20

2307 Words
ALESSANDRA'S POV. Pinahid ko na lang ang luhang dumausdos pababa sa pisngi ko.Hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang sinabi ni Hariet tungkol kay Dwayne. Ayokong maghinala pero bakit ganito yung pakiramdam ko?Bakit kahit anong gawin kong pag unawa na hindi iyon totoo ay walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang pagdududa. Paano kung biguin na naman niya ako?Paano kung sirain na naman niya ang pangakong pinagkatiwala ko?. Oo,mahal ko si Dwayne pero minsan nakakapagod rin na patuloy na magtiwala lalo na at wala naman kaming assurance sa isat isa. Sapat na nga ba ang mahal niyo lang ang isa't isa para manatili kayong magkasama hanggang sa pagtanda? Napabuntong hininga na lang ako bago binitbit ang bag ko.Lumabas na rin ako ng kwarto ko at hindi na nag abala pang magpunta sa hapag upang mag agahan.Hindi ko alam pero bigla na lang akong nawalan ng gana. Hindi ko naman gustong patayin sa gutom ang anak ko pero hindi ko lang talaga mapilit ang sarili ko na kumain sa ngayon.Dire diretso akong lumabas ng bahay at tumayo sa labas ng gate. Nang tumingin naman ako sa oras ay malapit nang mag alas otso.Mula sa di kalayuan ay natanaw ko na rin ang sasakyan ng kaibigan ko.Mabilis ang pagpapatakbo nito at huminto sa tapat ko. Bumaba naman ang wind shield nun at bumungad sakin ang fiancei ni Lalaine. "Ang aga mo ngayon sandra"Tumango na lang ako dahil para rin akong nawalan ng gana magsalita. Bumukas naman ang pintuan ng kotse kaya pumasok na rin ako.Katabi ko sa back seat si Kuya Calvin na mataman lang akong tinitingnan.Hindi na lang ako umimik at tahimik na naupo na lang. Nagsimula na ring magmaneho ulit si Blake.Sa una ay tahimik naman kami hanggang sa marinig kong bumuntong hininga ang kaibigan kong si Lalaine. "Sandra,Ano na naman bang problema?"Tanong niya sakin habang diretsong nakatingin saking mga mata.Agad kong iniwas ang tingin ko dahil hindi ko kayang tagalan ang emosyong nakikita ko roon. "Wala naman"Tipid na sabi ko.Hindi ko ugaling magsinungaling pero kailangan ko yung gawin.Alam kong pag nalaman iyon ni Lalaine ay sobra siyang magagalit kay Dwayne. "Hindi ganyan ang itsura ng walang problema Alice,tell us what's bothering you"Napayuko na lang ako.Hindi ba talaga ako makakatakas sa mga tanong nila.Naramdaman ko na naman ang paglandas ng luha ko sa mata ko. "I'm o---*Sob*"Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng tuluyan na akong magbreak down.Naramdaman ko na lang ang pagyakap sakin ni Kuya Calvin. "Hey,Don't cry...Makakasama sa baby yan eh!"Pagpapatahan sakin ni Kuya Calvin. "Ano ba kasing problema sandra?Mga kaibigan mo kami.Ano pang silbi namin kung isasarili mo lang ang lahat?"Sabi ni lalaine na halata ang pagtatampo sa paraan ng kanyang pagkakasabi.Pinahid ko naman ang luha ko at kumalas sa yakap ni kuya Calvin. "S-si Dwayne kase"Nahihirapang sabi ko.Pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga sa tuwing babanggitin ko ang pangalan niya. "Ano na naman bang ginawa ng tarantadong yun!?"Biglang sabat ni blake.Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni lalaine. "Manahimik ka na nga lang dyan!Magmaneho ka!Huwag ka nang makisawsaw dito"Sermon pa ni lalaine.Tumingin naman siya sakin at nakita ko doon ang labis na pag aalala.Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Sabi ni hariet pumunta si Dwayne sa Zambales hindi para sa business kundi para makipag meet sa finacee niya."Napasinghap naman sila at agad na nagsalubong ang kilay. "Si hariet?Yung malanding hitad?"Sabi ni Kuya Calvin. "Sandra,Oo aaminin ko na abot hanggang langit ang inis ko kay Dwayne pero sa tingin ko wala namang katotohanan ang sinabi ni hariet.Come to think of it.Sinisiraan niya sayo si Dwayne dahil naiinggit siya sayo kaya Stop thinking too much negatives things.Alam ko namang hindi magagawa yun sayo ni Dwayne"Wala sa sariling napangiti ako kahit na may doubt pa rin ako sa sarili ko. Maybe tama si lalaine,Sinisiraan lang siya sakin ni hariet pero sa kabilang banda. Paano ko mapapaliwanag ang panaginip ko?Paano ko mapapaliwanag ang kutob ko? "Tama na ang pag iisip ng kung anu ano,Nakita naman namin na mahal na mahal ka talaga ni Dwayne eh.Kaya wag ka nang malungkot"Binigyan ko na lang sila ng isang tipid na ngiti.Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala akong mga kaibigan na katulad nila.Na handa kang damayan sa abot nang kanilang makakaya. "Salamat"Nginitian naman nila ako. "Hindi mo na kailangang magpasalamat sandra,Ang problema ng isa problema ng lahat.Sama sama tayong hahanap ng solusyon dyan."Sabi pa ni lalaine.Nakita ko namang nagpark na kami sa school kaya naman bumaba na rin kami. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa gate ng school namin.Kanina ko pa tinatanong sa isip ko kung itatanong ko ba sa kanya kung totoo ba ang sinabi ni Hariet pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan. May naramdaman akong biglang umakbay sakin kaya napatingin ako roon.Nakita ko lang ang masayang mukha ni Kuya Calvin na nakaakbay sakin. Ngumiti na lang ako kahit na may konting disappointment sa puso ko.Akala ko pa naman si Dwayne ang umakbay sakin,binigo na naman ako ng aking akala. "Tara na sa loob"Tumango na lang ako kay Kuya Calvin at pumasok na nga sa loob.Hindi ko na lang pinansin ang mga mapangmatang tingin nila sakin.Iyon naman ang palagi kong ginagawa ang huwag pansinin ang mga masasakit na salitang maririnig ko sa kanila dahil wala naman iyon na madudulot na maganda. Agad kaming dumiretso sa loob ng classroom.Saglit akong natigilan nang makita ko si Dwayne na natutulog habang may nakasalpak na ear phone sa tenga niya.Gusto ko siyang yakapin dahil sobrang miss ko na siya pero ayoko namang istorbohin ang pagtulog niya. Tahimik lang ako na naupo sa upuan ko katabi niya.Mukhang pagod na pagod siya kaya siguro nakatulog na rin siya.Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na rin ang teacher namin.Pasimple ko namang kinalabit si Dwayne para sabihing nandyan na ang magtuturo samin. Nagmulat naman siya ng mata at hindi man lang ako tiningnan.Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.Baka pagod lang siya. Nakinig na lang kami sa discussion ng teacher namin.Hindi pa rin niya ako pinapansin.Ano bang nangyayari sa kanya?Ayos lang kaya siya. Nang tumunog ang bell ay tumayo na ako para kausapin siya. "Uh Dwayne,May sasabi--"Naputol sa ere ang sasabihin ko nang bigla niya akong lampasan na parang hangin lang.Ilang sandali pa akong napatulala at parang hindi makapaniwala sa ginawa niyang hindi pagpansin sakin. Wala sa sariling napangiti ako ng mapait at napatakbo palabas ng classroom.Hindi ko na rin pinansin ang pagtawag sakin nila lalaine. Dire diretso lang akong tumakbo papuntang comfort room.Hindi ko na kayang pigilan yung sarili ko na maiyak.Ang sakit kase eh,ang bigat sa pakiramdam na para ka lang hangin sa paningin ng taong mahal mo. Agad akong pumasok sa isa sa mga cubicle doon at wala sa sariling napaiyak na lang.Ano ba kasing nangyari kay Dwayne at naging ganun na lang siya bigla?Mas lalo tuloy nadagdagan ang takot sa puso ko na baka nga may katotohanan ang mga sinabi ni hariet. Walang tigil sa pagbuhos ang luha ko,hanggang kailan ba ako luluha ng dahil sa pagmamahal ko sa kanya?Natatakot ako na baka dumating ang isang araw na bigla na lang akong mapagod at sumuko na mahalin siya. ---- LALAINE'S POV. Bigla na lang tumakbo palabas ng classroom si Sandra.At base sa itsura niya kanina,halatang paiyak na siya. Nagkatinginan na lang kami nila Kuya Calvin bago lumabas ng classroom.Humanda talaga sakin yang dwayne na yan.Namumuro na siya sa ginagawa niyang pananakit sa kaibigan ko. "Kumalma ka lang lalaine"Pagpapaklma sakin ni kuya Calvin.Hindi ko na lang iyon pinansin.Sa mga oras na toh!Wala akong panahon para kumalma.Masasapak ko talaga ang Dwayne na yun!Makikita niya ang hinahanap niya. "Ate lalaine"Agad naman kaming napalingon kay Diane.At agad na bumalatay ang pagtataka sa mukha niya "Ayos lang po ba kayo?Bakit ganyan yung itsura niyo?"Naguguluhang tanong niya.Napabuntong hininga naman ako. "Nakita mo ba ang kuya mo?"Tanong ko.Napakurap kurap naman siya at natigilan sa tanong ko. "A-ano po?"Agad na nagsalubong ang kilay ko.Bakit bigla siyang nautal?May dapat ba kaming malaman? "Nasan si Dwayne baby girl"Napangiwi naman si Diane at napayuko. "Nasa garden po si kuya k-kasama si Irish"Nagsalubong lang ang kilay ko sa huli niyang binanggit.Huwag mong sabihing nambababae na naman si Dwayne?Napayukom na lang ako ng kamao ko.kating kati na akong manapak dito. "Sino si Irish?"Kalmadong tanong ko kahit na gustung gusto ko nang sumabog sa galit. "Fiancee ni kuya"Natigilan naman ako at pakiramdam ko pa ay bigla akong nabingi sa sinabi ni Diane. "Anong sabi mo?" "Fiancee ni kuya si Irish"Nakatungong sabi niya.Napapikit na lang ako sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon. Tumalikod na rin ako at nagsimula ng maglakad papuntang garden.Napahinto naman ako ng makita si Sandra na tinatahak ang daan papunta roon. "Si Sandra yun dibah?"Nagkatinginan na lang sila at agad na hinarangan si Sandra.Sorry sandra pero ayaw ka naming saktan.Ayaw namin malaman mo na may katotohanan ang lahat.Damn! ----- ALESSANDRA'S POV. Nagsalubong lang ang kilay ko nang biglang sumulpot sa harap ko sila blake at Kuya Calvin. "Anong ginagawa niyo?Tumabi muna kayo kuya Calvin.Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin"Pero hindi naman sila natinag at hindi umalis sa harapan ko.Tuluyan nang naging isang guhit ang gatla sa noo ko. "Ano ba kasing nangyayari?Bakit ayaw niyo akong padaanin?"Naguguluhang tanong ko. "Uh ano kase,Wag ka munang magpunta sa garden.May inaayos pa kase dun tara dun na lang tayo sa cafeteria"Napataas na lang ang kilay ko at walang sabi na hinawi si Kuya Calvin. "Wala akong paki"Inis na sabi ko.Kailangan ko lang talaga ng tahimik na lugar at sa garden lang ako nakakakuha ng katahimikan. "Sandra,Huwag ka muna kasing-"Napahinto na lang ako ng makita si Dwayne dun.Bigla na lang sumikip ang dibdib ko nang makita mismo ng dalawang mata ko na hinalikan siya ng babaeng kasama niya.Napapikit na lang ako dahil sa sobrang sakit. Pinigilan pa ako nila blake na lumapit sa kanila pero hindi ko sila pinansin at tuluy tuloy na naglakad palapit sa kanila. Umiiyak ang puso ko,lumuluha dahil sayo Kay hirap palang umibig sa katulad mo Napatingin naman sila sakin at parang gusto ko na lang tumakbo palayo nang makitang sobrang lamig nang titig sakin ni dwayne. "Sige babe,dun muna ako sa classroom ko"Nginitian naman siya ni Dwayne at parang sinalsak ang puso ko ng mawalan muli iyon ng emosyon. Kay hirap sabihin na minamahal kita sinta Ngayong nakikitang may mahal ka nang iba. "Anong kailangan mo?"Para akong nanlamig sa sobrang lamig ng pagkakasabi niya.Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong mapaiyak sa harap niya. "S-sino yung babaeng kasama mo?"Basag ang boses ko habang nagtatanong sa kanya.Pakiramdam ko ay tumatagos lang ang tingin niya sakin. "Fiancee ko"Wala kaemo emosyong sabi niya.Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha. Sana'y pagbigyan,Pagbigyan nang pagkakataon. Ang bulong sa isip ko nasasaktan ang puso ko. "Fiancee mo?P-paano na ako?Paano na tayo?"Pakiramdam ko ay nagmumukha na lang akong tanga sa harap niya.Iniisip ko rin kung pinagtatawanan niya ba ako sa isip niya dahil nagawa na naman niya akong paikutin. "Walang tayo sandra,Tsaka iyon ang kagustuhan nila mommy.Wala akong magagawa lalo pa ngayon na aalis na ako ng bansa."Pagak akong natawa sa sinabi niya at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "Bakit ka aalis ng bansa?Tungkol na naman ba toh sa pangarap mo?A-alam mo Dwayne,Hindi ko alam kung anong utak meron ka.Akala ko ba handa ka nang panagutan ang bata?Hindi ba sinabi mo rin sakin na ipapakilala mo na kami sa kanila?Eh ano toh?Biglang nagbago isip mo?Dwayne naman,Hanggang kailan mo ba ako gagawing tanga!?Dwayne,nakakapagod na kase"Tuluyan na akong napaiyak.Sobrang sakit na umasa na naman ako.Ano bang meron sakin at palagi na lang akong nagmumukhang kawawa? Paano na ang puso ko na umiibig sayo Ngayon ikaw ay meron nang ibang gusto. Sana noon pa sinabi ko na,na minamahal kita. Baka sakali pang naging tayong dalawa "I'm sorry"Napangiti na lang ako ng mapait nang marinig ko na naman ang dalawang salita na pinakaayokong marinig mula sa kanya "I'm sorry?Para saan?Dahil naging duwag ka na naman?Sorry dahil hindi mo pala kayang manindigan sa pangakong iyong binitawan?Dwayne,hindi ko kailangan nang sorry mo!Ikaw yung kailangan ko.Dwayne,please naman oh.Ipaglaban mo naman kami ng magiging anak mo"Napaluhod na rin ako sa kanya.Wala na akong pakielam kahit na nagmumukha na akong tanga sa harapan ng iba. "I'm sorry pero wala na akong magagawa.Hindi ko intensyon na saktan ka"Tuluyan nang bumagsak ang balikat ko nang magsimula siyang maglakad palayo sakin. "Hindi mo gustong saktan ako pero sobra pa dun ang nagawa mo!Para mo na ako ngayong pinapatay sa sakit.Kung hindi mo talaga kami kayang ipaglaban hahayaan na kita.Sana hayaan mo na rin ako.Dwayne,mahal kita pero nakakapagod ka rin pa lang mahalin.Sana huwag ka nang magpapakita pa sakin.Sana kung babalik ka man ay hindi na tayo muling paglandasin ng tadhana.Sana wala kang pagsisihan sa gagawin mo.Huwag ka na ring umasa na mapapatawad kita dahil kahit anong gawin mo.kahit ilang daang taon ang dumaan.Hinding hindi na maalis ang sugat na ginawa mo rito sa puso ko.Salamat sa lahat,Salamat sa sakit.Paalam na.Happy break up nga rin pala"Pinahid ko na lang ang luha ko at tumayo na.Ayoko na siyang habulin dahil wala na rin naman akong magagawa sa gusto niya. Gusto niyang tuparin ang pangarap niya.Sino ba ako para hadlangan siya? Hanggang pangarap na lang Hanggang pangarap na lang ang pag ibig ko sayo. Dahil alam kong,hindi na magiging tayo. Paano na ako?Paano na ang puso ko. Paano na ang puso ko na umiibig sayo Ngayon ikaw ay meron nang ibang gusto. Sana noon pa sinabi ko na,na minamahal kita. Baka sakali pang naging tayong dalawa. Paalam na Dwayne,Hindi ko na rin hihilingin sa tadhana na muli tayong pagtagpuin.Siguro nga hanggang dito na lang ang Love story natin. Pero kung totoo nga ang Lovelock na iyon.Hindi ko maipapangako na maghihintay ako,ayoko nang masaktan at umasa na naman.Makakaya ko kahit wala siya.Kakayanin ko ito nang mag isa. Hindi lahat ng masaya ay mananatiling masaya.Minsan binubulag ka lang sa katotohanan na masasaktan ka rin pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD