21

2154 Words
ALESSANDRA'S POV. Pinasadahan ko lang nang tingin ang school namin.Napangiti na lang ako,Sa wakas at natapos na rin ang isang taon ko at magsesecond year na ako. Agad ko namang narinig ang boses ni lalaine na tinawag ako. "Sandra,Tara na..Uuwi na tayo"Napailing iling na lang ako at maingat na nagpunta sa pwesto niya.6 Months na rin ang nakalipas at malapit na rin akong manganak this May. "Bakit ka ba sumisigaw lalaine?"Takang tanong ko.Binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti at inalalayang makasakay ng sasakyan.Kami lang ngayon ang magkasamang kumuha ng Card namin.Yung dalawang boys kase may ginawa pa kaya kami lang dalawa. "Anong pakiramdam mo ngayon sandra?"Tanong naman niya.Ngumiti naman ako. "Maayos lang naman,hindi na sumasakit ang tiyan ko katulad nung nakaraan"Natatawang sabi ko.Napairap naman si lalaine. "Mabuti naman,gosh!Kung alam mo lang sis.Sobra kaya akong kinabahan.Akala ko nga manganganak ka na eh"Natatawang sabi niya.Napatawa na lang din ako.Madalas kase akong sinusumpong,at sa mga oras na yun.Palaging si Lalaine ang kasama ko. Maayos naman ang naging buhay ko sa loob ng anim na buwan.Naging maayos lang din naman ang pagbubuntis ko.Hindi pa namin alam ang gender ng baby dahil hindi muna namin tinanong.Surprise na lang daw kapag nanganak ako. Sa loob rin na anim na buwan ay unti unti na rin akong nakalimot sa sakit.Hindi pa totally nakalimot,nabawasan lang yung sakit pero naaalala ko pa rin ang pagpapakatanga ko. Wala na rin akong balita sa kanya.Ang sabi lang samin ni Diane ay lumipad na nga raw siya papuntang ibang bansa para doon mag aral. Kahit na may galit ako sa kanya ay hindi iyon nakaapekto sa uri ng pagkakaibigang meron kami ng kapatid niya.Gumagaan kase ang pakiramdam ko kapag kasama namin si Diane. Todo alaga rin siya akin dahil nag aalala siya sa kalagayan ko.Isa rin si Diane sa mga tao na dinamayan ako sa mga panahong kailangan na kailangan ko ng makakaramay. Inihinto na rin ni Lalaine ang sasakyan niya sa harap ng bahay nila.Sabado ngayon ay dito ako matutulog sa kanila.Naunang lumabas ng bahay si lalaine at inalalayan ako papasok ng bahay nila. Agad naman akong naupo sa sofa ganun rin siya. "Haysst!Another three years na naman,Nakakasawang mag aral sis"Nakangusong sabi niya habang nakasalampak sa may sofa.Napatawa naman ako.Panay kase ang reklamo niya na nakakatamad raw mag aral. "Alam mo naman na kaya tayo nag aaral ay para mahasa ang kakayahan natin"Kahit hindi ko makita ang mukha nila lalaine ay alam kong umirap siya. "Yeah,yeah.Alam ko naman yun,teka bakit wala pa rin sila Blake?"Biglang tanong niya.Agad naman akong napangisi sa kanya kaya agad ring nagsalubong ang kilay niya. "Bakit ka nakangiti ng ganyan sakin sandra?Ano na naman bang naiisip mo?"Nagkibit balikat na lang ako. "Wala lang,Napapadalas na kase ang paghahanap mo sa boyfriend mo eh"Nakatanggap lang ako ng masamang tingin mula sa kanya. "Hindi ko siya boyfriend!Arghh!Pati ba naman ikaw?"Inis na sabi niya.Inaasar ko lang naman si Lalaine eh.Ang bilis kaseng mapikon. "Binibiro lang naman ki--Aray"Nasapo ko agad ang tiyan ko.Bigla na lang kasi akong nakaramdam ng pagkirot nun. "Anong nangyayari sayo?Ayos ka lang?"Alalang tanong niya.Tatango pa sana ako ng mas lalong tumindi ang pagsakit nun kaya naman napangiwi ako sa sakit. "Aray!Masakit lalaine!"Halos mamilipit ako sa sakit.Naramdaman ko rin na may tumulong luha mula sa mata ko.Ang sakit sakit. "Huh?Ano?Teka..Sigurado ka ba?"Natatarantang sabi niya.Agad ko namang naramdaman ang parang tubig na umagos sa hita ko.Napapikit na lang at napakapit sa gilid dahil sa sobrang sakit. "Lalaine manganganak na ata ako-Aray!Sumabog na ang panubigan ko!Aray.Ang sakit"Naiiyak na sabi ko.Halos mawalan ako ng ulirat sa sobrang sakit nun.Hindi ko na kaya. "Teka lang naman,Ano,halika ka nga.Alalayan kita.Kung bakit kase wala rito sila kuya eh.Dadalhin na kita sa hospital"Agad akong kumapit kay lalaine at inalalayan niya ako palabas ng bahay.Agad naman niya akong pinaupo sa back seat at mabilis na nagmaneho. "Arggh!Ang sakit"Impit na daing ko.Nararamdaman ko na rin na may gustong lumabas roon. "Sandali lang sandra!Huwag ka namang ganyan!Ako ang kinakabahan sayo eh"Natatarantang sabi pa niya. Napapikit na lang ako at kahit mahirap ay tiniis ko ang sakit.Ang hirap pala ng ganito pero kailangan kayanin. Nang maihinto na niya ang sasakyan ay agad niya akong inalalayan palabas. "Patulong naman po,Manganganak yung kasama ko"Agad naman na may nagdala ng stretcher at maingat akong inihiga roon. "Dito na lang po kayo ma'am kami na pong bahala sa kanya"Ipinasok na rin nila ako sa isang ward.Wala na akong makita sa paligid ko,malabo na dahil sa luha sa mata ko. "Umire ka lang ng malakas mommy,Makakatulong iyon upang mas mapadali ang panganganak mo"Tumango naman ako at sinunod ang sinabi niya. Halos mapaos ako sa kakaire maipanganak lang ang anak ko.Ganito pala kahirap ang manganak.Ngayon mas pinahahalagahan ko na ang halaga ng pagpapakahirap ni mama.Hindi biro ang manganak.Para na ring nasa bingit ng kamatayan ang buhay mo. Akala ko ay matatapos na ang paghihirap ko ngunit may sumunod pa.Tagaktak ang pawis ko pagkatapos kong manganak.Naramdaman ko na lang ang pagbigat ng talukap ko habang nakatingin sa mga supling ko.Napangiti na lang ako,sa wakas at naisilang ko rin sila. ---- LALAINE'S POV. Hindi mapakali si tito sa kinauupuan niya simula ng ibalita ko sa kanila na nanganganak na nga ang anak niya. "Tay,uminahon ka nga.Ako ang nahihilo sa ginagawa mong pag ikot ikot eh"Suway naman ni tita kaya naman umupo ulit ito. "Hindi kase ako mapalagay ma,Bata pa si Sandra.Paano kung hindi niya kayanin ang panganganak?"Bakas kay tito ang labis na pag aalala.Maging ako ay kinakabahan rin para kay Sandra. Paano nga kung hindi niya kayanin ang panganganak?May posibilidad na mapahamak siya. "Tay,magtiwala lang tayo sa diyos.Alam ko naman na hindi niya pababayaan ang anak natin"sabi pa ni tita. "Magiging maayos lang kaya si Sandra?"Tanong ni Kuya Calvin.Napabuntong hininga na lang ako at maya maya pa ay lumabas na rin ang doktorang nag paanak sa kaibigan ko.Nagtatanggal pa siya ng mask at gloves niya na may dugo. "Kayo po ba ang kamag anak ni ms.Montereal?"Agad naman kaming napatayo. "Opo doktora,kamusta na po ang anak ko?"Ngumiti naman samin ang doktora. "Successful ang panganganak niya.Congratulations sa anak niyo,Triplets ang pinanganak niya at all boys."Napaawang naman ang labi naman at napakurap kurap pa sa sinabi ni doktora. "Ilan ho?"Hindi makapaniwalang tamong ng mama ni Sandra. "Triplets po,Tatlong sanggol ang nakayang ipanganak ng anak niyo.Maya maya po ay pwede niyo na po siyang puntahan,Mauna na po ako" sabi pa ni doktora bago umalis. Nagkatinginan pa kami nila Kuya Calvin at wala sa sariling napailing