23

2690 Words
DIANE'S POV. Nag-aayos lang ako ng mga gamit ko.Plano ko kaseng dumalaw ngayon kila ate Sandra eh.Namimiss ko na kase sila drake,daniel at dealan.Ang gagwapo kase nila eh.Kamukha ni kuya. Agad akong napasimangot nang makita kong pumasok sa loob ng bahay si Trina.Mas matanda siya sakin ng apat na taon but I don't call her ' Ate'. Ayoko sa kanya,ayoko siya para kay kuya.Hindi naman masama ang ugali ni Trina pero I don't Know why!Basta naiinis ako sa kanya.Naiinis ako kapag sweet sila ni kuya.Duh! "Hi Diane,Mukhang may pupuntahan ka"Palihim lang akong umirap.Mamaya pagalitan na naman ako ni kuya kesyo,Bakit daw nagpapakita ako ng attitude na ganun.Pakielam naman niya?Pag untugin ko sila eh.Psh! "Obvious naman na aalis ako dibah!?"Medyo mataray na sabi ko.Sa kanya lang naman ako mataray eh.Nag iinit kase ang dugo ko sa kanya.Nakita ko namang ngumiti siya na mas nag painit sa ulo ko.Pretender! "Ah,nagpaalam ka na ba kay Dwayne?"Hindi ko na napigilang mapairap. "Bakit pa ako magpapaalam sa kanya?Wala naman siyang pakielam sa pupuntahan ko tsaka wag ka na ngang magtanong,di naman tayo close"Inis na sabi ko.Nakita ko namang naglaho ang ngiti sa labi niya at hindi nakaligtas ang masamang titig niya sakin. Napangisi na lang ako,sabi ko na eh.The b***h pretend to be demure.Kung si kuya napapaikot niya pwes ako hindi.Masyado akong matalino para maloko niya.Psh! "Hindi ko na nagugustuhan ang ugali mo Diane"Inismiran ko lang siya at binangga. "The feeling is mutual"Pekeng ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya at iniwan na siya sa sala. Inis na sumakay ako sa sasakyan ko.Well,may driver license na rin naman ako,kahit na fifteen pa lang ako.May connection kase sila mom sa LTO. Huminga muna ako ng malalim bago nagmaneho.Mukhang papagalitan na naman ako ni kuya pag uwi ko sa bahay!Tsss. Dun naman magaling ang Trina na yun eh.Ang magsumbong at mag paawa kay kuya.Akala mo kung sinong anghel sa sobrang bait yun pala may sungay at demonyita rin. Bigla namang nagring ang phone ko kaya naman sinalpakan ko yun ng earphone dahil nagmamaneho na ako. "Hello?"Sagot ko sa kabilang linya. "Hi Moo"Masiglang sabi ng nasa kabilang linya.Napangiti na lang ako at parang nawala ang init nang ulo ko ng marinig ko ang boses ng Moo ko. "Hello din Moo ko"Masayang sabi ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa daan. "Anong ginagawa mo ngayon Moo?"Tanong niya. "Nagmamaneho ako ngayon,Plano ko kaseng bisitahin si Ate sandra pati yung mga chikiting niya"Nakangiting sabi ko. "Ingat sa paamaneho Moo,Papakasalan pa kita.Ayokong maiwang mag isa"Drama pa niya kaya napairap na lang ako.Hindi pa rin pala nawawala ang pagkapilyo niya. "Baliw ka talaga Moo!Wala akong planong Iwan ka noh" "Baliw naman talaga ako Moo eh,baliw na baliw sayo.Ayiehh kinilig yan"Tudyo niya pa kaya naman napailing iling na lang ako. "Oo na,Mahal na mahal naman kita"Bawi ko pa kaya naman saglit na nawalan ng imik sa kabilang linya.Bigla na lang akong napatawa. "Ayiehhh!Kinilig ang Moo ko.Haha!Uy Moo,nandyan ka pa?"Untag ko pa dahil wala na talagang nagsalita. "D-diane naman eh!Wag mo na ngang gagawin yun"Nauutal na sabi niya.Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko.Sayang di ko makikita ang pamumula ng pisngi niya,mas lalo pa naman siyang nagiging cute nun. "Ang alin?Ang pakiligin ka?"Inosenteng tanong ko. "Aish!Oo na,Mas mahal na mahal na mahal na mahal na mahal naman kita"Bawi niya naman kaya mas lumapad ang ngiti ko. "Ang dami nun uh"Biro ko pa.Ganun kase kami eh. "Marami pa pala akong tatapusin dito sa opisina Moo,bye na" "Sige Moo,Bye"Akmang ibaba ko na ang tawag ng magsalita ulit siya. "Teka lang Moo,Nasan yung kiss ko?"Napahagalpak na lang ako ng tawa.Panigurado nakapout na toh ngayon. "Ayaw" Biro ko pa. "Moo naman ih!Dali na."Napailing na lang ako sa kakulitan niya.Kaya ko siya mahal na mahal eh,Nagagawa niya akong pangitiin kahit sa mga simpleng bagay lang. "Sige na nga,muah,muah,muah.I love you Moo"Sabi ko pa. "Yun oh,Muah,I love you too Moo.Take care.Bye na"Paalam niya bago ibinaba ang tawag. Nakangiti lang ako habang nagpatuloy sa pagmamaneho.Well,Kung nagtataka kayo kung sino yung kausap ko.si Kuya Calvin yun--oh I replace it.Si Calvin pala.Nung thirteen ako nagsimula na siyang manligaw. Pati sila mommy kinonvince niya kase nga masyado akong bata para sa kanya.Nung una tutol sila pero wala naman silang nagawa kase ako rin naman yung nagsabi na kahit hindi sila pumayag papatuluyin ko pa rin si Moo ko eh. Then after 7 Months of courting sinagot ko na rin siya.And now, We're been in a relationship for almost 1 year and 2 months. Napairap na lang ako ng maalala ko nung umuwi si Kuya.Grabeh kung makapagsabing hiwalayan ko si Moo ko eh ano bang karapatan niyang pakielaman ang love life ko?Duh! Siya nga di ko pinapakielaman sa Lovelife niya.Hindi ko sila pinapakielama ni Trina niya!Yun nga lang,medyo hindi maganda yung pakikitungo ko sa kanya.Ayoko kase sa mga taong mapangpanggap. Inihinto ko na ang sasakyan ko sa harap ng flower shop ni Tita Matilda.Yung mommy ng Moo ko.Dito kase pansamantalang nagtatrabaho si Ate Sandra. "Tita Diane!"Sigaw ni Daniel palabas ng flower shop.Buti na lang pala at may suot silang kwintas.C for chase,A for alexander and S for skyler.Magkakamukha kase silang tatlo. "Hi Daniel"Agad ko siyang kinarga at kinurot ang pisngi tsaka pumasok ng shop.Nakita ko naman si Ate Sandra na busy sa paglilista ng mga bulaklak na oorderin.May ikakasal raw kase. "Mama,Si Tita Diane nandito"Untag naman ni Drake kaya naman nag angat ng tingin sakin si Ate Sandra at ngumiti. "Hi Diane,napadalaw ka?"Nakangiting sabi niya at isinara ang listahan. "Uh,Namiss ko na kase sila eh.Ate Sandra,Mas lalo kang gumaganda ngayon"Sabi ko pa.Tnawanan naman niya ako. "Ikaw talaga,Wag mo kong biruin"Nginitian ko naman siya. "Nagsasabi kaya ako ng totoo,mas lalo ka pong gumanda"Puri ko pa.Totoo naman talaga ang sinabi ko.Mas lalo kaseng pumuti si Ate Sandra at mas lalong nakita ang hubog ng katawan niya. Sa katunayan pa nga,maraming manliligaw si ate eh kaso hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa 85 Boys na tinurn down niya.Halos lahat pa naman yun good looking. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok dun ang isang matangkad na lalaki.May bibit pa siyang isang boquet of roses at masasabi kong kalevel nito si kuya.hindi ko alam kung sino ang mas gwapo sa kanila eh. "Ethan?Anong ginagawa mo dito?"Biglang tanong ni Sandra na gulat na gulat.Agad na nangunot ang noo ko.Sino naman ang lalaking tinawag ni ate na Ethan? ----------- ALESSANDRA'S POV. Pinilit ko na hindi maging mataray kay Ethan.Ewan ko ba,naiinis ako sa tuwing makikita ko siya.Masyado kase siyang makulit,sinabi nang ayoko munang magpaligaw pero eto nandito na naman siya at mangungulit na naman.Haysst! "Hi Sandra,Flowers for you"Nakangiting sabi niya.Napabuntong hininga na lang ako at tinitigan lang yun. "Wala akong panahon para dyan Ethan.Sinabi ko nang ayokong magpaligaw dibah?"Medyo iritadong sabi ko.Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko pero pagdating sa mga lalaking magtatangkang manligaw sakin nakakaramdam ako ng inis. Siguro nga sign na toh na masyado na akong bitter.Pero kase,hindi ko naman maiwasan yun.Minsan na akong sinaktan nang dahil sa pagmamahal na yan.Ayoko nang maulit na naman.Hindi pa nga naghihilom ang sugat sa puso ko dadagdagan pa nila. "Ah,Ilapag ko na lang dito Sandra.Libre ka ba ngayon?Yayain sana kitang kumain sa labas"Nakangiting sabi niya.Mariin kong ipinikit ang mata ko dahil hindi ko na talaga kaya. "Ethan,Hangga't kaya kong iwasan na maging rude sayo gagawin ko pero kase hindi ko na kaya eh.Please!Itigil mo na toh!Ayokong magcommit ulit sa isang relasyon!Tigilan mo na ako"Matigas na sabi ko.Pang ilang ulit ko na ba toh na pambabusted sa kanya?Sana naman tumigil na siya?Hindi ba niya alam na nagmumukha na siyang tanga sa ginagawa niya?Ayoko namang magpaasa ng tao kaya ginagawa ko toh. Ngumiti lang naman siya at parang hindi naapektuhan sa sinabi ko.Ganun ba talaga siya kamanhid?Arghh! "Kahit naman ilang beses mo akong itaboy,paulit ulit lang naman akong hahanap nang paraan pabalik sayo.Sandra,mahal kita at hindi ako susuko hanggang matanggap mo na rin ako sa buhay mo.Hanggang sa dumating ang araw na handa ka nang papasukin ako sa puso mo"Natigilan naman ako sa narinig ko at hindi ko alam kung bakit may humaplos sa puso ko. Napaiwas na lang ako ng tingin.Hindi toh pwede Sandra,nagiging mahina na naman ako. "Ethan,Tigilan mo muna ako!"Mariing sabi ko. "I'm sorry Sandra kung ang kulit ko.Mahal lang kase talaga kita pero kung gusto mo na tigilan muna ako.I will do it for you.Sorry ulit,mauuna na ako"Napahawak na lang ako sa sentido ko hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. "Another suitor to turn Down?Pang 86 Na siya"Natatawang sabi ni Diane.Napangiwi na lang ako. "Aish!Ilang beses ko na kaya siyang binusted pero paulit ulit naman siya"Naiinis na sabi ko.Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok dun si Lalaine. "Haha,Baka naman kase seryoso talaga siya sayo ate"Hirit pa ni Diane.Napairap na lang ako. "Sa panahon ngayon,madaling maghanap ng manloloko kesa sa taong mamahalin ka ng totoo" "Ang lalim mo naman sis,Wag ka ngang bitter!Pinapalitan mo na ako sa pwesto ko uh"Sabi pa ni lalaine at kinarga si dealan na tahimik na kumain. "Loko!Totoo naman talaga ang sinabi ko uh.Nagkalat na ang mga manloloko!Kaya minsan nakakatakot rin na sumugal dahil baka maiwang sugatan at luhaan"Inirapan naman ako ni lalaine. "Ewan ko sayo Sandra!Iniwan ka lang naging ganyan ka---Opss!I'm sorry sis"Mukhang huli na nang mapagtanto ni lalaine anh nasabi niya.Ngumiti na lang ako para itago yung sakit sa puso ko.Hanggang ngayon,hindi pa rin naghihilom ang sugat sa puso ko. "Ayos lang,Bakit ka nga pala napadalaw dito lalaine?Hindi ba may outing kayo ng hubby mo?"Takang tanong ko.Nakita ko namang nagsalubong ang kilay niya. "Huh?Sino yun?Wag ka ngang magbanggit ng hindi ko kilala"Nangunot naman ang noo ko.Anong nangyari sa dalawang yun? "Huh?Hindi mo kilala yung asawa mo ate Lalaine?"Takang tanong ni Diane kaya naman natigilan si lalaine at hindi nakaligtas sakin ang paglungkot ng ekspresyon ng mukha niya. "May nangyari ba lalaine?"Nag aalalang tanong ko.Mabilis naman niya akong pinakitaan ng pekeng ngiti at ibinigay si dealan sakin. "Wala naman,may pupuntahan pa pala ako Sandra,mauna na ako"Biglang sabi niya na halatang umiiwas sa mga tanong namin.Agad rin siyang lumabas ng flower shop.May mali talaga,ano ba kasing nangyari sa kanila? "Ayos lang ba si Ate lalaine?Yung itsura niya kase kanina,halatang paiyak na siya"Nag aalalang tanong ni Diane.Napabuntong hininga na lang ako. "Hindi ko alam"Wala sa sariling sabi ko.Mukhang may problema sila ni Blake. "Mama,Yung cellphone niyo po tumutunog"Sabi sakin ni Drake at inabot ang phone ko sakin.Nginitian ko naman ang baby drake ko. "Thank you baby"Lumabas muna ako ng shop bago sinagot ang tawag sa phone ko. "Hello?Sino po ito?"Magalang na tanong ko. "Si Ms.Montereal na ba ito?"Agad na nangunot ang noo ko.Boses babae ang sumagot. "Uhm,yes po.Ano pong kailangan nila?"Tanong ko pa. "Ah,pinapasabi kase ni boss na gusto ka niyang makita bukas.Nagset na rin siya nang appointment.Nabasa na niya ang resume at pumasa ka."Agad akong napangiti sa balitang natanggap ko. "Talaga po?sige po pupunta po ako dyan.Anong oras ba?"Masayang sabi ko. "Quarter to 9:00 ang naisingit na schedule." "Thank you!Pupunta ako" "Okay,Tumawag lang ako para iinform ka,Bye"At binaba na rin niya ang tawag.Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko.Sa wakas at magkakaroon na rin ako ng mas maayos na trabaho na may malaking sahod. Sa Monteverde company ako nag apply at thank God at nakapasa ako.Ibinalik ko na rin iyon sa bulsa ko at pumasok na ulit sa loob. "Sino yung tumawag ate?"Tanong ni Diane habang karga pa rin si daniel na nakatulog na.Napailing na lang ako at kinuha sa kanya si daniel para ihiga sa may sofa. "Secretary ng Monteverde Company,Tanggap na raw ako at gusto akong makausap ng boss nila"Natigilan naman si diane. "M-monteverde?"Parang utal na sabi niya.Nangunot naman ang noo ko. "Oo,bakit?"Takang tanong ko.Ngumiti naman siya ng pilit ay umiling. "Wala naman ate,wag mo na lang ako pansinin hehe"Nagkibit balikat na lang ako.Bumukas naman ulit ang pinto at may pumasok na isang lalaki. "Good aftenoon sir,Ano pong hanap niyo?"Nakangiting sabi ko. "Uh,I'm looking for my first love"Agad na nagsalubong ang kilay ko.Nang aasar ba ang isang toh? "I'm sorry sir but we're only selling flowers hindi tao na nakatadhana sayo"Medyo iritadong sabi ko.Narinig ko namang napatawa siya. "Well,Bakit ang sungit mo Mia?"Nanlaki naman ang mata ko at napaawang pa ang labi ko habang nakatingin kay Shiro na nakangiti.Mas lalo tuloy lumutang ang dimple niya. "Shiro?"Hindi makapaniwalang sabi ko.Tumango naman siya kaya wala sa sariling niyakap ko siya. "Oh my ghod!Ang gwapo mo na lalo shiro"Puri ko pa.Matagal na rin kase nung huli kaming nagkita.Sa pag kakaalala ko ay mga five years old pa lang siguro kami nito magkaibigan na kami. "Hindi kaya,Binobola mo naman ako Mia eh"Napairap naman ako sa sinabi niya at pinanggigilan ang pisngi niya. "Aray naman Mia!Wag mo naman masyadong kurutin yung pisngi ko"Nagpeace sign naman ako.Namiss ko kasing gawin yun sa kanya. "Sorry na,Anyway anong ginagawa mo dito?"Takang tanong ko. "Huh?Ano,Wala,napadaan lang ako kase ang gaganda ng bulaklak rito tapos ayun nakita kita.Mas lalo kang gumanda Mia"Pasimple ko naman siyang sinuntok at nagkunwari pa siyang nasaktan. "Bolero ka pa rin pala hanggang ngayon"Naiiling na sabi ko. "Uhm,Ate Sandra?"Agad naman akong napalingon kay Diane.Agad ko rin naman siyang pinakilala kay Shiro. "ah,shiro si Diane,kaibigan ko,Diane si shiro nga pala,kababata ko"Nakangiting sabi ko.Nagulat pa ako ng bigla niya akong akbayan at ginulo ang buhok ko.Same gesture,back then. "Nah,Ako rin kaya yung First love mo"Nahampas ko naman ang braso niya ngayon malakas na yun.Hindi pa rin pala nawawala ang pagkapilyo niya.Psh! "Hindi kaya,First Crush!Not first love!Hangin mo masyado "Inis na sabi ko.Narinig ko namang humagalpak ng tawa si diane. "Ang cute niyo pong dalawa,mukha kayong magcouple"Nakangiting sabi ni Diane kaya naman natigilan ako. "Talaga?Mukha kaming magcouple?"Hirit pa ni Shiro na nakangising aso.Siniko ko na lang siya,puro kalokohan kase sa buhay. "Lumayas ka na nga!"Inis na sabi ko at nilapitan si Drake na may ginuguhit na kung ano. "Hello baby"Tapos kiniss ko rin siya sa cheek.Nag angat rin naman siya ng tingin sakin at kiniss ang pisngi ko. "Hello din po mama"Nakangiting sabi niya.Nakita ko naman na may ginagawa siya. "Anong ginagawa mo baby drake?"Nakangiting tanong ko.Then he smile at me and show what he's done. "Dinrawing ko po tayo mama,tayong apat po"Masayang sabi niya kaya naman napangiti na lang ako.Kaming apat nga ang nandun.How I wish someone will accept me and my children. "Wow,ang galing mo namang magdrawing"Komento ni shiro kaya naman nangunot lang ang noo ng anak ko.Hindi ko pa pala napapakilala ang kababata ko sa anak ko. "S-sino po kayo?"Takang tanong ng anak ko.Tinabihan naman siya ni Shiro. "Ako?Kaibigan ako ng mama mo,shiro ang pangalan ko"Nakita ko namang ngumiti si drake sa kanya. "Ang pogi niyo po kuya Shiro,bagay po kayo ni mama"Napailing na lang ako. "Kitams?Pati si drake nakita na bagay kayong dalawa"Hirit pa ni diane kaya naman tinawanan ko na lang.Mga kalokohan talaga nila. "Tigilan mo nga ako Diane!Magkaibigan lang kami ng isang toh!"Binigyan niya lang ako ng makahulugang tingin at binitbit ang gamit niya. "Kailangan ko na palang umalis ate Sandra"Paalam niya kaya naman nginitian ko na lang siya at tinanguan.Lumabas na rin siya ng shop. "Talaga po?May sarili po kayong air jet?"Amuse na sabi ng anak ko kay shiro. "Yes,Gusto mo bang sumakay dun?" "Opo!Opo!Gusto ko po!Mama!Sakay po tayo dun!Please"Kinarga ko na lang si drake at ginulo ang buhok.Ang kulit talaga ng anak ko. "Kapag may libreng oras si mama" "Wahhh!Thank you po mama,sasabihin ko po kila daniel at dealan"Tumango na lang ako at napatawa ng tumakbo pa siya palapit sa mga kapatid niya. "Ilang taon lang tayong nagkita may anak ka na agad?Don't me may asawa ka na?"Parang disappointed na sabi niya.Napabuntong hininga naman ako. "Well,yeah may anak na ako pero wala akong asawa"Agad naman na nagsalubong ang kilay niya.Ngunit hindi nakaligtas ang munting kislap na nagmula doon. "Huh?Eh nasan yung ama nung mga bata?"Tanong niya pa.Napaiwas na lang ako ng tingin,pinaka ayoko sa lahat ay ang tanong kung nasan nga ba siya. "Huwag na natin siyang pag-usapan pa,Wala na rin naman siyang kwenta simula ng umalis siya at kalimutan kaming mag ina niya"Mabigat ang hininga ko na lumabas ako ng shop.Biglang nanikip ang dibdib ko. Hindi ko na rin pinansin ang pagtawag sakin ni shiro.All these years,Bakit ang hirap magmove on sa sakit? Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na iniwan mo kami?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD