko na nakapulupot sa beywang niya. Napasimangot naman ako.Haysst.Hindi ba talaga niya ako mapapatawad?Napayuko na lang ako,feeling ko tutulo na ang luha ko eh. Nagulat naman ako nang bigla niyang iangat ang mukha ko at kinurot ang pisngi ko. "Aray"Nasapo ko lang ang pisngi ko.Ang sakit niya mangurot. "Pasalamat ka dahil cute at maganda ka kahit nagbubuntis ka,Tsaka hayaan mo na yun.Wag na dyang magpout di na ako galit"Agad naman na nagningning ang mata ko at wala sa sariling napayakap sa kanya. "Yehey di ka na galit,Tara na pasok na tayo"Sabi ko pa.Tinanguan naman niya ako.Hmm,Parang gusto kong kumain ng watermelon na walang buto.Mamaya nga magpapabili ako kay Dwayne.Yung isang yun!Hindi man lang ako pinuntahan. Pumasok na rin kami sa loob ng kotse at naabutan pa naming nagbabangayan ang dalawa. "Ang kapal mo talaga!Hahampasin na kita ng librong hawak ko!" "Bakit baby?Gwapo naman talaga ako at sinisigurado kong maiinlove ka sakin-Nah ah"Mabilis ang reflexes ni blake na nasambot ang librong binato ni lalaine. "Woah,Paano yun bro?Turuan mo naman ako ng makaiwas na ako sa mga ibabato sakin ng asawa---Aray ko!Tama na uyy masakit"Piningot kase siya ni lalaine.Napailing iling na lang ako at sumakay na. "Magmaneho kana blake.Baka pare parehas tayong malate dito kapag di pa tayo umalis"Nginitian lang ako ni Blake at nagsalute pa.Mga baliw. Mabilis lang ang naging byahe at nakarating na rin kami sa school.Nagulat pa ako ng may sumalubong saking yakap.Si Diane lang pala. "Hello po"Nakangiting sabi ni Diane.Ngumiti lang din kami sa kanya. Bumaba na rin si blake at si kuya Calvin kaya halos sabay kaming napatakip nila lalaine sa tenga ng magtilian ang mga babae dito. "Yeah!Another fafa" "Ang pogi niya mukha siyang artista,papicture tayo" "O.M.G.May nadagdag na namang gwapo" "Kyahhhh,Feeling ko inlove na ko sa kanya" "Oh my,Ang gwapo nilang dalawa!Kyahhhh" "Aish!Sinong gwapo ang sinasabi nila?Baka mga DYOSA!AT HINDI YUN GWAPO KUNDI KWAGO.Magtago nga muna kayo.Gabi na kayo lumabas!"Inis na sabi ni lalaine.Nakita ko namang inakbayan siya ni Blake. "Baby,Nagseselos ka ba dahil may ibang babae na nagkakandarapa sakin?"Tanong pa nito.Nakita ko namang sinamaan siya ng tingin ni lalaine at sa isang iglap ay bigla na lang nitong pinilipit ang braso at siniko kaya naman napaluhod si blake sa sakit. "Arghh!s**t!Baby naman,Masakit yun uh.Papayagan kita kung sa kama ka magiging wild eh"Agad naman na namilog ang mata ko.Anong sabi niya? "Ouch!"Nasapo pa niya ang tiyan niya. "Pwedeng pakifilter yang bibig mo!Anong magiging wild.Mamamatay muna ako bago mo ko maging asawa.Assuming!"Pagkatapos nun ay nagmartsa na paalis si Lalaine.Napailing na lang ako.Always head heated si bes. Tinulungan naman siya ni kuya Calvin na makatayo. "Ayos ka lang ba bro?" "Aish,pasalamat siya at mahal ko siya.Hindi ko siya kayang saktan kahit na iyon naman ang ginagawa niya" Iniwan ko na lang sila dun.Sumunod naman sakin si Diane. "Ate,Ang kulit nila"Komento ni Diane.Napatango na lang ako. Nabigla naman ako nang biglang dumilim ang paligid.Teka,Brown out ba? "Ahm?Pinatay ba nila yung ilaw?"Takang tanong ko. "Hindi ate,Hulaan mo kung sino yan"Sabi pa ni Diane.Pinakiramdaman ko naman kung sino ang nasa likod ko at halos mapugto ko ang hininga ko ng bumilis ang t***k ng puso ko.Isang tao lang naman ang kilala ko na nagiging ganito ang puso ko. "Dwayne"Halos mapasinghap ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likod. "Sorry Sandra kung hindi ako nakapunta kahapon para samahan kang magpacheck up.Sila mommy kase eh,Hindi ko matanggihan"Napairap na lang ako. "Hmmpp,Sa tingin mo madadaan mo ko sa paganyan ganyan mo?"Mataray na sabi ko.Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakayakap niya sakin. "Anything you'll wish my love.Basta yung kaya ko lang"sabi niya.Lumawak naman ang ngiti ko at bigla kong naalala na gusto ko nga pa lang kumain ng pakwan na walang buto. "Sabi mo yan uh" "Yes Love,Mapatawad mo lang ako"Napangiti naman ako. "Bilihan mo ko ng Pakwan na walang buto.Wag kang magpapakita sakin na wala ka nun"Nakangising sabi ko.Kumalas naman siya sakin.Nang lingunin ko siya ay nakanganga pa siya. "Pakwan?Walang buto?Saan naman nakakabili ng alien na prutas na yun?"Tanong niya.Nagkibit balikat naman ako. "Malay ko,Ikaw ang bibili kaya ikaw ang maghanap"Sabi ko pa at tinalikuran na siya.Hmm,Gusto kong kumain nun eh.Dumiretso na ako sa classroom at naabutan ko na doon sila lalaine,Kuya Calvin at blake.Pinagkakaguluhan pa ang dalawa.Psh. Naupo na lang ako at sakto namang dumating ang prof namin sa math.Nakinig na lang ako ng magsimula na siyang magdiscuss.Hindi ko naman nakitang pumasok ng klase si Dwayne.Saan naman kaya iyon nagpunta? Nang tumunog ang bell ay hinila na ako ni lalaine papuntang canteen.Nakasunod naman yung dalawang boys sa likod.Napakunot lang ang noo ko.Himala ata at hindi nila ako nilalait o binubully man lang.Hayss.Nevermind. Agad namang nakakita si lalaine ng vacant table kaya naman agad niya akong hinila dun at pinaupo. "Dyan ka lang oorder lang ako"Tumango naman ako.Umupo naman sa tabi ko si Diane.Nangunot lang ang noo ko. "Asan yung kuya mo?hindi siya pumasok sa klase eh"Nginitian naman niya ako at may inginuso sa likuran ko kaya naman napalingon ako dun.Halos mamilog ang mata ko at napaawang pa ang labi ko.Ang gulo ng buhok niya at may bitbit na supot ng pakwan. Napapatingin na nga yung mga babae sa kanya kase mas nagmukha siyang hot eh.Bakit parang mukha siyang pagod na pagod?. "Andito na yung pagkain"Sabi ni lalaine. "Anong nangyari sayo Dwayne?"Tanong ni Kuya Calvin. "Oo nga bro,para ka dyang ginahasa eh"Asar pa ni blake. Inilapag naman niya sa harap ko ang plastik na may pakwan sa loob. "Ano kase uhmm,Ayan na yung pinapabili mo"Napakagat labi naman ako at hindi inalis ang tingin sa kanya. "Wala ba yang buto?"Tanong ko.Hindi naman siya nakasagot. "huh?Anong walang buto sandra?Malamang may buto yan.Pakwan yan eh"Sabi pa ni lalaine.Napakamot naman sa batok si Dwayne. "Ano,Sinubukan ko namang maghanap ng gusto mo pero kase sabi ng mga nagtitinda wala naman daw ganung prutas.Pinagtawanan pa nga nila ako"Pakiramdam ko may humaplos sa puso ko.Talagang bibilihin niya lahat mapatawad ko lang siya. Wala sa sariling tumayo ako at niyakap siya. "Okay lang,Alam ko naman na hindi talaga nageexist yung sinasabi ko eh.Weird lang talaga ako kase naglilihi ako.Ayos na,Pinapatawad na kita.Ipaghiwa mo na lang ako"Nakangiting sabi ko.Nagulat pa ako ng mabilis niya akong nakawan ng halik at para akong nabingi sa sunud sunod na tilian ng mga tao sa canteen. "As you wish my love"Nakangiting sabi niya. "Pwede ba!Wag nga kayong masyadong sweet.Ayokong makagat ng kumpol kumpol na langgam dahil sa sweetness niyo!"Sabi ni lalaine. "Naiingit ka ba sa kanila baby?"Sinamaan naman siya ng tingin ni lalaine. "Gusto mong mabugbog?"Nagtawanan naman kami ng ngumiwi si blake.Pinaupo na rin ako ni Dwayne at sinimulan na niya akong ipaghiwa nung pakwan. "Uy,Bakit ka nakatitig kay Diane?"Untag ni blake kay Kuya Calvin nakita ko namang namula siya. "Huh?Wala.Kumain na nga lang kayo dyan!"Sabi pa niya.Lihim akong napangiti.Mukhang may hindi sinasabi samin toh uh. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa classroom at nakinig na lang sa mga lecture. Nang matapos ang klase ay umuwi na rin kami.Sumama pa nga si Dwayne eh. "Dito na kami"Sabi ko.Nginitian lang niya ako at katulad kanina ay hindi rin ako naging handa ng halikan na naman niya ako sa gilid ng labi.Nakakarami na isang toh uh. "Ingat ka rito Love,Bye"Kinindatan niya pa ako bago sumakay sa kotse nila.Nagwave naman sakin si Diane. Tumalikod na ako at nakita ko pa si Kuya Calvin na nakatanaw kay Diane.Napangisi naman ako. "Crush mo si Diane noh?"Sabi ko. "Oo"Mas lalong lumawak ang ngisi ko.kanina ko pa siya nahahalata.Sabi na eh. "Pedophile"Napalingon nama siya sakin. "Huh?"Takang tanong niya.Tinawanan ko naman siya.Halatang walang kamalaymalay eh. "Sabi ko pedophile ka,Nagkakagusto ka sa mas bata sayo"Pagkatapos kong sabihin yun ay naglakad na ako papasok ng bahay.Inaantok na ako.Makatulog na nga lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD