2

2905 Words
“Lies come easy, truth is really hard to say.” ALESSANDRA’S POV TULALA pa rin ako hanggang ngayon habang nakamasid sa kawalan. Mahigit dalawang linggo na rin ang nakakaraan ngunit hindi pa rin ako nakakalimutan ang katangahan nagawa ko. Wala sa sariling nasabunutan ko ang sarili ko. “Argh! Ang tanga-tanga ko! Bakit ko ibinigay ang sarili ko sa isang taong hindi ko man lang kilala? And worst sa isang womanizer at playboy pa?” lumuluha at puno ng pagsisi na paninisi ko sa aking sarili. Ipinikit ko ang aking mata habang paulit-ulit na hinila ang dulo ng aking buhok. Tila hindi alintana ang sakit sa ginagawa kong pagsabunot sa sarili ko kasabay ng pagtulo ng luha na kanina ko pa pilit pinipigilan bumagsak. Bigla ko kasing naalala ang mga pangyayari pagkatapos niya akong iwan. - FLASHBACK - Tulala pa rin ako habang naglalakad pauwi sa amin. I still can't believe that I did something stupid at iyon ay ang ipaubaya ang sarili at isuko ang pinakaiingatan ko sa isang lalaki hindi ko naman nobyo. Higit sa lahat, babaero. Hindi ko tuloy maiwasan matakot. Nag-aalala ako sa maaaring maging reaskyon ng magulang ko. I know that it's my fault kung bakit nangyari iyon. But I still don't want them to be mad at me. Ayoko silang ma-disappoint sa akin. Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin ay huminga muna ako ng malalim. Ilang segundo pa akong tumitig sa tapat ng pinto bago ako kumatok at dire-diretsong pumasok sa loob. Hindi naman ako napansin nila mama at papa na abala sa panonood ng paborito nilang palabas sa telebisyon kaya agad akong dumiretso sa kwarto. Pagkapasok ko sa kwarto ay kaagad kong ini-lock ang pinto saka dumapa sa kama. Hindi ko na napigilan ang sarili na mapahagulhol habang yakap-yakap ang isang unan. I bite my lower lip at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa unan. Hindi ko kasi maalis sa isip ko ang posibilidad na baka may mabuo. I know that it only happen once but I can't help but feel scared. Sino ba naman ang hindi? I'm only sixteen for christ sake! Tiyak na huhusgahan ako ng mga tao kung sakaling magbunga ang isang gabi hinayaan ko ang sarili magpadala sa temptasyon. -END OF FASHBACK- Nakatulala pa rin ako hanggang sa namalayan ko na lang na may tumabi sa akin. Hindi na ako nag abalang lingunin kung sino iyon dahil medyo magulo pa ang isip ko. "Sis, dalawang linggo ka ng ganyan. Ayos ka lang ba talaga?" malungkot na tanong sa 'kin ni Lalaine. Nagpilit naman ako ng ngiti saka bumuntong hininga. “A-Ayos lang naman siguro ako,” pagsisinungaling ko. Nagtaas naman siya ng kilay. “Anong siguro? So, hindi ka nga okay?” Hindi naman ako nakaimik kaya mas lalong lumawak ang gatla sa noo niya. “Why aren't you answering? Is something bothering you?” nag-aalalang tanong niya. Nag-iwas na lang ako ng tingin saka pinahid ang luha na tumakas sa aking mga mata. “W-Wala nga! O-Okay nga lang sabi ako,” pilit ang ngiti na tanggi ko. Hinawakan naman ni Lalaine ang balikat ko saka ako hinarap sa kaniya. “Iyan ba ang walang problema? Umiiwas? Huwag ka ng magpanggap, Sandra. Kahit hindi mo sabihin, ramdam ko na may problema ka.” Umiling naman ako. “Ayos lang talaga ako, Lalaine. Walang problema.” Marahas naman siyang napabuntong hininga. “Stop lying, Sandra. You're not even good at it," nakairap na sabi niya. Nangunot naman ang noo ko. “What are you talking about. Hindi naman talaga ako nagsisi—" she cuts me off. “I said stop lying! Akala mo ba hindi ko napansin na pagkatapos mong gawin ang dare na inutos namin at mawala ng gabing ‘yon, bigla ka na lang naging mailap sa amin at halatang umiiwas. Lagi ka rin daw nahuhuling tulala ni Tita. Ganiyan ba ang ayos lang?” mahabang litanya niya saka kinuha ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon. Tinitigan niya ako sa mata saka ngumiti. “Sandra, I'm your friend. You can tell me anything. So, please, tell me what’s the problem,” pangungulit pa niya. Saglit ko naman siyang pinagmasdan saka napabuntong hininga. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko bago ako dumukot sa bulsa ng palda ko ang isang parihaba at manipis na bagay. Sinundan naman niya ng tingin ang nanginginig kong kamay na inabot sa kaniya ang bagay na iyon. Her eyes widened in surprise as she realize what's the thing on my hand. “What is the meaning of this, Sandra? Why do you have this?!” nalilito at kinakabahan tanong ni Lalaine habang nakatitig sa dalawang linya na kulay pula sa gilid ng bagay na inabot ko. Mapait naman akong napangiti. “That's the reason why I'm being like this, Lalaine,” matamlay na sagot ko. Natigilan naman siya at napaawang ang labi kasabay ng pagtulo ng luha niya sa kaniyang kanang pisngi. “Then... a-are you s-saying that you are pregnant?” hirap na hirap na tanong niya. Marahan naman akong tumango. Napailing-iling naman siya at agad akong niyakap. “I'm so sorry, sis. It's all my fault,” umiiyak na sabi niya habang hinahaplos-haplos ang buhok ko. “It's fine. Wala kang kasalanan.” “No. Kasalanan ko, Sandra. Kung hindi sana kita inutusan na gawin ang dare na ‘yon, edi sana hindi tayo umabot sa ganito," aniya at tumitig ng diretso sa mga mata ko. Muli naman akong umiling. “No. Wala kang kasalanan. I had my choice, but I chose to slept with him. So, don't blame yourself, Lalaine. Kasalanan ko ‘to lahat,” nakangiti ngunit lumuluhang sabi ko. Napayuko naman si Lalaine at saka pinahid ang luha sa gilid ng mata ko. “Alright. You shouldn't blame yourself too, Sandra,” aniya at biglang sumeryoso ang mukha. “Kung may dapat man tayong sisihin, si Dwayne ‘yon. And he must take responsibility for what he has done to you,” seryosong sabi niya. Akmang tatayo na siya ng mabilis kong nahagip ang braso niya at mahigpit na hinawakan iyon upang pigilan siya sa pag-alis. Umiling ako ng ilang beses. “Please, don't tell him,” naiiyak na pakiusap ko. Natigilan naman siya at kaagad na nanlambot ang ekspresyon ng kaniyang mga mata. “Alright. I won't. But what do you plan to do about your pregnancy? Alam na ba nila Tita ‘yan?” Mabilis naman akong umiling. “Hindi pa nila alam. And I'm scared to tell them the truth. Paano kung magalit sila? What if itakwil nila ako? Hindi ko na alam ang gagawin ko, Lalaine. Natatakot ako,” lumuluhang sabi ko. “Ssh, it's okay. I'm still here, Sandra. Hindi kita pababayaan. Kung mangyari nga na itakwil ka nila Tita. You can come to me, I more than willing to take care of you,” nakangiting alok niya. Natigilan naman ako. “But... paano naman ang parents mo?” nag-aalangan tanong ko. Nginitian niya naman ako. “Don't worry about them. They won't be coming back for a while kaya pwede kang makitira roon. Basta, kapag napalayas ka, huwag kang mag-aalangan na puntahan ako. Though, I hope you wouldn't be kick out, pero mabuti na ‘yong ready di 'ba?” pabirong sabi niya kaya napailing na lang ako habang may sinusupil-supil na ngiti sa labi. “Thank you, Lalaine,” sinserong sabi ko. “Don't mention it. May kasalanan din naman kasi ako,” biro niya kaya natawa na lang ako. Maya-maya pa ay tumunog na rin ang bell kaya naman nagmadali kaming bumalik sa classroom. Pagkapasok namin ay kaagad akong napahinto pati rin si Lalaine. Pakiramdam ko ay biglang nanikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang dalawang students na nagmi-make-out sa loob mismo ng classroom. Nakagat ko na lang tuloy ang ibabang labi ko bago nag-iwas ng tingin kay Dwayne na halos hubaran na ang babaeng kahalikan niya. Nakita ko namang akmang lalapitan ni Lalaine ang puwesto nila Dwayne para sabunutan ang babaeng kahalikan nito pero mabilis kong pinigilan. Nilingon naman ako ni Lalaine. Pinanliitan niya ako ng mata pero umiling lang ako. “Please, Lalaine. Huwag na,” pakiusap ko kaya agad na lumambot ang ekspresyon niya. Itinikom na lang din niya ang bibig niya kaya hinila ko na siya papunta sa upuan niya. Nang makaupo siya ay agad akong naglakad palapit sa upuan ko ngunit hindi agad ako dumiretso sa row kung nasaan ang assign seat ko. Nanatili ako sa gitna habang nakatitig sa lalaking nakaupo sa tabi ng upuan ko na patuloy pa rin sa pakikipaghalikan. “Hey, bro! Puwede bang sa motel niyo na ituloy ‘yan?” “Oo nga. Tingin mo, ang dami niyo ng audience oh!” “They are right, Dwayne. At saka, baka maabutan pa kayo ng teacher natin. Sige ka, bibigyan ka na naman ng ticket no'n sa guidance,” Hindi naman nakinig ang dalawa hanggang sa bumukas ang pinto at iniluwa nito ang teacher natin dahilan para matigil sa paghahalikan ang dalawa. Ngunit bago umalis ay humalik muli ang babae kay Dwayne at saka lumabas ng classroom habang ibinalik sa pagkakabutones ang nakabukas nitong blouse.Habang si Dwayne ay nanatiling nakaupo at tila walang balak ayusin ang sarili. Napailing na lang tuloy ako at saka humugot ng malalim na hininga bago lakas loob na dumiretso sa upuan ko ng hindi pinapansin ang katabi ko. But my heart almost jump out of my chest ng may magsalita sa gilid ko. “Hi, Sandra!” masayang bati nito. Hindi ko na lang siya pinansin at nanatili ang tingin sa blackboard. “Hey? Why are you ignoring me?” nagtatakang tanong niya at bahagyang umusog. “Don't tell me nagseselos ka?” dagdag niya pa dahilan para magsalubong ang kilay ko. Saglit ko siyang tinapunan ng tingin saka inirapan bago muling ibinalik ang tingin sa harap. “Hey, babe. Pansinin mo naman ako. Stop ignoring me, please?” pangungulit niya pa sa malambing na boses dahilan para kumabog ang puso ko. Ipinilig ko na lang ang ulo ko. “Can you please shut up? Nakikinig ako,” pagtataray ko sa kaniya. Narinig ko naman ang malamyos niyang tawa. “Ang sungit naman ng babe ko,” biro niya. Nagpanggap naman akong walang naririnig at hindi na lang siya pinansin. Natatakot kasi ako na baka kapag kinausap ko siya ay tuluyan bumigay ang puso ko. Mabuti na lang at hindi na niya ako kinulit pa ulit. Makalipas ang ilang oras ay narinig ko na ang pagtunog ng bell kaya kaagad kaming nagsitayuan. Break time na kasi. Lumapit naman agad sa akin si Lalaine na hindi maitimpla ang mukha. “Oh, anong nangyari sa 'yo?” Napairap naman ako. “Tss. Naiinis kasi ako sa Dwayne na ‘yon. Pagkatapos niyang makipag-make out sa ibang babae, ikaw naman ang lalandiin? Wow! Ang sarap niyang tirisin," inis na sabi ni Lalaine kaya hindi ko napigilang matawa. “Hayaan mo na, baliw lang ‘yon,” biro ko para pakalmahin siya. Muli naman siyang napairap bago nagpeke ng ngiti at kumapit sa braso ko. “Anyway. Let's go! Kanina pa ako nagugutom!” masiglang sabi niya bago ako marahan hinila papunta ng canteen. Naiiling naman akong nagpatangay sa kaniya. At dahil malapit lang ang canteen ay nakarating kami kaagad. Nang makahanap kami ng bakanteng upuan ay agad akong pinaupo ni Lalaine. “Dyan ka lang sis, magpahinga ka at ako na ang oorder.” Napairap na lang ako. Hello, buntis lang ako at hindi baldado. Kahit kailan talaga may sira yung turnilyo ng utak nun. Nagpakalumbaba na lang ako mesa at hinintay na bumalik si Lalaine. At parang may tumarak sa puso ko nang aksidenteng nahagip ng mata ko si Hariet na kahalikan si Dwayne. OUCH! Agad na nangunot ang noo ko. Bakit naman ako nasaktan? Maybe? Kasi akala ko bestfriend ko si Hariet pero hindi pala. Ginamit niya lang ako para makapasa sa mga project at exams niya. O di kaya dahil may something na akong nararamdaman para kay Dwayne? What the hell. Hindi mangyayari yun. “Uy, tuleley ka na naman dyan!” Napabalik ako sa realidad at nakita ko si Lalaine na nakaupo na at kumakain. “K-kanina ka pa?” Tinaasan naman niya ako ng kilay. “Malamang sis, masyado kang tulala dyan kaya di mo ko napansin.” “Uhh, may iniisip lang ako.” “Pero alam mo sis? Bilib rin ako sayo.” Napahinto naman ako sa pagkain ko at napatingin sa kanya. “Bakit naman?” tanong ko. “Kasi kung ibang tao ang nasa sitwasyon mo at kasing edad mo malamang sa malamang pinalaglag na nila yan.” Nanlaki naman ang mata ko. “A-Ano? Gano'n na lang ba talaga kababaw ang dahilan nila para pumatay ng walang muwang na bata?" hindi napigilang tanong ko. Napangiti naman si Lalaine. “Yeah. Kaya nga proud ako sa ’yo. Akalain mo ‘yon. Hindi mo inisip ang ibang tao, hindi mo inisip ang sasabihin nila sayo.” Umiling naman ako. “Mali ka. No'ng una... oo, natakot ako. Inisip ko ang mga taong nakapaligid sakin. Natakot akong isipin na baka husgahan nila ako dahil at a very young age ganito ang nangyari sakin but naisip ko ano bang kasalanan ng bata? Wala naman diba. Ang mali lang naman ay iyong ginawa ko, naming dalawa. Never naging kalasanan ang blessing. Kaya wala na akong pakielam sa sasabihin nila dahil alam ko na kahit husgahan nila ang buong pagkatao ko. May magbibigay naman sakin ng lakas para manatiling matatag at iyon ay ang baby ko,” nakangiti sabi ko. Hinila naman ako ni Lalaine para yakapin. Napailing na lang tuloy ako. Ang hilig niya atang mangyakap ngayon? “OMG, sis! Sobra akong nagi-guilty but nakakaproud ka.Napakamature mo ng mag isip," aniya. Natawa naman ako. “Alangan naman magpaka isip bata ako? Ano na lang mangyayari samin ng anak ko?” pabirong sabi ko. "Oo nga no? Haha, ang bobo ko talaga!" biro niya pa kaya napailing na lang ako. Nang tumunog ulit ang bell ay kaagad kaming nagligpit at bumalik sa classroom. Napabuntong hininga pa ako ng sumagi sa isip ko ang nakita ko kanina pero ipinilig ko na lang ang ulo ko saka nakinig sa lessons na itinuturo sa amin. Medyo nakahinga na rin ako ng maluwag dahil wala si Dwayne. Siguro ay nakikipag make out na naman iyon. A-aray! Bakit ba kapag iniisip ko na may ibang babae siya hinahalikan nasasaktan ako? Normal pa bang maramdaman ko iyon? “Okay, class dismiss.” Isinukbit ko na ang bag ko at hinintay ko na lang si Lalaine na lumabas. Naghintay muna ako sa labas ng pinto at nakita ko na naman siya. Nakikipagtawanan sa mga kabarkada niya. “Hanep ka talaga, bro!” “Akalain mo yun? Nakarami ka na naman ngayong araw!” “Well, ako pa ba?” Pagmamayabang na naman niya. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang ipagmalaki raw ang mga babaeng naikama na niya. "Pero tol, diba may isa kang babaeng naikama na virgin pa?" Natigilan naman ako. Wag niyang sabihin na ako pa lang ang nagagalaw niyang dalisay? Natahimik naman si Dwayne at halos manlambot ang tuhod ko ng tumingin siya sa ’kin. Napalapit na rin ang grupo nila sa kinatatayuan ko. "Yeah... isa.” Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. "Hanep! Sino naman yun tol?" tanong pa ng kasamahan niya. Sumulyap na naman siya sa ’kin pero kaagad rin nag iwas ng tingin. “Mga bugok sikretong malupit!” “Tol naman, sino nga. Bihira na lang ang birhen sa panahon ngayon.” “Basta! Wag niyo ng itanong!” Hindi ko na narinig pa ang usapan nila dahil nakalayo na rin sila. May kumalabit naman sa ’kin. "Tara na sis.” Tumango na lang ako at sumabay na kay Lalaine. Medyo malayo ang bahay ni Lalaine dahil nasa village yung kanila. Kami sa may bungad lang dahil hindi naman kami ganun karangya. May kaya lang ang pamilya namin at may scholar lang ako na ginagamit ko sa pag aaral ko. “Sis, dito ka na ba?" Tumango naman ako at bumaba na sa kotse nila. Nagwave lang ako at dumiretso na sa bahay. Pagkapasok ko ay nandun silang lahat sa bahay. Napatigil naman sila at napalingon sa akin. “Anak, buti nakauwi kana. Kumain ka na muna. May pagkain dyan sa lamesa.” “Mamaya na po ako kakain nay, magpapahinga na po ako”. Tumango naman siya kaya umakyat na ako sa taas. Agad akong nahiga sa kama ko at hindi ko na inabala pa ang sarili kong magbihis. Pinag iisipan ko pa rin kung sasabihin ko ba sa kanya na may nabuo. Baka naman kwestyunin niya? Paano naman kaya? Virgin kaya ako ng mangyari iyon. Pero naisip ko, tatay pa rin siya ng magiging anak ko. May karapatan siyang malaman ang totoo pero ang pinakamalaking tanong at misteryoso ay kung Tatanggapin niya kaya ang katotohanang nakabuntis siya ng isang katulad ko? Matatanggap niya kayang mag kakaanak na siya? O itatanggi niya na hindi siya ang ama. Nakakatakot pero kailangan kong subukan. Ayokong mawalan ng karapatan ang magiging anak ko na magkaroon ng tatay ang problema lang. Willing nga ba talaga yung tatay niya na magpakaama sa kanya? Dahil kung hindi, Kakayanin ko naman sigurong buhayin siya mag isa kahit na bata pa ako at umaasa lang din sa magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD