3 Years Later......
ALESSANDRA'S POV.
"Anak,Mauuna na kami roon sa school mo.Sabay na lang daw kayo ni lalaine"Sigaw ni mama para marinig ko.Nasa labas na kase siya kasama ang tatlo kong anghel.
"Sige po ma"Balik na sigaw ko at inayos na rin ang sarili ko.Nakita ko namang bumaba na rin ng hagdan si Lalaine at nakaayos na rin katulad ko.
"Hey sis,Tara na"Nginitian ko naman si lalaine at naghawak kamay kami.Siya na ang nagbukas ng pinto kaya naman pumasok na lang ako.
Nakangiti ako habang binabaybay namin ang daan patungo sa paaralan kung saan kami magtatapos.Halos tatlong taon rin ang nakalipas at sa wakas,gagraduate na rin kami.
Si Blake naman ay bumalik muna sa france dahil kinailangan siya do'n ng dad niya para imonitor ang ilang branch nila. kaya naman lonely ang drama ng kaibigan ko.Kahit di naman niya aminin,halatang namimiss niya rin naman ang asawa niya.
Yes,mag asawa na sila.Nung nakaraang taon lang sila ikinasal at sobrang saya ko para sa kaibigan ko.Bigla na lang akong napangiti nang maalala ko na naman ang kasal nila.
-Flashback-
Kasalukuyan lang akong nakaupo rito kasama si Kuya Calvin.Tinutulungan niya akong bantayan sila Drake,Daniel at Dealan.Ang hirap pa lang mag alaga ng tatlong bata lalo pa't makukulit.
"Masayang masaya sila noh?Parang dati lang,para silang mga aso't pusa hindi maawat eh..Tapos ngayon,Makikita na lang natin silang kasal na"Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
"Indenial lang naman si lalaine eh"Tinanguan naman ako nun ni kuya Calvin bilang pag sang ayon.
"Okay,Tinatawag po namin ang mga single dyan.Ihahagis na po ng Bride ang Boquet"Binigyan lang ako ng makahulugang tingin ni kuya Calvin at sinenyasan na pumunta na ro'n dahil nga ihahagis na ang bulaklak.
Pumwesto na lang ako at nakatingin lang sa likuran ni lalaine.Wala naman akong planong saluhin iyon dahil wala naman akong planong sunod na ikasal.
"In 3,2,1"
"Woah!"
Nagkatulukan na sila makuha lang yung boquet kaso halos halos manlaki ang mata ko ng may tatlong bata na pumatong sa upuan at sinalo yun.
Napahawak naman ako sa sentido.Jusmeyo,ang kukulit talaga ng mga anak ko.Nakangiti pa sila habang patakbo sakin.
"Para sayo po mama"Nakangiting sabi ni Drake.Napangiti na lang ako.Kahit kailan talaga,ang pasaway nila.Tinanggap ko na lang iyon habang umiling iling.
"Paano ba yan sis ikaw na ang sunod na ikakasal"Asar sakin ni lalaine.Nginitian ko na lang siya.
"Wala sa plano ko yun,tsaka mga anak ko ang kumuha hindi ako"Kaya naman nagtawanan sila.Napangiti na lang din ako ulit ng yumakap sakin ang mga anak ko.Masaya na ako sa ganito,kuntento na ako na kasama ko ang tatlong biyaya sa buhay ko
-----End of flashback-----
"Ngiting ngiti ka sis,share naman dyan"Tinawanan ko lang si lalaine.
"May naalala lang ako,nung wedding niyo"
"Haha!Naalala ko rin,ang kukulit ng mga anak mo"napailing na lang siya bago pinark ang sasakyan sa parking lot.
Agad naman kaming dumiretso sa cover court kung saan gaganapin ang graduation.Agad naman kaming sinalubong ng magulang ni lalaine.
"Mom,Hi dad"Nagkiss lang si lalaine sa cheek ni tita at tito.
"Hi rin po tita"Nagmano lang ako.
"Abah,Mga dalaga na talaga kayo,nasan ang tatlo mong bubwit?"Napatawa naman ako.Gustung gusto kase nila tita ang triplets ko.Ang gagwapo raw kase at ang cucute.
"Kasama po nila mama,Nandun na rin po ata sila sa inassign na upuan"Sagot ko naman kaya naman nginitian ako ni tita.
"ah siya nga pala,Hahabol raw rito sila Blake at yung pinsan mo.Busy kase ang isang yun"Sabi naman ni tita.Nakita ko namang ang pagsilay ng ngiti sa labi ni lalaine.
"Ayiehh,si lalaine kinikilig.Haha,makikita na niya si blake"Tudyo ko pa sa kanya at sinundot sundot siya sa tagiliran.Nakatanggap lang ako ng death glare sa kanya.Tinawanan ko na lang iyon.Sanay na rin ako sa ganung gawain niya.
"Kayo talaga,Tara na dun.Magsisimula na ata ang program"Tumango naman kami sa sinabi ni tito at nagpunta na nga sa upuan namin.
Ilang sandali pa ay nagsimula na rin ang program.Mabilis lang ang naging takbo ng oras at sunud sunod na ring tinawag ang mga pangalan ng mga gagraduate ngayon.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ko ng marinig ko na ang pangalan ko.
"And now,I'm calling for our Ms.Magna c*m laude.Please give her a wonderful applause.Alessandra Mia Montereal"
"Congratulations"
Nakangiting kinuha ko ang diploma ko kay Mrs.Dixzon na principal ng school na ito.Kinamayan ko lang din ang mga panauhin nila para sa graduation na toh.
"Thank you po"
"And now,I'm giving this chance for our Magna c*m laude to have a short speech about her experience and journey in this academy"Nakangiting tinanggap ko rin ang mic at humarap sa kanilang lahat.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang magsalita.Kaya ko mo toh sandra.Ngumiti muna ako sa kanilang lahat bago nagsalita.
"First of all,I want to say thank you sa lahat ng mga taong naging part ng journey ko upang marating ko ang posisyon na toh.Sa kaibigan kong si lalaine na hindi ako hinusgahan at isa sa mga taong pinaglaban ako at pinagtanggol sa mga taong mapangmata.Kila mama at papa na pinatawad pa rin ako sa kabila ng pagkakamaling nagawa ko.Maraming salamat sa inyo.Especially kay God dahil binigyan niya ako nang chance na maachieve ito.Alam ko na marami sa inyo ang humusga sa pagkatao ko dahil sa murang edad ay nabuntis ako but nothing to worry about dad.Wala naman po akong sama ng loob sa mga taong ibinaba at tinatapaktapakan ang pagkatao ko.Sa katunayan nga nagpapasalamat pa ako sa mga taong iyon dahil sila yung naging dahilan kung bakit mas maging matapang akong harapin ang bawat dagok sa buhay ko.Sila yung nagmulat sakin na kailangan kong maging matatag at patuloy na lumaban sa kabila ng lahat ng masasakit na salitang natatanggap ko.At kung hindi rin dahil sa mga taong iyon ay hindi siguro ako nandito at nag iiwan ng mensahe sa inyo.Gusto ko lang sabihin na sa araw nang ating pagtatapos ay maging successful ang bawat isa satin.Huwag kayong susuko sa mga problema dumarating sa buhay niyo.Matuto kayong lumaban at maging malakas.Iyon lang ang masasabi ko para sa lahat ng mga estudyanteng narito.Mabuhay kayo"
Pagkatapos kong magsalita ay binalik ko na iyon kay mrs.Dixzon at narinig ko rin ang masigabo nilang palakpakan.Pinahid ko lang din ang luha ko na hindi ko namalayang tumulo na pala.
Bumalik na rin ako sa upuan ko at sinalubong ako ng yakap ni lalaine.
"Congratulations sis,Grabeh akalain mo yun?Magna c*m laude ka.Ikaw na talaga sis,wala na akong masabi"Natawa na lang ako kay lalaine.
Nang magspeak ang principal at nagpaalam na ay nagsitayuan na rin kami.
"Sa wakas nakatapos rin tayo!Yehey!Hindi na ako mapupuyat gabi gabi dahil sa pagrereview at dahil sa dami ng home works na pinapagawa"Natawa naman ako dahil hinagis pa talaga ni lalaine ang diploma niya.
"Careful wife,Muntik mo na akong matamaan sa mukha"Napahinto naman kami at napalingon sa nagsalita.Naestatwa naman sa kinatatayuan niya si lalaine at napatitig lang kay blake na nakangiti habang hawak ang diploma ni lalaine.
"B-blake?"Lumapit naman si blake at hinalikan si lalaine sa pisngi.
"Afternoon wife,Congratulations Alessandra,regalo ko"Ngumiti na lang ako at nakipagbeso sa kanya.Tinanggap ko na lang din ang regalo niya.
"Thank you blake,nag abala ka pa"Nginitian lang ako ni blake at inakbayan si lalaine.
"Congratulations wife,Mamaya na yung regalo ko sayo"Ngumiti lang din si lalaine at hinampas sa braso si blake.
"Aray ko naman wife"
"Nakakainis ka!Bigla bigla ka na lang umuwi nang walang pasabi"Nakasimangot na sabi ni lalaine.Walang pasabing pinugpog lang siya ng halik ni blake.
"Ito naman,Nagtatampo agad.Sorry na po.Babawi na lang ako,wag ka nang magtampo please"Pasimple naman siyang kinurot sa tagiliran ni lalaine kaya napangiwi si blake.
"Oo na,kung di lang kita mahal nasakal na kita eh"
"Yun oh,I love you wife"Napairap naman si lalaine pero ngumiti rin naman.
"Mas mahal kita"
"Yun oh,ang sweet ng aso't pusa-Woah"mabilis na nakapagtago sa likod ko si kuya Calvin nang akmang babatuhin siya ni lalaine.
"Kahit kailan ka talaga kuya Calvin.Pampabwisit sa buhay!"
"Uy hindi kaya,Sa gwapo kong toh?Nabubwisit ka sakin?"Inirapan naman siya ni lalaine kaya napailing na lang ako.Ito siguro yung hindi nagbago.Always pa ring may bangayan sa pagitan ni lalaine at kuya Calvin.
"Sinong nagsabing gwapo ka?Assuming ka masyado"
"Sabi kaya ni Diane,Tsaka ni sandra,dibah Sandra?"Tumango na lang ako.
"Kita mo na ?"Pagmamalaki pa niya.
"Whatever!Napilitan lang naman si Sandra eh!"
"Ouch!Ang sakit mo pa ring magsalita kahit kailan lalaine"Umakto pa siyang nakahawak sa puso niya.
"Wala kang paki!Tss"
"Mama"Agad akong napalingon sa triplets ko na tumatakbo palapit sakin.Agad kong sinalubong si dealan,ang bunso ko at kinarga.
"Hi baby-hmm.Muah"Hinalikan ko siya sa pisngi.Ang gwapo talaga ng batang toh.Yumakap lang din sa beywang ko ang dalawa ko pang anak na si Drake at Daniel.
"Hello po mama"
"Congratutation po mama"Napatawa naman ako ng mabulol si Daniel.Hinalikan ko na lang din sila sa pisngi.
"Salamat mga anak,nasan si lola niyo?"Tinuro naman nila sila mama na nasa di kalayuan at nakikipag usap sa magulang ni lalaine.
"Mama,Tingnan mo toh oh,Agawa kami nila kuya Eroplano"Pinakita pa sakin ng bunso ko ang gawa sa papel na eroplano.Halatang hindi pa marunong ang anak ko dahil gusot gusot na iyon.
"Wow,ang galing naman ng babies ko Muah"Pinanggigilan ko na naman ang pisngi ng anak ko.
"Hihi,Gawa po naman yan nila kuya .Panuorin mo mama,papalipad namin toh"Sabi pa ng bunso ko.
"Sige nga,Patingin ako"Iniunat naman ni Dealan ang kamay niya at pinalipad ang eroplanong papel niya.
"Tingnan mo mama,ang galing oh.Gusto ko pong sumakay sa airplane mama"Napatawa na lang ako sa pagiging makulit nila.
"Kami rin po mama,Sakay po tayo sa airplane"Sabi naman ng panganay kong si Drake.
"Tapos punta po tayo sa Disney land"Nginitian ko na lang sila.
"Kapag nagkapera na si mama,pupunta tayo ro'n huh?Tapos sasakay na tayo ng airplane"Nagningning naman ang mata nila at nagtatalon pa.
"Yehey!Thank you mama"
"I love you po ma"
"Mama,Ibaba mo po ako,kunin ko lang yung eroplano ko"Ibinaba ko naman si dealan na agad namang tumakbo para habulin ang eroplano niya.
"Sundan lang po namin si Dealan mama"Tinanguan ko lang sila at magkasama silang sinundan ang kapatid nila.
"Buti nakakaya mo ang tatlong makukulit na bubwit na iyon?"Komento ni blake.Ngumiti na lang ako.
"Kahit naman anong kulit at pasaway nila,Sumusunod naman sila at palagi nila akong pinapasaya kaya wala akong nagiging problema"Inakbayan naman ako ni kuya calvin.
"Yan ang Sandra na kilala ko,nasan na ba sila tita?Nagugutom na ako"Sabi pa niya.
"Kahit kailan talaga napakapatay gutom mo"Sabi naman ni lalaine.
"Sobra ka naman sakin!Hindi ba pwedeng gutom lang?Patay gutom agad?"Nagkibit balikat na lang si lalaine at tinalikuran na si kuya Calvin.
"Nagpalusot pa,dun rin naman ang punta nun.Tara na nga hubby"
"Yes,wife"Napangiti na lang ako.Ang kukulit talaga nila.
"Dun lang ako sandra,Nagugutom na talaga ako"Tinanguan ko na lang si Kuya Calvin at inilibot ko ang paningin ko para hanapin ang tatlo kong anak.
-------
THIRD PERSON POV.
Tumatakbo lang si dealan habang hinahabol ang eroplanong papel na pinalipad niya.Nakasunod lang din naman sa kanya ang dalawa pa niyang kapatid para sundan siya.
"Ibang klase ka talaga"
"Big time ka na tol!"
"Mas lalo ka pang gumwapo!Mukhang mas dadami pa ang mga babaeng papaiyakin mo uh"
"Mga siraulo!Magsitigil nga kayo!Nagbago na ako noh!Loyal ako kay Trina"
"Asus,Talaga ba?"
Bumagsak naman ang eroplanong papel ni dealan sa paanan ng estrangherong lalaki.Kasalukuyan ito ngayon na nakikipagbiruan sa kanyang mga kaibigan.
"Sa wakas,Huminto ka rin"Natigilan naman ang mga kalalakihan ng marinig nila ang boses ng isang bata na may dinampot na eroplano sa lapag.
"Uy,Ang cute nung bata oh"
"Tanga!Gwapo kaya!Kasing gwapo ko"
"Ulol!Mangarap ka pa,wala kang mararating niyan"
Nanatili naman ang tingin ng estrangherong lalaki sa batang si Dealan at hindi alam pero bigla na lang siyang nakaramdam na may kakaiba sa batang ito.
"B-bakit po kayo nakatingin sakin ng ganyan?"Nahintakutang tanong ng batang si Dealan habang nakatitig sa estranghero nakatayo sa harap niya.
"Huwag kang matakot bata,Wala akong gagawing masama sayo"Pagpapakalma naman nito.
"Dealan,tawag na tayo ni mama"Biglang sigaw ng isa pang bata.Nang mapalingon rito ang estranghero ay halos mapaawang ang labi niya.Magkakamukha kase ito at sa pakiwari niya ay triplets ang mga ito.
"Kuya"Agad na tumakbo palayo ang batang si Dealan at lumapit sa tumawag dito.
"Tara na,hinahanap na tayo nila mama,uuwi na raw tayo"Nanatili lang ang tingin niya sa tatlong batang paalis na at huminto sa di kalayuan.Nakita niya ang pagkarga ng isang babae sa batang kanina lang ay nasa harap niya.
Pakiramdam niya ang bigla na lang nagbalik sa kanya ang lahat ng alaalang matagal na niyang binaon sa limot.
"Saan ba kayo nagpunta?"Tanong nito sa mga bata.
"Dun lang po mama"Umiling lang ito at nagsimula na ring umalis.Napako na lang ang tingin niya roon sa mag ina na paalis.
"Bro,ayos ka lang ?"Untag sa kanya ng kanyang kaibigan ngunit parang wala naman siyang naririnig.Bigla na lang siyang nakaramdam ng kirot sa puso niya habang pinagmamasdan ang paglayo nila.
"Matagal na rin pala nung huli tayong nagkita,nasaktan pa pala kita bago tayo maghiwalay na dalawa.Sana napatawad mo na ako,mahal pa rin kita pero hindi talaga siguro tayo ang itinakda ng tadhana para sa isat isat.Sana maging masaya ka sa buhay na meron ka ngayon,patawarin mo ko mahal"Napapikit na lamang siya at tumalikod na.hindi na niya nagawa pang lingunin muli ang mga kaibigan niya.
"Sandra,Mahal pa rin kita"Huling salitang binitawan niya habang may tumutulong luha mula sa mata niya.