ALESSANDRA'S POV.
Tahimik lang akong naglalakad sa isang lugar na hindi naman pamilyar sakin.Luminga linga pa ako sa paligid ko para maghanap ng mga taong naglalakad pero wala naman akong mahagilap.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa tahimik na daan nang kusa akong mapahinto dahil sa isang bagay na nabangga ng paa ko na lumikha ng isang kakaibang Ingay sa tahimik na paligid.
Nagbaba naman ako ng tingin at yumuko upang kunin ang bagay na iyon.Halos kumalabog ang puso ko sa sobranv kaba.Halos lumuwa na rin ang mata ko sa sobrang panlalaki nun habang nakatitig sa kandadong hawak ko.
"A LOVELOCK"Mahinang usak ko.Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko.Paanong napunya ito dito?At bakit wala na ito sa bakod?
Halos maiyak ako ng makitang sira na iyon kaya siguro ito nabuksan.Bigla na lang akong nakaramdan ng sobrang takot at pangamba habang hawak ko ang bagay na ito.Sinong sumira sa Lovelock namin?
Bigla naman akong nakarinig ng dalawang taong nag-uusap kaya naman agad akong lumingon sa direksyon nila.
Halos mapako ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa dalawang taong magkayakap.
"Ikaw talaga babe"Nakangiting sabi pa ng babae.Parang biglang nanikip anh dibdib ko at nahihirapan na akong huminga.Tumulo na rin ang luha ko habang pinagmamasdan sila.Wala sa sariling nabitawan ko ang Lovelock na hawak ko kaya naman napatingin sila sakin'g dalawa.
"Dwayne"
------
"Sandra,anak gumising ka!Sandra!"Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko na naging dahilan nang tuluyan kong pag gising sa isang masamang panaginip.
Agad akong napahawak sa bandang dibdib ko kung saan sobrang bilis ng t***k ng puso ko.Agad ko ring nakapa na basa ang pisngi ko.Teka--?Umiyak ba ako?
"Sandra,anak ayos ka lang ba?"Puno nang pag-aalala na tanong ni mama sakin.Tumango na lang ako kahit na wala pa rin tigil sa pagkabog ang puso ko.Pinahid ko na lang ang luha sa pisngi ko.Ano bang klaseng panaginip iyon?Pakiramdam ko talaga kanina ay totoong nangyari yun.
Bigla naman akong nakaramdam ng takot.Ang lovelock,Nasira yun sa panaginip ko.Anong ibigsabihin nun?
Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko.Paano kung magkatotoo ang nangyari sa panaginip ko?Sino ang babaeng kayakap niya?Kakayanin ko kayang makitang na sa pili na siya ng iba?Napabuntong hininga na lang ako.Kung anu ano na naman ang pumapasok sa isip ko.
"Maayos na po ako ma,may napanaginipan lang po akong masama"Sagot ko sa kanya.Narandaman ko pa ang paghaplos niya sa pisngi ko.
"Sobra akong nag-alala sayo anak,hindi ko kayang nakikita ka na nasa ganu'ng kalagayan"Bakas sa aking ina ang labis na pag aalala.Tipid akong ngumiti upang mabawasan naman ang pangamba sa puso niya.
"Ayos na po ako ma,Ayoko rin po kayong nakikitang sobrang nag aalala.Maliligo na po ako"Tinguan niya naman ako at nginitian.Katulad nang palagi ko'ng ginagawa tuwing umaga.
Maghihilamos tapos maliligo na.Nang matapos akong maligo ay wala sariling napatulala na naman ako habang nakaharap pa sa salamin at nagbubutones ng blouse ko.
Bigla ko na lang naalala ang napanaginipan ko.Bakit ko ba napanaginipan iyon?Napapilig na lang ako ng ulo ko at tinapos ang pag aayos sa sarili.
Binitbit ko na agad ang bag ko dahil bigla bigla na lang dumadating sila lalaine.Tinatamad pa naman ako'ng mag akyat baba.
Dahan dahan lang ang naging kilos ko dahil mahigit dalawang buwan na rin ako'ng buntis.Wala sa sariling napangiti ako.Nung mga nakaraang araw ay todo suyo sakin si Dwayne.Kung anu ano pa ang mga binibigay sakin kaya halos mapuno na nang regalo niya ang kwarto ko.
Plano ko na rin siyang sagutin bukas tutal naman pinapakita niya talaga na seryoso na siya.Ang sabi pa ng mga kaibigan niya ay hindi na rin siya nakikipagkita sa mga babae na dati naman ay gawain niya.
Napapilig na lang ulit amo.Mukha na pala akong tanga na nakangiti mag isa riti.Nang makababa ako ay agad akong nagpunta sa may hapag kainan at naupo na.Nginitian naman ako ni papa.
"Magandang umaga anak"Bati sakin ni papa.Nilagyan naman ako ng pagkain ni mama sa plato ko.
"Good Morning na rin po sa inyong dalawa"Masayang sabi ko bago nagsimulang kumain.
"Nga pala anak,anong plano mo ngayon?Hihinto ka ba sa pag-aaral?"Tanong ni papa.Natigilan naman ako at uminom muna ng tubig bago tumingin sa kanila.
"Wala po akong balak na huminto pa,Tsaka kakayanin ko naman pong mag-aral kahit na nagbubuntis ako.Anim na buwan na lang naman ay magsesecond year na ako.Pagkatapos ko ngayon ay bakasyon na,sakto namab po kung kailan ako manganganak"Paliwanag ko naman.Napatango naman sila.
"Ikaw ang bahala anak,pero ang inaalala namin ay baka mahirapan ka naman lalo na't hindi natin alam kung isalang ba iyan o kambal"Ngumiti naman ako sa kanila.
"Wag po kayong mag-alala,kakayanjn ko naman pong pagsabayin ang pag-aaral at pag-aalaga sa anak ko"Nakita ko namang ngumiti silang dalawa sa sinabi ko.
"Ay bahala na,desisyon mo iyan.Nandito lang kami para tulungan at gabayan ka"Mas lalong lumapad ang ngiti kl.
"Thank you po talaga mama at papa"Tumango naman sila habang nakangiti.Tinapos ko na rin ang pagkain ko at nagtootbrush na.
Narinig ko na rin ang pagbusina ng sasakyan nila lalaine sa labas kaya agad ko'ng isinukbit ang bag ko at kiniss sila mama at papa sa pisngi bago lumabas.
"Mag-iingag sandra,lumalaki na ang tiyan mo"Paalala pa ni mama.Ngumiti na lang ako at binuksan ang gate.
"Good morning guys"Bati ko sa kanila.Nginitian naman nila ako.
"Sandra,Bakit habang tumatagal mas gumaganda ka?Halata pa rin yung shape ng katawan mo kahit buntis ka"Napairap na lang ako sa sinabi ni Kuya Calvin.Hindi pa rin siya nagbabago,may pagkaplayboy pa rin.PSh!
"Kahit kailan ka talaga kuya Calvin!Lagi mo na lang ako binibiro"Natatawang sabi ko.
"Nope,You look radiant sis,lalaki siguro iyan"Biglang sabi ni Lalaine.Nangunot naman ang noo ko.Huh?Ano daw?
"Mukha ba akong radiant?Tsaka pano mo nalaman na lalaki kapag ganun?"takang tanong ko kay lalaine.Binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti bago hinila ng marahan papasok ng kotse.
"Ganyan raw yun sabi ni tita,Ewan ko lang kung totoo"Sabi niya kaya namab napatango na lang ako.Kahit ano namang gender ng magiging baby mo ayos lang.Ipaparamdam ko pa rin sa kanya o kanila man na I'm the best mom ever.
Pumasok na rin sila blake at Kuya Calvin sa loob ng sasakyan.Inihilig ko na lang ang ulo ko sa gilid.Napapikit na lang ako sa sobrang tahimik.
Nakakapanibagi kase dahil nasanay na ako na madalas silang nagbabangayan.Hanggang sa makarating kami sa school ay naging tahimik pa rin sila.Oh well,baka nagkaroon siguro ng himala.
Huminga muna ako ng malalim at lumabas ng kotse.Hindi ko na lang pinansin ang mga mapanghusga nilang tingin.Wala naman mangyayari kung patuloy ko yu'ng papansinin.Nauna na ako sa kanila pumasok sa loob ng classroom.
Agad na nagsalubong ang kilay ko ng makitang bakante pa ang upuan ni Dwayne.Asan na kaya siya?Papasok pa kaya siya?Napabunting hininga na lang ako bago dumiretso sa upuan ko.
"Ang landi talaga niya"
"Oo nga!Si dwayne pa talaga ang kinalantari niya"
"Wala namang pinipili ang higad!"
"Tama!Basta Malandi,kumakapal ang mukha"
Nagsalpak na lang ako ng earphone sa tenga ko at nagpatugtog ng music.Ngayon,wala na akong naririnig na sinasabi nila.Nakakasawa na rin marinig ang mga sinasabi nila.Halos paulit ulit na lang,walang nang bago.
Pumasok na rin sila lalaine at nakasunod lang dun ang Teacher namin.Mabigat na napabuntong hininga ako bago tinanggal ang earphone at nakinig sa lesson namin ngayong araw.
Nang magring ang bell ay kanya kanya nang mundo ang mga kaklase namin.Nilapitan naman ako ni Lalaine at inaya sa cafeteria dahil nagugutom na raw siya.Sumunod na lang din ako.
Bigla naman siyang inakbayan ni Blake kaya agad na sumama anh timpla ng mukha niya.
"Tatanggalin mo ba yang braso mo sa balikat ko o baka gusto mong sumabog ako dito at ibalibag kita ora mismo"Masama ang tingin nito kay Blake.Ngumiti lang si Blake at inalapit ang mukha kay lalaine at walang pasabing hinalikan ito sa labi.
"Nah-ah,One Shout,One kiss,One Violence,making baby"Natahimik na lang si lalaine at matalim na tumitig sa kanya.One Violencem?Making baby?Pfft!Ibang klase talaga ang isang toh.Bigla namang may gumulo sa buhok ko.Paepal naman oh.
"Tara na sa cafeteria,iwanan na muna natin yan"Nginusuan ko lang si kuya Calvin dahil ginulo niya ang buhok ko.Ang gulo na tuloy,nakakainis pa at tinawanan niya lang ako.Mukha ba akong clown para pagtawanan niya ako?
Dumiretdo na kami sa cafeteria at agad naman naming nakita di Diane na kinawayan kami kaya nagmadali kaming lumapit dun.
"Hello baby girl"Biglang sabi ni Kuya Calvin kay Diane.Natigilan naman ito at nakita kong namula ang pisngi niya.Teka?Bakit siya nagbablush?Hmm.There's something weird here.
"Kuya Calvin naman,wag mo nga akong tawaging baby girl"Biglang sabi ni Diane.Bakas sa tono niya ang pagkailang.Narinig ko lang na tumawa si Kuya Calvin at ginulo rin ang buhok ni Diane kaya naman napanguso na lang din ito.Ang cute.
"Baby girl naman kita eh,Ayiehh"
"KUYA!"Bigla siyang pinandilatan ni Diane.Napangiti na lang ako,Mukhang may namamagitan sa dalawang toh.Pedophile talaga ang isang toh.Tsk tsk.
"Nasan si Dwayne,Diane?"Tanong ko naman.Bigla naman siyang ngumiti ng alanganin.Teka may problema ba?
"Uh,ano kase--Uhm,nasa Zambales si kuya.May inaayos kase sila mom dun about business at si Kuya na naman ang sinama nola.You know,nireready daw nila si kuya para sa Future.Duh,As if naman na magseseryoso yun"Kahit na nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi pala matutuloy ang pagpapakilala niya sakin sa parents niya. Napangiti na lang din ako,pambihira kase si Diane,mismong kuya niya nilalait pa.Ibang klase talaga.
"Hey,mukhang nagkakasiyahan kayo dito"Dumating na rin sila blake.Tumayo naman si Kuya Calvin,siya na kase ang nagvolunteer bumili ng pagkain namin.
"Anong sasalihan mo ate lalaine?"Tanong ni Diane.Nalalapit na kase ang sport fest at requirred ang bawat estudyante na sumali sa kung anu anong club.
"Gusto kong i-try ang Archery"Bigla namang napangiti ng malawak si Diane.Mukha siyang masayang masaya.
"Marunong ka nun ate?Paturo rin ako"Tumango lang si lalaine at ngumiti.
"Kaya naman pala sayo ako nainlove baby,dahil pinana mo ang puso kong ngayon ay umiibig sayo-Ouch"Napahimas naman siya sa ulo niya na binatukan ni lalaine.
"Puro ka kalokohan!Manahimik ka nga"Ngumisi naman si blake kay lalaine na animo'y may naisip na kalokohan.
"One,Violence,Making baby"Tinarayan lang siya ni lalaine at inirapan.
"I.Don't.Care!Gumawa ka mag isa mo!"Sigaw pa ni lalaine bago tumayo at umalis.
"Ang sungit pa rin niya"Naiiling iling ba sabi ni Blake.Napangiti na lang ako,bilib rin ako dahil natatagalan niya rin ang pagiging masungit at brutal ng kaibigan ko.
"Sa restroom lang ako"Paalam ko.Tinanguan naman nila ako kaya lumabas na rin ako ng cafeteria at nagpunta sa comfort room.
Agad akong naghilamos sa may sink at kung minamalas ka nga naman,sa lahat ng pwede kong makita ang traydor ko pang kaibigan na si Hariet.
"Ow,nandito pala kaya Sandra,kamusta na kayo ni baby?Iniwan na ba kayo ni daddy?"Tiningnan ko lang siya ng walangvemosyon.Wala akong panahon patulan ang mga pang aasar niya na nakakaumay.
Tumalikod na lang ako at agad ring napahinto ng hawakan niya ako sa braso
"Hariet bitawan mo ko!"Inis na sabi ko.Nginitian niya lang ako pero alam kong peke iyon.Parang siya lang,sobrang fake.
"Nasan si Dwayne?Dibah siya ang ama ng baby mo?"Nanlaki naman ang mata ko.
"Paano mo nalaman?"Tanong ko.Humalakhak lang siya na parang demonyo.Psh!
"Hindi na mahalaga yun b***h!Ang tanong ay nasan siya ngayon?"Napapikit na lang ako at pabalang na binawi ang braso ko.
"Nasa Zambales,masaya kana?"Mataray na sabi ko.Mas lalong lumawak ang ngiti niya
"Hmm,Tama ka pero hindi mo siguro alam na may iba pa siyang pinuntahan dun"Agad na nagsalubong ang kilay ko.Ano na naman bang pinagsasabi ng isang toh?
"Ano na naman bang pakulo toh Hariet?Sawang sawa na ako kaya tigilan mo na toh!"Tumawa lang muli siya na parang nababaliw.
"Wala ka nga talagang alam,alam mo ba na kaya siya nasa Zambales ay hindi dahil sa business kundi para makipagmeet sa Fiancee niya"Natigilan naman ako pagkatapos niyang sabihin na pumunta dun si Dwayne para makipag kita sa Fiancee niya.Bigla na lang may tumulong luha sa mata ko.
"Hindi totoo yan,Nagsisinungaling ka"Binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti at binangga bago nagpunta sa may pinto.
"Ikaw ang bahala kung maniniwala ka,basta sinabihan na kita!Huwag kasing basta umasa na papanagutan ka niya.Ayan tuloy,ikaw ang kawawa.Babush my dearest ex-friend"
Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko.Hindi Sandra,Huwag kang maniwala sa sinabi niya.Pero yung panaginip ko,may kasama siyang ibang babae roon.Bigla na lang nanlamig ang buong katawan ko.Iyon ba ang ibig sabihin ng panaginip ko?Na may ibang nakalaan sa kanya at hindi talaga kami para sa isat isa?
Mabilis kong tinuyo ang luha ko at naghilamos at nagpunas gamit ang panyo.Tahimik lang akong bumalik sa classroom.Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng gana.
Hindi ko alam ang paniniwalaan ko.Pero kung totoo man ang lahat ng iyon,dapat maging handa ako.
----
LALAINE'S
Tahimik lang kami habang pauwi na kami.Kanina nang bumalik si Sandra galing rest room.Hindi na namin siya makausap ng matino.Palagi pang nakatulala kanina.
Napabuntong hininga na lang ako.Nag aalala ako na baka may nangyari kanina kaya siya nagkakaganyan.Inihinto na rin ni blake ang sasakyan sa tapat ng gate nila Sandra.
"Nandito na tayo sis"Untag ko sa kanya.Napatingin naman siya samin at hindi nakaligtas sakin ang pamumugto ng mata niya.Umiyak ba siya?Akmang magtatanong ako ng mabilis siyang lumabas ng kotse.
"S-salamat sa paghatid"At agad rin siyang tumalikod.May mali talaga sa kanya.
"Ayos lang ba si Sandra?Bakit parang wala siya sa sarili niya?"Tanong ni kuya.Napabuntong hininga na lang ako.
"Ewan ko,hindi naman siya sumasagot sa mga tanong ko.Nag aalala na ako"Naramdaman ko naman na may pumisil sa kamay ko.
"Wag kang masyadong mag isip ng kung anu ano,Baka ako naman ang mag alala kapag may nangyari sayo"Napaiwas na lang ako ng tingin at binawi ang kamay ko kay Blake.Palagi naman siyang ganyan at aaminin ko,hindi pa rin ako sanay.Ipinikit ko na lang ang mata ko.Sana maayos lang si Sandra,kung bakit kase wala dito si Dwayne.
Nasan naman kaya ang lalaking yun?Subukan niya lang talagang lokohin ang kaibigan ko.Magkamatayan na pero wala siyang karapatang gawin yun.Sana lang tama ang desisyon namin na ipagkatiwala sa kanya si Sandra.Sana naman,huwag niyang saktan ang kaibigan ko dahil mas doble ang sakit kapag nakikita kong umiiyak ang kaibigan ko.