iling. "s**t!Sharpshooter pala si Dwayne tsk!"React ni Kuya Calvin.Naramdaman ko naman ang pag akbay sakin ni Blake. "Tara puntahan na natin si sandra"Ngumiti na lang ako.Excited na akong makita ang mga babies niya.Napailing iling na lang ako.Bilib rin ako sa kaibigan ko,nakaya niya ang ganun karami?Ibang klase. ------ ALESSANDRA'S POV. "Parang mas lalo siyang gumanda" "Tumahimik ka nga kuya!Baka magising mo si Sandra.Kailangan niya pang magpahinga" "Kalma lang baby ko,Baka ikaw naman ang sunod na manganak" "Gusto mong mabugbog?Nabubwisit na ako sayo" Napamulat naman ako ng mata dahil sa ingay na naririnig ko sa paligid.Agad na bumungad sakin ang maaliwalas na silid at ang mga mukha nila lalaine,kuya Calvin at blake. "Anong ginagawa niyo dito?"Biglang tanong ko.Napangitin naman sila sakin at tipid na ngumiti. "Gising ka na pala sis,Kamusta ang pakiramdam mo?May masakit pa ba sayo?"Tanong ni lalaine.Napangiwi naman ako ng maramdaman ang pagkirot ng pagkababae ko. "Magpahinga ka muna Alice,Pabalik na rin sila tito.Bumili lang ng pagkain"Tumango na lang ako sa kanila. Maya maya pa ay dumating na rin sila papa na may kargang baby.Ganun rin si mama,nangunot lang ang noo ko pero agad rin iyong nawala ng pumasok si Diane na may bitbit pang isang babae.Napangiti na lang ako,ang cute pa rin ng batang toh. "Magandang araw anak,napaka cute naman ng anak mo"Komento ni papa habang tinititigan ang anak ko. "Manang manang sayo anak" "Ang gwapo nila ate Sandra,pinaghalong---Hehehe,Kamukha niyo po sila Ate sandra"Mukhang nahalata rin ni Diane na ayaw ko nang maalala pa ang kuya niya.Lumapit naman sakin si Diane at binigay sakin ang anak ko. "Siya yung panganay sabi ni Doktora.Anong ipapangalan mo sa kanya ate?"Nakangiting tanong ni Diane.Natigilan naman ako at napaisip ng ipapangalan sa kanila. "Dahil gwapo ako,Sakin mo na lang isunod ang pangalan niya,Calvin Charles"Napairap naman si Lalaine. "Wala kang taste sa pagpili ng pangalan.Paano na lang ang magiging anak mo niyan in the near future kuya?"Napangiwi naman si Kuya Calvin at napatingin kay Diane.Agad rin namang nag iwas ng tingin si Diane at halatang nailang.Mga baliw rin kase,anak agad. "Drake Alexander ang ipapangalan ko sa kanya"Nakangiting sabi ko habang nakatingin sa gwapong baby na nasa bisig ko.Hindi ko maipagkakailang kuhang kuha niya talaga ang itsura ni Dwayne.Mas nakuha nila iyon. "Wow,ang cool naman ng name niya ate" "Eh ano namang ipapangalan mo sa pangalawa mo?"Nginitian ko lang din si papa. "Alam ko na Sandra, Blake Pharexter"Napangiwi naman ako ng mabanggit niya ang second name ni Dwayne. "Ay,I'm sorry Sandra,ikaw na nga lang magpangalan dyan"nakangiwing sabi niya dahil kinurot siya sa tagiliran ni lalaine.Napailing na lang ako. "Ang pangalan ng pangalawa kong anak ay Daniel Chase,ang sa bunso ko naman ay Dealan Skyler" "Bakit puro D yung simula ng first name nila?Anong tawag sa kanila?D'Triplets?"Takang tanong ni Kuya Calvin.Nagtawanan naman kami.Kung anu ano kasing kalokohan ang pumapasok sa isip niya. "Pahawak naman kami sa baby mo sandra"Tumango naman ako at iniabot sa kanila si Drake.Pinahawak naman sakin ni mama ang bunso ko na si Dealan.Hindi na mawala ang ngiti sa labi ko,ang gagwapo talaga ng mga anak ko.Paniguradong marami silang papaiyakin gaya ng ama nila.Napapiling na lang ako,hindi ko hahayaan na matulad sila sa ama nilang walang kwenta. "Ang gwapo naman ni Drake,Manang mana sa mommy"Puri ni lalaine habang sinusundot sundot ang pisngi ng anak ko. "Sabi ko naman sayo baby ko eh,Gawa na rin tayo para naman may baby na rin tayo"Sinamaan lang siya ng tingin ni lalaine at muling sinundot sundot ang pisngi ni Drake. "Wag mong pansinin ang lalaking yan baby drake,kulang lang yan sa pansin"Napangiti na lang ako.Kahit kailan talaga laging kawawa si blake kay lalaine. "Ate pahawak rin ako kay Dealan."Tumango naman ako at ibinigay sa kanya ang bunso ko. "Grabeh ate,ang gwapo ni dealan,Pwede ko po ba siyang pakasalan in the future?"Biro ni diane.Agad naman na napasimangot si Kuya Calvin. "Baby Girl,akala ko ba ako lang?Bakit gusto mo siyang pakasalan?Taksil ka!Sinaktan mo ang puso ko!"Nagkunwari pa siyang nakahawak sa may right side ng puso niya. "Puro ka kalokohan kuya,biro ko lang naman iyon.Isa lang naman yung gusto kong pakasalan kapag pwede na eh"Hindi nakaligtas ang pagsilay na ngiti kay kuya Calvin at pasimpleng kinurot ang pisngi ni Diane. "Ang cute mo talaga Baby Girl"Napangiwi naman si Diane dahil siguro nasaktan sa paraan ng pagkakakurot ni kuya Calvin. Tumabi naman sakin si mama habang hawal si Daniel.Halos magkakamukha silang tatlo.Mukhang kailangan ko yatang bigyan ng kwintas ang tatlong anak ko bilang palatandaan. "Anong nararamdaman mo ngayon anak?Ayos ka lang ba?"Tumango naman ako kay mama at hinalikan sa pisngi si Daniel. "Maayos na rin po ako ma,medyo masakit lang po yung alam niyo na,tatlo ata ang lumabas dyan"pabiro kong sabi.Naramdaman ko naman ang paghaplos ni papa sa buhok ko. "Masaya ako na nakikita kang masaya sa kabila ng ginawa ng tarantadong lalaking yun.Hanga ako sayo anak,nakaya mo kahit pa bata ka pa"Ngumiti naman ako kay papa. "Kailangan kong kayanin eh,sa una lang naman mahirap pero nung makita ko ang mga anak ko.Bigla na lang gumaan ang pakiramdam ko.Nasabu ko na lang na worth it ang paghihirap ko,kaya ma,salamat po at isinilang niyo ako sa mundong ito.Salamat po sa inyo ni papa dahil hindi kayo umalis sa tabi ko.Salamat po dahil tinanggap niyo pa rin ako sa kabila ng nagawa ko"Niyakap naman ako ni mama at papa kaya pakiramdam ko tutulo na naman ang luha ko. "Syempre anak ka namin,hindi namin maaatim na makita kang nahihirapan.Mahal na mahal ka kaya namin ng papa mo" "Tama ang mama mo,mahal na mahal ka namin ng mama mo at palagi kaming mananatili sa tabi mo upang damayan ka" "Ayieehh!Umiiyak po pala kayo tito"Pabirong sabi ni Kuya Calvin. "Ang tunay na lalaki ay umiiyak sa sobrang kasiyahan"Napangiti naman kami sa sinabi ni papa. "Tama po kayo dyan tito,kaya nga po ilang beses na akong umiyak dahil sa baby ko"Siniko lang naman siya ni lalaine kaya naman napuno ng tawanan ang buong silid. Napatingin na lang ako sa kanilang lahat pati na rin sa tatlo kong anak.Wala na akong mahihiling pa kundi ang makita silang lumaking mabubuting bata. Napapikit na lang ako ng may tumulong luha mula sa mata ko.Worth it lahat ng paghihirap ko.Isa na rin akong ina ngayon at gagawin ko lahat mabigyan lang na maayos na buhay ang mga anak ko. Nandyan naman sila mama at papa para tulungan ako.Makakaya ko naman ang magtrabaho at pag aaral. Sa wakas natapos rin ang siyam na buwan na paghihirap ko.Napangiti muli ako,Ngayon magsisimula ang bagong kabanata ng buhay ko.Sana lang ay hindi na siya magbalik pa sa buhay namin ng mga anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD