17

2337 Words
ALESSANDRA'S POV. Naalimpungatan ako ng marinig kong tumunog ang alarm clock sa gilid ko.Pupungas pungas pa ako ng imulat ko ang dalawa kong mata bago pinatay ang alarm clock sa gilid ng one night stand. Napahikab pa ako dahil kagigising ko lang bago tuluyang bumangon at umalis ng kama.Nang lingunin ko naman ulit ang orasan ay nakita kong pasado ala sais pa lang. Nagsuot na lang muna ako ng slippers at lumabas ng kwarto.Agad na nangunot ang noo nang hindi man lang ako makarinig ng kahit anong ingay sa paligid nang buong mansion. Nagsalubong lang ang kilay ko.Bakit sobra naman ang katahimikan sa buong mansion?Nasan naman kaya nagpunta ang mga tao dito?Nagkibit balikat na lang ako at bumaba na gamit ang hagdan. Tanging ang mga yabag lamang ng mga paa ko dulot ng paglalakad ang naririnig dahil na rin sa sobrang katahimikan. Niyakap ko na lang ang sarili ko bago nagpunta sa kitchen.Kukuha lang ako ng maiinom sa ref.Nauuhaw na kase ako.Agad ko namang binuksan ang ref at kumuha roon ng pitchel na may lamang tubig.Nagsalin na lang ako ng tubig sa baso sabay inom nun.Para akong nakahinga ng maluwag nang dumaloy ang malamig na tubig sa lalamunan ko.Napatigil naman ako ng pumasok sa kitchen si Kuya Calvin na may dalang tasa. Magtitimpla siguro siya ng kape niya.Agad ko namang ibinalik sa ref ang pitchel at inilagay sa lababo ang baso tsaka muling bumaling nang tingin kay Kuya Calvin na ngayon ay naglalagay ng kape sa coffee maker. "Good Morning Kuya Calvin!"Masayang bati ko sa kanya.Saglit niya lang akong nilingon at tinanguan lang.Agad na nangunot ang noo ko.Ano bang problema niya at hindi man lang niya ako magawang nginitian kahit saglit man lang. Wag niyang sabihin na hanggang ngayon ay galit pa rin siya sakin?Akala ko ba okay na kami? "Uhm,Kuya Calvin may problema ba?Bakit hindi mo ako pinapansin?"Tanong ko na nagtataka.Hindi ko kase talaga maintindihan kung ano ang dahilan niya.Hindi ko namalayan na tapos na palang magawa ang kape niya at hindi man lang ako nilingon. "Dun lang ako sa sala"Malamig na sabi niya bago nagmartsa paalis sa kusina.Bigla na lang nanikip ang dibdib ko at para akong nahihirapang huminga.Pakiramdam ko pa ay maiiyak na ako dahil sa hindi niya pagpansin sakin. Pinunasan ko na lang ang luhang tumulo sa mata ko at umalis na sa kusina.Naabutan ko pa siya na nagkakape sa may sala habang nakaupo sa sofa.Tiningnan naman niya ako pero agad ring nag iwas ng tingin. tumalikod na lang ako.Nakakainis siya!Wala naman akong ginawang hindi maganda sa kanya pero kung itrato niya ako parang ang laki ng kasalanang nagawa ko. Bumalik na lang ako sa kwarto at naligo na lang.Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak habang nasa ilalim ako ng tubig na nagmumula sa shower.Hindi ko talaga alam kung bakit bigla bigla na lang siyang hindi mamamansin. Agad akong nagtapis ng tuwalya bago lumabas ng banyo.Namaga pa tuloy ang mata ko dahil sa pag iyak ko.Nagbihis na lang ako ng uniform ko at nagtali ng buhok.Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Napahaplos na lang ako sa tiyan ko.Akala ko pa naman magiging masaya ang araw na ito para sakin.Hanggang akala ko lang pala.Nang bumaba ulit ako ay nakabihis ma rin sila lalaine pati na rin si blake. Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para batiin sila pero agad rin akong natigilan ng talikuran nila akong dalawa.Itinikom ko na lang ang labi ko at hindi na nagsalita pa. Great!Ang gandang regalo para sa araw na toh!Sumunod na lang ako sa kanila nang tahimik ng sumakay sila sa kotse.Hayss.Nakakamatay ang ganitong sobrang katahimikan. Inihilig ko na lang ang ulo ko sa gilid ng kotse at ipinikit ang mga mata.Nakalimutan siguro nila kung anong araw ngayon.Great!Sa mismong araw pa talaga na ito nila ako hindi pinansin. Nagmaneho lang si Kuya Calvin papuntang school.Nauna na lang akong lumabas ng kotse at hindi na sila hinintay.Para saan pa at hindi lang rin naman nila ako papansinin. Hmpp.Nagtatampo ako sa kanila.Anong karapatan nilang hindi ako pansinin at sa mismong araw pa talaga na toh?Gusto kong umiyak dahil nasasaktan ako sa ginagawa nila pero dapat kong ipakita na okay lang ako.Hindi ako pwedeng malungkot sa mismong araw ng birthday ko. Dumiretso na ako sa classroom.Napairap na lang ako nang maging si Dwayne ay hindi ako pinansin.Bahala nga sila!Edi wag nila akong pansinin.Kung iyan ang gusto nila at kung iyon ang nagpapasaya sa kanila. Nung magbreaktime ay hindi man lang nila ako inaya na magpunta sa canteen.Kaya naman nanatili na lang ako sa loob ng classroom.Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa desk kasabay ng pag iyak ko.Nakaramdam naman ako ng may kumalabit sakin. "B-bakit?"Tanong ko sa kaklase ko.Itinuro naman niya yung kwintas na bigay sakin ni Dwayne na nasa lapag. "Sayo ata yan"Sabi pa niya.Napatawa na lang ako at kinuha iyon.Nalaglag pala. "Salamat"Nginitian niya lang ako.Buti pa siya pinapansin ako.Napabuntong hininga na lang ako.Ang hirap pala ng ganito,yung pakiramdam na mag isa ka na lang sa buhy mo.Hanggang sa matapos ang klase ay hindi man lang nila ako kinausap. Parang may kumurot sa puso ko.Akmang kukunin ko na ang bag ko nang may kamay na pumigil dun. "Ako na ang magdadala,Baka mapagod ka"Nag angat naman ako ng tingin.Gusto ko sanang magtata talon sa tuwa dahil sa wakas ay pinansin na rin ako ni Dwayne pero hindi ko ginawa.Malamig ko siyang tiningan at pabalang na inagaw ang bag ko sa kanya. "Hindi ko kailangan ng tulong mo!Kaya ko naman ang sarili ko kahit wala kayo!kaya ko kahit mag isa lang ako!"Pinagdiinan ko talaga na mag isa ako para ipamukha sa kanya na nagtatampo ako sa ginawa nila. Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy sa paglabas ng school.Hindi ko pinansin ang pagtawag sakin ni Kuya Calvin.Umirap lang ako bago pumara ng taxi.HMpp.Kanina hindi niyo ko pinapansin.Ngayon kayo naman ang nagpapapansin.psh! -------- DWAYNE'S POV. Napakamot na lang ako sa batok ko ng isnobin ako ng Love ko.AIsh!Hindi naman namin gusto na hindi siya pansinin kaso kailangan namin siyang sorpresahin.Birthday niya kase,Kaso mukhang napasobra ata kami at ngayon nagtatampo na siya. "Dwayne bilisan mo!Baka maunahan pa tayo ni Sandra at masira pa ang plano!"Sigaw mi blake kaya naman agad akong sumakay ng kotse nila.Hindi talaga ako mapalagay ngayong alam kong nagtatampo siya. "Wag mo munang intindihin yun,Hindi naman matagal magtampo ang isang yun"Sabi naman ni lalaine.Tumango na lang ako.Sana nga,kase kanina parang nanikip ang dibdib ko nang sabihin niyang kaya niya naman kahit wala kami at kaya niya rin na mag isa.Fuck! "Bakit kapag kay Dwayne kalmado ka lang baby?Umamin ka nga,mag gusto ka ba sa kanya?"Biglang tanong ni blake.Mabilis naman siyang nabato ng libro ni lalaine. "s**t!" "Tigilan mo ko blake!At hindi ako magkakagusto dito noh!Hindi ako mahilig sa gwapo at playboy"Para akong nainsulto sa sinabi niya pero kakalimutan ko na lang yun.Sinabi naman niya na gwapo ako eh. "Ayaw mo sa gwapo pero sakin ka naman nainlove"Agad naman na tumalim ang titig ni lalaine sa kanya. "Alam mong lalaki ka!Kanina pa ako nagtitimpi na huwag kang saktan dahil ayokong masira ang plano--" "--Aww,natouch naman ako baby" "Heh!Patapusin mo nga ako!Bwisit!"Singhal nito.Tumahimik naman ito. "Psh!Kaya kung ako sayo manahimik ka lang kung ayaw mong sunduin agad ni kamatayan"Napailing iling na lang ako sa pagbabanta niya. "Opo baby,sabi mo eh.Hindi pa ako ready mamatay.Papakasalan pa kita eh"Natatawang sabi pa nito. "Che!"Mataray ba sabi pa nito.Mabilis lang ang naging byahe at agad kaming nakarating.Mabilis kaming pumasok ng mansion.Ako na ang nagpatay ng ilaw,sinensyasan naman ako ni Calvin na magtago sa gilid at iyon naman ang ginawa ko.Bumukas na rin ang pinto at naghanda na kami sa sorpresang gagawin namin para sa kanya. -------- ALESSANDRA'S POV. Matapos kong magbayad sa taxi driver ay lumabas na ako ng taxi.Nagpakawala lang ako ng malalim na buntong hininga bago naglakad palapit sa pinto. Nangunot lang ang noo ko ng wala akong makita doon kundi madilim.Teka?Naputulan ba ng kuryente sila lalaine?Pumasok na lang ako at kinapa ang switch.Nang mahanap ko iyon ay agad namab nagkailaw. "HAPPY BIRTHDAY SANDRA!"Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.Gulat na gulat ako kaya naman tumalikod na lang ako.Naluluha na rin ako. "Aray!"Kusa akong napahinto ng may tumamang kung ano sa ulo ko.Pumihit naman ako paharap at nakita ko si lalaine na naka peace sign. "Bakit mo ko binato?"Naluluhang tanong ko.Hindi pa rin kase ako makapaniwala. "Bruha ka kase,Saan ka pupunta?Bumalik ka rito magcecelebrate pa tayo eh"Napatawa na lang ako at pinunasan ang luha sa mga mata ko.Nakakainis sila. "Uy,Sandra,tumahan ka na nga dyan,para kang baby"Untag pa sakin ni lalaine.Napangiti na lang ako nang lumapit sila sakin. "Nakakainis kase kayo!"Nagtawanan naman sila.Walang nakakatawa sa sinabi ko. "Magwish ka muna,pagkatapos nun ibibigay na namin sayo ang best ever gift namin sayo"Kahit a naguguluhan pa rin ako ay nagwish na lang ako.Hiniling ko na sana manatili na si Dwayne sa tabi ko.Na sana hindi na siya umalis at mawalay sa piling ko.Inihipan ko na rin iyon. "Yehey,Eto na yung gift ko alice,Sorry na.Plano lang talaga yun ni blake"Hinging paumanhin ni Kuya Calvin at walang pasabing niyakap ako.Agad ko naman naramdaman na may humila sa akin kaya napalayo ako kay Kuya Calvin. "Off limits!"Napasimangot naman si Kuya Calvin at natawa naman ang iba. "Ako na naman ang pinagbintangan mo tss,pasalamat ka mas gwapo ako kesa sayo,eto yung gift ko Alessandra sana magustuhan mo"Nakangising sabi niya bago binigay ang regalo niya sakin. "Tss,ang kakapal talaga ng mga mukha!Itsura lang meron kayo psh!anyway ,Don't be sad okay?Sorry na talaga sis"Napangiti na lang ako at tumango.Tinanggap ko na lang ang gift niya sakin. "Hello ate Sandra,Eto yung akin"Agad na nagningning ang mata ko ng makita ko si Diane.Agad niya akong niyakap pero saglit lang iyon dahil agad na may nagkalas dun. "5 Seconds is enough"Ngumuso naman si Diane na ikinatawa naming lahat. "Psh!Napakadamot mo naman kuya!Kung makapagbawal ka naman dyan dinaig mo pa ang boyfriend ni ate sandra eh tatay ka lang naman ng baby niya"Nakasimangot na maktol ni Diane.Nang marinig yun nila lalaine ay napatawa na rin sila. "Burn! Haha" "Whoah!Ang talino talaga ni Diane" "Possesive kase masyado,wala naman sa lugar.Haha" Naramdaman ko naman ang pagyakap niya mula sa likod ko.Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. "Inaaway nila ako Love oh"Napatawa naman ako.Para siyang bata na nagsusumbong. "Totoo naman eh,hindi pa kita boyfriend"Totoo naman iyon.Hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakayakap sakin. "Kung hindi pa nga edi manliligaw ako.Liligawan kita para naman wala nang umagaw pa sayo na iba.Akin ka eh"Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. "Ikaw ang Bahala " "Sandra,Anak"Natigilan naman ako at agad na napalingon sa pinanggalingan ng boses.Halos hindi ako makapaniwala,napakurap kurap pa ako habang nakatitig sa kanila. "Ahm ,Dun lang kami sa Dining,Dwayne tara"Aya ni kuya Calvin.Tinanggal na rin niya ang braso sa beywang ko. "Dun lang muna ako love"Paalam niya.Hindi ko na nagawang sumagot pa at napatitig na lang kila mama at papa. "A-ano pong ginagawa niyo dito mama?"Tanong ko.Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.Nagulat pa ako ng maramdaman ko anh pagyakap niya sakin.Kaya naman hindi ko napigilang mapaiyak na lang habang yakap ako ni mama. "m-mama"basag ang boses na sabi ko.Namiss ko si mama.Namiss ko ang yakap ng isang ina.Namiss ko sila ni papa. "Sandra,anak patawarin mo kami ng papa mo sa nagawa namin sayo.Anak,patawarin mo ang mama kung nasaktan kita at napagsabihan ng masasakit na salita.Patawad anak dahil naging makitid ang utak ko at hindi kita nagawang intindihin.Patawarin mo kami kung itinakwil ka namin bilang anak namin.Sandra,anak patawarin mo sana kami ng papa mo kung sobra ka naming pinahirapan at sinaktan"Walang tigil sa pagbuhos ang luha ko habang yakap yakap ako ni mama.Pinunasan niya lang iyon gamit ang daliri niya. "Mama,Kahit naman po itinakwil niyo ako,Kayo pa rin naman ang magulang ko.Hindi ko po kayang magalit sa inyo ni papa.May kasalanan rin naman po ako at deserve ko po ang galit niyo.Kaya huwag na po kayong magsorry sakin ma,Kahit naman hindi niyo hingin ang kapatawaran ko pinatawad ko na po kayo.Mahal na mahal ko po kayo ni papa kaya hindi ko po kayang magtanim ng galit sa inyo" Naramdaman ko rin na niyakap din ako ni papa. "Talaga ngang lumaki kang mabait na bata,eh patawarin mo ako anak sa mga nasabi ko pero sandra anak,lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.Hindi ko lang siguro matanggap na nangyari sayo ang ganito.Nag iisa ka lang kase naming anak sandra,patawarin mo ang papa" Wala sa sariling tumango ako at niyakap silang dalawa.Best ever gift na natanggap ko sa buong buhay ko ay ang maramdaman ko na mahal na mahal ako ng magulang ko. "Ano ba iyan,ang drama natin.Halika dun na nga tayo sa Dining nang maka kain na"Natawa naman kami sa sinabi ni papa at nagpunta na ng dinig.Naabutan naman namin sila roon na nag aayos. "Oh,Hello po tita"Bati ni lalaine.Nginitian naman sila nila mama. "Abah mukhang marami ang hinanda niyo para sa anak ko uh"Sabi naman ni papa.Sabay sabay na napakamot silang lahat sa batok. "Hehe,Kase po tita...Lahat po kami bumili ng pagkain para sa birthday niya hehe"Sabi ni kuya Calvin.Natawa naman sila mama at papa. "Talagang mahal na mahal niyo ang anak ko,Eh asan nga pala ang tatay ng magiging apo namin"Natahimik naman sila at napalingon kay Dwayne.Nagulat ako ng lumapit si Dwayne kila mama at papa sabay nagmano. "Ako po yung tatay ng magiging apo niyo"Nakangiti niyang sabi.Pasimple naman siyang inakbayan ni papa at kinutusan. "Pasalamat ka at gwapo ka,akala ko ba liligawan mo lang ang anak ko iyon pala ay nadagit mo na!"Napangiwi naman si dwayne kaya napatawa na lang din kami.Napailing iling na lang ako.The best ang birthday ko na ito dahil akala ko talaga hindi ko na makikita ulit sila mama at papa pero hindi pala. Sobrang saya dahil sa wakas napatawad na rin nila ako dahil sa pagkakamali ko.Pero hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng takot na baka umaasa na naman ako.Na baka nagsisimula na naman akong magtiwala kahit hindi naman dapat.Sana hindi mo ako biguin dwayne.Sana hindi mo ako saktan ulit dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko once na magkamali na naman ako ng taong pinagkatiwalaan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD