24

2634 Words
ALESSANDRA'S POV. Mabilis akong bumangon sa kama ng marinig kong mag alarm ang cell phone. Agad ko naman iyong kinuha at pinatay.Napahikab pa ako at mabilis na pumunta sa banyo para maghilamos.Agad ko ring napansin ang pamumugto ng mata ko.Napabuntong hininga na lang ako,kung bakit kase umiyak pa ako. Inabot ko na lang sa stool ang tuwalya at pinunasan ang mukha ko.Lumabas na muna ako ng banyo at bumaba ng hagdan para icheck ang tatlo kong anak sa kwarto nila. Binuksan ko na lang ang pintuan nang kwarto nila at nakita ko naman sila roon na natutulog habang magkakayakap. Napailing na lang ako at pumasok sa loob.Nakita ko pang nagkalat ang mga laruan nila.Maingat ko naman iyong pinulot at nilagay sa lalagyan. Marahan lang akong naupo sa kama at hinaplos ang pisngi ng bunso ko'ng anak na si Dealan.Napangiti na lang ako at hinalikan ang noo nilang tatlo. "*Yawn*Mama?"Nagmulat na nang mata si Daniel at ka agad na bumangon at kumandong sakin. "Good Morning baby Daniel"Nakangiting sabi ko sa anak ko.Sumubsob naman siya may dibdib ko. "Morning din po mama"Tinatamad na sabi niya.Nagising na rin sila Drake at Dealan at katulad ng ginawa ni Daniel ay kumandong rin sakin si Dealan.Niyakap na lang ako ni Drake. "Morning po mama"Sabay na masayang bati nilang dalawa.Hinalikan ko na lang sila sa noo at nginitian. "Kamusta ang tulog niyo?Nakatulog ba kayo ng mahimbing?"Nakangiting tanong ko.Tumango naman sila. "Opo mama,ang ganda po ng kinwento niyo kagabi"Sabi pa ni Daniel. "Naaalala pa nga namin ang quote na sinabi dun eh"Nakasmile na sabi ng bunso ko.kinurot ko naman ang pisngi niya.Ang gwapo talaga ng mga anak ko. "Talaga?Anong qoute yun?"Nakangiting tanong ko.Iyon na kase ang nakasanayan ng mga bata tuwing gabi. Binabasahan ko sila ng bed time stories na may kapupulutan ng aral.Gusto ko kase habang bata pa sila ay natututo na sila nang tama.Nginitian naman nila akong tatlo. "Even the mighty sometimes need the help of the weak" "Wow!Ang gagaling talaga ng mga babies ko.Payakap nga si mama"Sabi ko at ikinulong sila sa mga bisig ko. "I love you, po mama" "Love you rin po" "Mas mahal po kita mama"Napangiti na lang ako.Sobra sobrang saya na ang nararamdaman ko sa puso ko malaman ko lang na mahal na mahal ako ng mga anak ko. "Salamat mga anak,mas mahal na mahal kayo ni mama"Nakangiting sabi ko.Kumalas na rin sila sa pagkakayakap sakin. "Halika na kayo at ipagluluto ko na kayo ng almusal"Sabi ko pa kaya naman mabilis silang umalis ng kama. "Yehey!Mama magluto ka po Pan cake" "Opo mama,pan cake po tapos lagyan mo ng maraming honey"Suggestion naman nila.Napailing iling na lang ako. "Opo pero dapat konti lang ang honey,masyado kase yung matamis.Baka magkasama sa inyo"Tumango naman sila at naupo sa upuan.Agad naman akong nag suot ng apron at binuksan ang gas stove.Mabilis kong pinainit ang mantika sa kawala at kinuha ang box ng mix powder para gawing pan cake. Mabilis ko lang ginawa ang mga dapat gawin upang makapagluto ng almusal nila.At makalipas lang ng ilang minutong paghihintay ay natapos na rin ako sa pagluluto nun. Agad akong kumuha ng plato at inilipat dun ang mga pan cakes. "Here's the breakfast babies"Anunsyo ko kaya naman nagningning ang mga mata nila.Favorite kase nila ito. "Yehey!Pancakes!" Inilapag ko muna yun sa lamesa at nilagyan yun ng honey.Tsaka isa isang nilagyan ang plato nila. "Eat well babies,Maliligo lang muna si mama.Behave lang kayo,wag maglilikot"Nakangiting Paalala ko sa kanila.Ayoko naman na may mapahamak sa mga anak ko. "Opo mama,behave lang po kami"Sabi pa ni drake habang may pagkai sa bibig.Napailing na lang ako bago umakyat ng kwarto ko. Sa makalawa pa ang balik nila mama at papa galing sa out of town nila.Mabuti na nga lang at mabait ang amo ko at malaki magpasahod kaya naman naisipan ko na bigyan ng bakasyon sila mama.Masyado na kasing napapagod sa pag aalaga sa mga chikiting ko. Yung iba namang kinikita ko ay iniipon ko para naman may pera ako kapag nagsimula ng mag aral ang mga anak ko.Mahirap rin naman kase na mag palaki ng anak lalo pa't tatlo sila at single parent lang ako.Pero wala akong pinagsisisihan dun dahil biniyayaan naman ako ng tatlong makukulit,Gwapo ,mabait at mapagmahal na anak.Dun pa lang sapat na. Mabilis lang ang naging kilos ko at naligo na.Nagbihis na lang din ako ng pencil cut na color black shirt at off shoulder na color white.Ginawa ko lang na messy bun ang buhok ko at naglagay ng light make up.Sinipat ko muna ang mukha ko sa salamin at napangiti na lang ako dahil parang hindi naman ako nagmukhang may anak.Mukha pa rin akong dalaga,Siguro dahil maalaga lang talaga ako sa sarili ko. Bumaba na rin ako at nadatnan ko sila roon na tahimik na nakaupo sa sofa habang binubuklat ang bawat pahina ng mga fairy tale stories. "Hi po mama,saan ka po pupunta?"Tanong ng anak ko'ng si Drake.Pumunta naman ako sa pwesto nila "May importanteng lakad si mama ngayon,Kailangan na kase ni mama magtrabaho ng magtrabaho para naman mabili ko lahat ng pangangailangan niyo" "Okay lang naman samin mama kahit na simple lang,Kalimutan niyo na po yung mga request namin."Sabi pa ni daniel. "Opo mama,Ayaw po namin na nahihirapan ka"Sabi ng panganay ko at niyakap ako. "Okay lang kami basta kasama ka namin mama"Sabi naman ng bunso ko kaya napangiti na lang ako. "Kayo talaga,Syempre bilang mama niyo,Hindi ako makukuntento na hindi ko naibibigay ang magandang buhay sa inyo.Pero maraming salamat mga anak kase naiintindihan niyo ang mama,Ihmm..Muah"Hinalikan ko na lang ang mga pisngi nila. "Papunta na rito si Tita Lalaine niyo,Siya muna ang mag aalaga sa inyo" "Talaga po?Wahhh!Namiss po namin si tita lalaine"Narinig ko namang may nag door bell kaya naman agad ko yung pinuntahan. Nang mabuksan ko ang pinto ay nakita dun si lalaine. "Lalaine,nandito ka na pala pasok ka"Biglang sabi ko at niluwagan ang bukas ng pinto. "Thanks,anyway nasan na ang mga chikiting mo?excited na akong makita sila.Namiss ko na agad sila"Napatawa na lang ako. "Tita lalaine"Sigaw naman ng panganay ko at patakbong niyakap sa beywang si lalaine. "Aww,ang sweet nitong anak mo.Siya na lang kaya asawahin ko?What do you think?" "Bruha ka!May asawa kana kaya.Tsaka bata pa ang anak ko"Natatawang sabi ko.Ngumiti na lang siya ng pilit. "Uh hehe,oo nga pala.May asawa na ako"Kinuha ko na lang din ang bag ko.Malapit na rin palang mag quarter to nine.Kailangan ko nang umalis. "Kailangan ko nang umalis,Thanj you talaga sis,ikaw munang bahala sa kanila huh" "Yeah,Ako nang bahala sa kanila.Mag iingat ka,Tanga ka pa naman"Tinawanan ko na lang ang pabirong sinabi ni lalaine.Kahit kailan talaga prangka magsalita ang isang yun. Agad naman akong sumakay sa sasakyan ko.Actually,regalo lang naman toh sakin ni Kuya Calvin.Nung una ayoko pang tanggapin kase sobra naman ang kotse para sa 18th birthday ko pero masyado siyang mapilit. Nagmaneho na rin ako papuntang monteverde's company.How I wish mabait ang magiging boss ko.Haysst!Sana nga. Mabilis lang ang naging byahe ko at agad ko ring natanaw ang Building nila.Ipinark ko na lang iyon sa parking lot at lumabas ng kotse. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papasok ng Monteverde's Company. "Good morning po ma'am"Tipid na ngiti lang ang iginawad ko sa mga guard na bumati sakin bago tuluyan pumasok sa loob. Bigla namang natuon ang atensyon nila sakin at may iba pang napaawang ang labi.Hindi ko na lang iyon pinansin at nagtuloy na lang sa paglalakad. "s**t!par!Ang gandang babae" "Ang kinis pre!sexy pa" "Ang ganda niya noh?" Dumiretso na lang ako sa dating pwesto ng secretary na pinagtanungan ko.Hindi ko na lang din pinansin ang mga nakasunod nilang tingin habang naglalakad ako. Wala namang bago,Lagi naman eh. Nang makita naman ako ng babae ay agad niya akong nginitian. "Good Morning Ms.Montereal,Hinihintay na po kayo ni Mr.Monteverde sa loob nang office niya.This way ma'am"Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.Huminto rin kami sa isang pinto at nauna siya kumatok. "Excuse me, sir, Ms. Montereal is here.She's ready to talk to you,Okay sir"Tumingin naman siya sakin at nginitian ulit. "Pasok ka na raw,Wag kang kabahan.He only wants to talk to you"Tumango naman ako. "Thank you"Huminga muna ko ng malalim bago pumasok ng office ni Mr.Monteverde at nakita ko dun ang isang medyo may katandaan na lalaki ngunit lutang parin ang kagwapuhan. "Hi sir"Magalang na sabi ko. "Maupo ka hija"Tumango naman ako at naupo sa tinuro niyang sofa. "So,You're Ms.Montereal?I am right?"Seryosong sabi niya.Napalunok naman ako bago sumagot. "Yes sir"Nakangiting sabi ko.Ayoko namang ipakita sa kanya na kinakabahan ako.Baka magbago pa ang isip niya. "Well,Base sa pinasa mong resume,nakapagtapos ka sa isang sikat na school at grumaduate bilang magna c*m laude.Tama?"Tumango naman ako.Bigla na lang naglaho ang kaba sa puso ko ng ngumiti siya sakin. "Well, I'm glad that you chose my company over the others"Ngumiti naman ako. "Anyway,kaya kita pinapunta ngayon ay para sabihin na Am I not going to be your boss"Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "But sir,Your secretary told me that I already have a work here"Nagtatakang sabi ko.Napatawa nama siya.Hindi naman ako nagpapatawa. "Yes you are,But ang gusto ko lang sabihin ay iba ang magiging boss mo"Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.Akala ko naman ay kung ano na. "Uhm,Kung ganun po,Who will be my boss?"Tanong ko pa.Pinagsiklop naman niya ang kamay niya. "Well, My grandson. He will be your boss, I assure you that he is harmless but perfectionist"Lihim akong napairap. Harmless daw?Hindi nga nananakit,Pagsasalitaan ka naman ng masasakit.Psh!Anyway!Kaya mo toh Sandra!Para sa anak mo! "Uh hehehe,kailan po ako magsisimulang magtrabaho sa kanya?"Tanong ko pa. "Tomorrow, you can start your job. Nice meeting you ms.Montereal,You look like a goddess"Napatawa naman ako sa kapilyuhan ni Mr.Monteverde. "Nice to meet you too sir,Thank you po.Mauuna na rin po ako"sabi ko kaya naman tumango siya.Ngumiti na lang din ako at lumabas ng office niya. Nakahinga ako ng maluwag,At last may mas maganda na akong trabaho.Nadaanan ko pa si Maxien na secretary ni sir monteverde. "Congrats Miss" "Sandra na lang,masyado ka namang pormal"biro ko sa kanya kaya naman binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti. Naglakad na rin ako palabas ng building.Sunday pala ngayon,Hmm.San naman kaya ako pwedeng pumunta ngayon? Bigla ko namang naalala na ilang linggo na pala akong hindi nakakapagsimba dahil masyado akong busy sa trabaho.Masayang sumakay ako sa sasakyan ko at nagmaneho papuntang Quiapo church. Ipinark ko na lang iyon sa pwedeng pagparkingan.Kampante naman ako ba ayos lang sila drake,daniel at dealan.Alam ko naman na hindi sila pababayan ni lalaine. Dumiretso na rin ako sa loob ng simbahan at naghanap ng mauupuan.Nagulat pa ako ng may tumawag sa pangalan ko. "Psst!Mia!"Napalingon naman ako at napakurap kurap pa ako ng makita ko si Shiro na nakangiti sakin at tinuturo ang bakanteng upuan sa gilid niya. "Dito ka na lang maupo Mia"Napailing na lang ako tsaka lumapit at naupo na dun. "Anong ginagawa mo rito?Kailan ka pa natutong magsimba huh?Akala ko ba kapag nagsimba ka masusunog ka?"Biro ko pa.Iyon kase lagi dati ang dahilan niya kapag inaaya ko siyang magsimba.Inakbayan niya lang naman ako. "Syempre,May hihilingin kase ako kaya nagpapalakas ako kay Lord." "Sabi na eh,lalapit ka lang kapag may kailangan"Sabi ko pa kaya naman napatawa na lang siya.Namiss ko yung asaran namin nang mga panahong bata pa kami. "Anyway san ka pala galing?Ayos na ayos ka eh"Tanong niya. "Huh?Uh ano,dun sa kumpanya,kinausap ko yung boss ko"Tumango naman siya at hindi na ulit nagsalita ng magsimula nang mag preach ang pari. Hindi ko na rin namalayan ang oras at mabilis na natapos ang misa.Agad akong tumayo at hindi na napansin si Shiro.May bibilhin pa kase na paborito ng mga bata. Lumabas na ako ng simbahan at didiretso na sana sa dapat na bibilhan ko ng mapako ang tingin ko sa mga magcouple na masayang naglalagay ng mga love lock sa bakod. Hindi ko namalayan na naglalakad na rin pala ako palapit doon.Parang may sariling isip ang mga paa ko para pumunta dito. Napahinto naman ako sa tapat ng mga lovelock na nagkalat sa bakod.Wala sa sariling dumapo ang tingin ko sa isang lovelock roon. Bigla bigla na lang bumalik sa alaala ko ang lahat.Ang mga panahong dapat pala ay hindi ko sinayang sa isang katulad niya. "Lagyan mo nang heart sa gitna para Sandra Love Dwayne ayiehh" "Ayan,forever na tayo" "Gusto ko lang sabihin na hindi ako mangangakong habang buhay akong nasa tabi mo pero pangako,hanggat kasama mo ako.Hindi ako mapapagod na iparamdam sayo na sobra kitang mahal at handa kong gawin lahat para makita lang ang matamis mong ngiti at ang masaya mong mukha.Ayokong pagsisihan sa huli kapag hindi ko yun naparamdam sayo" Hinaplos ko lang ang lovelock naming dalawa.Akala ko ba ang lovelock na ito ay nangangahulugang hindi kayo magkakahiwalay.Mapait akong napangiti at pinagmasdan ang mga magkasintahan na may mga matamis na ngiti sa labi. Sa palagay ko ay meron rin sa kanilang mararansanan ang dinanas ko.Hindi lang lahat ng bagay sa mundong ito ay totoo.Inalis ko na rin ang tingin ko roon sa lovelock na wala nang kwenta para sakin. Nagulat pa ako ng may humawak sa kamay ko. "Ayos ka lang ba Mia?"Nag aalalang tanong sakin ni Shiro.Mabilis kong hinawi ang kamay niya at tumakbo papunta sa sasakyan ko at nagmaneho paalis. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha.Sa tuwing maaalala ko ang lahat,paulit ulit lang akong nasasaktan. Sana hindi na lang ako nagmahal,para sana ay naiwasan kong magmukhang tanga at masaktan ng lubusan. --- DWAYNE'S POV. Bigla na lang akong natigilan at napako ang atensyon ko sa isang babae na may maamong mukha na nakatayo at nakatingin sa mga lovelock na naroon. Bigla ko na lang naalala ang lahat.Ang araw kung kailan ako nangako sa kanyang hindi ko siya iiwan. Mabilis niyang iniwas ang tingin niya roon at parang sinaksak ang puso ko ng makitang may isang lalaki na humawak sa kamay niya.Iniwas ko na lang ang tingin ko upang maiwas ang sarili ko sa sakit. Bakit ba nagkakaganito ako?Natuon naman ang atensyon ko kay Trina nakasimangot. "Anong nangyari sayo?"Takang tanong ko. "Eh kase naman ikaw eh!Kanina pa ako nagsasalita dito tapoa di mo naman ako pinapansin!"Inis na sabi niya.Napailing na lang ako at hinalikan siya sa noo. "Sorry na po babe"Sabi ko pa.Nakita ko namang napairap siya at maya maya ay ngumiti na rin. "Oo na,Tara na dun babe,Maglagay rin tayo ng Lovelock!"Sabi pa niya.Natigilan naman ako at sakto naman na nag ring ang phone ko. "Uhm,excuse me lang babe.Sagutin ko lang toh"Napasimangot naman siya.Sinagot ko naman agad iyon. "Hello?Who's this?"Tanong ko. "Hello apo,si lolo Levi mo toh"Nangunot naman ang noo ko. "Lolo?Bakit po kayo napatawag?"Takang tanong ko.Ano naman kayang sasabihin niya? "Eh sasabihin ko lang naman sayo na may nahanap na akong secretary mo,Maging mabait ka sa kanya apo dahil mukha naman siyang matino" "Psh!Opo lolo,Susubukan ko"Labas sa ilong na sabi ko. "Mabuti kung ganun apo,sige paalam na,May mga tatapusin pa ako" "Bye"Pinatay ko na rin ang tawag at hinila na si Trina. "Kailangan ko nang umuwi,Ihahatid na kita"Sabi ko pa.Nagsalubong naman ang kilay niya. "Huh?Pero bakit?Hindi pa nga tayo nakakapaglagay ng love lock eh.Babe naman"Nakapout niyang sabi. "Babe,wag nang makulit,pagod na rin kase ako"Hindi nakaligtas sakin ang palihim niyang pag irap.Namalikmata lang ba ako?Hindi naman kase niya ugali iyon. "Haysst!Fine!Ihatid mo na nga lang ako"Walang ganang sabi niya.Napabuntong hininga na lang ako at bigla ko na namang naalala ang mukha niya. Napapilig na lang ako at sumakay ng kotse.Bakit ko ba iniisip si Sandra?May girlfriend na ako at alam ko sa sarili ko na mahalaga sakin si Trina pero bakit ganun?Bakit bumibilis ang t***k ng puso ko sa tuwing makikita ko siya. Mapait akong napangiti ng maalala ang lalaki kanina.Siguro tama na rin ang pag iisip ko sa kanya.Tama na ang pag iilusyon,May bago nang nagmamay ari ng puso niya at ako mayroon na rin akong bago sa buhay ko.Kailangan ko na ring umalis sa nakaraan at harapin ang kasalukuyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD