“Falling in love with someone is easy, but staying in love with someone is another story.”
ALESSANDRA’S POV
Nagising ako na parang kinakalukay ang sikmura ko. Kaagad kong tinakpan ang bibig ko at nagmadaling bumaba ng kama saka kumaripas ng takbo papuntang banyo.
Pagkapasok ko sa loob ay kaagad akong napayuko sa tapat ng bowl at saka sunod-sunod na nagsuka ngunit halos puro tubig lamang ang lumalabas sa bibig ko.
Napahawak ako sa dingding ng mas lumala ang pagsusuka ko, parang pinipilit ang tiyan ko habang parang binibiyak naman ang ulo ko sa sobrang pagkahilo.
Saglit pa akong nanatiling nakayuko bago ako tuluyang dumausdos paupo kasabay ng panghihina ng tuhod ko. I close my eyes at bahagyang hinilot ang sintido ko.
It has been three weeks since nalaman ko na nagdadalang tao ako. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Dwayne maski ng magulang ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang totoo. Natatakot ako sa maaring mangyari kaya hanggang ngayon pinipilit kong itago ang pagbubuntis ko.
Agad akong nagmulat ng mata ng marinig ko ang pagbukas ng pinto kasabay ng pagpasok ng isang babae na medyo may katandaan.
Lumapit ito sa akin at tumingin sa akin ng puno ng pag-aalala. “Ayos ka lang ba anak?” masuyong tanong sa akin ni mama.
Ngumiti naman ako at hindi pinahalata na nanghihina ako. “Ayos lang po ako, ma,” mahinang sagot ko saka pinilit ang sarili na tumayo ngunit agad din akong inatake ng hilo dahilan para mawalan ako ng balanse.
Kaagad naman akong hinawakan ni mama sa braso saka maingat na sinuportahan para hindi ako tuluyang matumba.
“Sigurado ka bang ayos ka lang? Tingnan mo nga ‘yan sarili mo. Halos hindi ka na makatayo ng tuwid,” aniya, mahihimigan ang labis na pag-aalala sa boses niya.
Muli ko naman siyang binigyan ng isang pekeng ngiti. “Okay nga lang po ako. Medyo namali lang po ako ng tapak kaya na-out of balance ako,” nakangiti na pagsisinungaling ko.
I know that lying is not the right thing to do, pero hindi ko pa talaga kayang aminin sa kanila ang totoo sa ngayon. At isa pa, hindi rin kami masyadong close ni mama kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang problema. Ang katotohanan na nabuntis ang anak niya sa murang edad.
Narinig ko naman napabuntong hininga si mama. Nakita ko rin ang pagguhit ng lungkot sa kaniyang mga mata.
“Sandra, anak. Nanay mo ako. Kahit hindi mo sabihin, nararamdaman ko na may problema ka,” aniya.
Umiling naman ako habang nanatiling nakangiti. “Wala po akong problema, ma. Ayos lang po talaga ako,” tanggi ko pa.
Tinitigan naman ako ni mama saka napabuntong hininga. “Kung ayaw mong magsabi, sige hindi kita pipilitin. Basta kapag handa ka ng magsabi, lagi mong tatandaan na nandito lang ako para makinig sa 'yo at damayan ka,” nakangiting sabi ni mama.
Napangiti naman ako ng mapait. “Masasabi mo pa kaya ‘yan ma, kapag nalaman mong nabuntis ako ng maaga? Maiintindihan mo kaya ako? O itatakwil mo na ako bilang anak?” bulong ko sa aking sarili.
Kinagat ko ang ibabang labi at saka palihim na pinahid ang luha na tumakas sa gilid ng mata ko. I force a smile para hindi ipahalata na malungkot ako. ”Salamat po, ma. Huwag po kayong mag-alala. Magsasabi po ako kung magkaroon man po ako ng problema,” nakangiting sabi ko.
Tumango-tango naman si mama. “Ikaw ang bahala, anak,” aniya saka marahang hinaplos ang buhok. “Sige na anak at mag-asikaso ka na,” utos niya.
Kaagad naman akong tumango kaya napangiti siya. Tumayo na rin siya at saka nagpaalam bago lumabas ng kwarto ko.
Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay marahas akong napabuntong hininga. Bumaba ang tingin ko at wala sa sariling hinaplos ang impis kong tiyan habang nagsisimula na naman mangilid ang luha ko.
“I'm so sorry baby if I can't even let them know your existence. Just give me a little bit more time, okay? Sasabihin ko rin sa kanila ang tungkol sa ‘yo,” pigil ang paghikbi na pagkausap ko sa manipis kong tiyan.
Pagak pa akong natawa bago ko pinahid ang luha ko saka tuluyan tumayo at dumiretso sa banyo para maligo kahit na medyo masama pa ang pakiramdam ko.
Nang matapos akong mag-asikaso ay kaagad akong nagpaalam kila mama at saka pumara ng jeep. Ilang minuto lang ang hinintay bago ako nakarating sa school ko. Tahimik akong naglalakad papasok ng gate ng biglang bumaliktad ang sikmura ko kaya agad kong tinakpan ang bibig ko at napatakbo sa pinakamalapit na basurahan. Nang makalapit ako kaagad akong nagsuka ng tubig kasabay ng panghihina ng tuhod ko dahilan para maagaw ko ang atensyon ng ilang estudyante na napaparaan sa puwesto ko.
“O.M.G!Anong nangyari sa kanya?”
“Hindi kaya buntis siya?”
“Are you kidding me? Eh ang bata pa niyan, eh!”
“Malay mo, maagang lumandi kaya ayan... hello baby!”
“Hay, naku! Kaya hindi umuunlad ang bansa natin dahil sa mga katulad nila,”
“Ang bata-bata pa pero marunong ng lumandi!”
Ilan lang ‘yan sa mga side comments na narinig ko sa bawat taong nakakita sa pagsusuka ko. Pero imbes na magalit ay pikit mata kong tinanggap lahat ng masasakit na salitang ibinabato nila sa akin. I'm fine being bullied, basta ako lang ang nilalait. Huwag lang nilang idamay ang pamilya ko maging ang baby ko.
Ipinilig ko na lamang ulo ko at saka mariin ipinikit ang mata ko habang patuloy pa rin sa pagsusuka. Ngunit bahagyang nangunot ang noo ko nang maramdaman ko ang paghagod sa likod ko ng kung sino.
I open my eyes at saka umikot para lingunin kung sino iyon pero agad din akong nanigas sa kinatatayuan ko ng mapagtanto ko kung sino ‘yon.
He smiled at me. “Are you okay?” malambing na tanong niya saka naglakad palapit sa akin at tinangkang hawakan ako ngunit mabilis kong tinabig ang kamay niya.
I glare at him as I wipe the side of my lips. “Mas maayos pa ako kanina no'ng wala ka pa,” mataray na sabi ko saka umayos ng tayo at tumalikod.
Nagsimula na rin akong maglakad ng hindi siya nililingon ngunit bigla na lang umikot ang paningin ko dahilan para muntikan na akong mawalan ng balanse. Mariin kong ipinikit ang mata ko para pahupain ang hilo ko.
Nakakainis! Ganito ba talaga kapag buntis?!
“Hey, ayos ka lang ba talaga? Muntik ka ng matumba kanina," rinig kong tanong niya.
Napairap pa ako ng maramdaman ko ang presensya niya sa gilid ko. Ang kapal din ng mukha niyang lapitan ako.
Hindi ko tuloy napigilan matawa ng sarkastiko. “Ano naman pakialam mo kung matumba man ako?” pabalang na tanong ko saka hinarap si Ian na isa sa mga taong nakasama ko sa bar ng gabing mangyari ang lahat.
His brows furrowed. “What's wrong with you, Sandra? Concern lang naman ako sa ’yo,” aniya.
Pagak naman akong natawa. “Hindi ko kailangan ng concern mo, Ian. And I don't think you would even feel that way once malaman mo kung anong nangyari sa akin. I know you, pandidirihan mo rin ako kagaya nila, so, save your concern because I don't need it,” pagtataray ko pa at muli siyang tinalikuran.
Napabuntong hininga pa ako bago nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
I know that I don't have the right to be mad at him. After all, wala naman siyang kasalanan kung bakit nangyari sa akin lahat ‘to. But I can't just stop myself for finding someone to blame. At baka dahil na rin sa pagbubuntis kaya kung sino-sino na lang ang nasusungitan ko.
Nang makarating ako sa tapat ng classroom ko ay kaagad akong dumiretso sa loob. Nakita ko naman agad si Lalaine na nakanguso sa katabi kong natutulog.
Walang iba kundi si Dwayne.
Hindi ko alam kung ilang beses akong humugot ng lakas ng loob bago ako dumiretso sa upuan ko. Pagkaupo ko ay hindi ko na lang pinansin ang katabi ko at kumuha ng isang libro sa bag ko. Binuksan ko iyon saka tahimik na nagbasa para libangin ang sarili ko.
Maya-maya pa ay dumating na rin ang teacher namin sa understanding the self kaya agad kong isinara ang libro saka umayos ng upo.
Pasimple kong nilingon ang katabi ko at napairap na lang ako ng makitang mahimbing pa rin itong natutulog. Tila walang balak na gumising kahit may teacher na sa harap. Napailing na lang tuloy at muling ibinalik ang tingin sa harap.
“Kawawa ang babaeng magmamahal dito. Hindi kasi siya marunong magseryoso,” naiiling na bulong ko sa sarili ko.
Nang magsimulang mag-discuss ang teacher namin ay kaagad kong kinuha ang notebook at ballpen ko sa bag ko para magsulat ng lesson.
Kahit naman kasi nagkaganito ako, gusto ko pa rin makatapos na may karangalan. I wanted to graduate with latin honors kasama ang magiging anak ko.
Nagpatuloy lang ako sa pakikinig sa lecture hanggang sa tumunog na ang bell. Kaagad naman nagpaalam ang professor namin bago kami iniwan habang ako ay isa-isang binalik sa bag ang gamit ko. Abala ako sa pagliligpit ng may kumalabit sa balikat ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay kaagad bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ng bestfriend ko.
“Are you okay now? May nakakita raw sa ‘yo kanina na nagsusuka,” nag-aalalang tanong niya.
Ngumiti naman ako. “Yeah, I'm alright. Medyo nawala na rin ang hilo ko kanina kaya okay na ko ngayon.”
Napatango-tango naman habang nakangiti. “I'm glad you're okay now,” aniya saka ako hinawakan sa braso. “So, tara na sa canteen? Libre ko!” excited na alok niya.
Hindi ko tuloy napigilang matawa. Ano naman kayang nakain ng isang ‘to at manlilibre?
Tumango na lang ako kaya kaagad niya akong hinila palabas ng classroom. Ilang saglit lang din ay nakarating na rin kami sa canteen. Nang makakita kami ng bakanteng upuan ay kaagad akong naglakad palapit doon. At bago pa ako makapagreklamo ay pinaupo na agad ako ni Lalaine at binilinan na manatili na lang sa lamesa namin at huwag na huwag na aalis.
Napailing-iling na lang tuloy ako dahil sa pagiging protective ng bestfriend ko. Wala na rin akong nagawa dahil mabilis pa sa alas kwatro na nakarating siya sa counter para om-order ng pagkain namin.
Sumandal na lang ako sa upuan at saka tahimik na nagmasid sa mga kumakain sa loob ng cafeteria ng biglang may humarang sa harap ko. Kaagad naman akong nag-angat ng tingin at bahagyang natigilan ng mapagtanto ko na si Hariet iyon kasama ang mga bago niyang kaibigan.
Nangunot ang noo ko. “H-Hariet?” alanganin tawag ko sa pangalan niya.
Nagtaas naman siya ng kilay at saka ngumisi. “Yes. It’s me, my dear ex-bestfriend," nakangising sagot niya.
“What are you doing here, Hariet?” I ask politely dahil ayoko magsimula ng gulo.
Narinig ko naman siyang tumawa sa tanong ko. “Well, I'm just here to see you,” aniya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.
Lihim naman akong napairap. “And why would you even want to see me?” pilit ang ngiting tanong ko.
Mas lalo naman siyang napangisi saka bumaba ang tingin sa manipis kong tiyan. “Well... I just want to confirm something.”
“What do you mean?” nalilitong tanong ko.
Narinig ko naman siyang tumawa. “Oh, c'mon, stop pretending, Sandra. Alam ko na ang baho mo," nakangising demonyo sabi niya dahilan para matigilan ako kasabay ng pagkabog ng dibdib ko ngunit nag-iwas lang ako ng tingin at pinakalma ang sarili.
“I don't know what you're talking about,” walang emosyon sabi ko.
“So, you’re still going to pretend innocent until the end ha?” mapang-asar na sabi niya pero nanatili akong tahimik at nagpanggap na walang naririnig.
“Hey, are you listening?” iritableng tanong niya. Hindi ko naman siya pinansin kaya mas lalo siyang nainis. “Alright. Since you don't want to talk, then I will,” aniya, may pananakot sa boses niya kaya bigla akong kinabahan.
Nilingon ko siya at nakita kong umarko ang sulok ng labi niya bago siya muling nagsalita. “Hello everyone. May I get your attention for a moment?” pagsisimula niya na sinamahan niya pa ng pagpalakpak.
Nangunot naman ang noo ko. “What are you doing?” kinakabahang tanong ko.
Hindi naman niya ako sinagot at saka ngumisi ng malaki bago ako nilingon. “Can you see this girl besides me?” panimula niya at itinuro ako. Kaagad naman napunta sa akin ang atensyon ng mga tao. “She looks so innocent, right? Mahinhin, hindi makabasag pinggan. But little did I know, hindi naman pala talaga siya inosente,” dagdag pa niya saka lumapit sa akin at hinarap ako sa kanila. “You know why? Because this girl seduce Dwayne. She even force herself on him dahilan para may mangyari sa kanila,” nakangising demonyo na sabi niya.
Isinigaw niya iyon dahilan para marinig ng lahat ang sinabi niya habang ako ay tila napako sa kinatatayuan ko. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang hiya kasabay ng pangingilid ng luha sa mata ko.
“O.M.G! Is that real?”
“What the hell did I just hear?”
“I can't believe it, Hindi ba at first-year pa lang?”
“I know right? Sa pagkakaalam ko rin, she's a minor. She's sixteen, I think? Nakakahiya na talaga mga kabataan ngayon,”
“Tsk. Tsk. Akala mo kung sinong mahinhin, malandi rin naman pala,”
Nakagat ko ang ibabang labi ko kasabay ng paninikip ng dibdib ko dahil sa masasakit na salitang naririnig ko. Ilang beses akong umiling, nagbabakasakali na mabago ang iniisip nila sa akin. “That's not true. I'm not that kind of person. Walang katotohanan ang mga narinig niyo,” naiiyak na sabi ko habang sunod-sunod na nagbabagsakan ang mga luha ko.
I wanted to defend myself but I guess they already believe what Hariet told them. Kaya napayuko na lang at hinayaan ang sarili na umiyak.
“Oh my god, are you crying?” rinig kong tanong ni Hariet. She wipe away my tears habang nakangisi. “Don't be too sad, Sandra. I just told them the truth? Is that wrong? If you feel wronged, then defend yourself. Stop crying like a baby, dahil kahit anong iyak mo, no one will sympathize with a woman like y—ouch!” biglang sigaw ni Hariet at agad na napahawak sa namumula nitong pisngi matapos siyang sampalin ni Lalaine.
“How dare you!” nanlilisik ang mata at galit na sigaw ni Hariet.
Inirapan naman siya ni Lalaine. “May pa-how dare you, how dare you ka pa d’yan, eh mas malandi ka pa nga kay Sandra. Oh... that's not it. Let me rephrase it, wala ng mas lalandi pa sa ’yo,” nang-aasar at mapang-insultong sabi ni Lalaine.
Nanlaki naman ang mata ni Hariet sa narinig. “What did you say?!”
“Bakit? Totoo naman diba? Malandi ka, maharot! Ni hindi ko na nga mabilang kung ilang lalaki na ang nakagalaw—!”
Hindi na natapos pa ni Lalaine ang sasabihin niya ng dumapo sa pisngi niya ang palad ni Hariet. Kaagad siyang napaatras sa lakas ng impact saka nasapo ang pisngi.
“Hindi sabi ako malandi! It was your friend. Siya ang malandi!” naiiyak na sigaw ni Hariet habang ako ay hindi malaman ang gagawin habang nakatingin kay Lalaine na nasampal.
“Stop twisting your words, Hariet. Hindi malandi si Sandra. If you're talking about how she slept with Dwayne. It was not her intention, nadala lang siya ng alak. But, how about you? Hindi ba at kahit matino ang pag-iisip mo, nagpapagalaw ka sa kung kani-kaninong lalaki? Balita ko pa nga, ilang beses ka na rin tinanggihan ni Dwayne sa alok mong maging s*x slave niya,” dire-diretsong sabi ni Lalaine saka ngumiti ng nakakaloko habang hawak-hawak pa rin ang nasampal niyang pisngi. “So, now tell me. Sino ang malandi, Hariet? Baka gusto mong ipamukha ko sa ’yo na kahit si Sandra na hindi malandi ay nagawang aakitin si Dwayne na hirap na hirap kang i-seduce,” dagdag pa nito na mas lalong ikinagalit ng kaharap niya.
Nanlaki pa ang mata ko ng umangat ulit ang kamay ni Hariet at naghandang sampalin si Lalaine. Ngunit bago pa niya masampal ang bestfriend ko ay hindi na ko nakapagpigil at marahas kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya.
Hind ako bayolenteng tao pero sumosobra na siya. Hindi ko na kayang manood na lang sa gilid habang nasasaktan si Lalaine para lang ipagtanggol ako.
Huminga muna ako ng malalim bago matapang na sinalubong ng tingin ang ex-bestfriend ko. “If you slap her again, I can make you unable to pass this semester, Hariet,” seryosong sabi ko.
Natigilan naman siya at nanlaki ang mata dahil sa pagbabanta ko. “W-What do you mean by that?”
Ngumiti naman ako. “You know what I mean, Hariet. Hindi ba at sa akin mo pinapagawa ang research paper mo sa isang major subject mo?” panimula ko saka pabalang na binitawan ang braso niya. “Hindi ko pa siya tapos, pero dahil sa ginawa mo ngayon, I don't think I should finish it. Maybe, I will just delete it, tutal ako naman ang magpakahirap gawin iyon. Alam ko kasing hindi ka makakapasa ng walang tumutulong sa 'yo. Pero salamat ha? Because of what you did today, na-realize ko na hindi dapat ako nagpapauto sa 'yo," walang emosyong sabi ko.
Umiling-iling naman siya. “No! You can't do that, Sandra. I need that research paper to pass this semester so you can't just—!" I cut her off.
Tinaasan ko siya ng kilay. “And why is that my problem? It's your research paper, not mine. Kung gusto mong makapasa, huwag kang umasa sa iba. Ang lakas ng loob mong ipahiya ako, yet you can't even do your own research without my help? Bilib din naman ako sa kakapalan ng mukha mo,” mataray na sabi ko at saka pasimpleng tinago ang kamay kong kanina pa nanginginig.
“O.M.G. Did you hear that? She can't even write her research!”
“My gosh! Tapos ang lakas pa ng loob lumandi?”
Natigilan naman si Hariet sa mga narinig niya. Umiling-iling pa siya na parang baliw bago wala sa sariling tumalikod at tumakbo palabas ng canteen marahil dahil sa kahihiyan.
Napangiti naman ako ng mapait habang nakatingin sa papalayo ng bulto. We used to be bestfriend, pero trinaydor niya ako. Ipinilig ko na lang ang ulo saka nilingon si Lalaine na hinimas pa rin ang nasaktan niyang pisngi.
Lumapit ako sa kaniya at saka alanganin ngumiti. “I'm sorry, Lalaine. Nang dahil sa akin, nasampal ka.”
Mabilis naman siyang umiling. “Don't apologize, hindi naman ikaw ang sumampal sa akin,” aniya saka napangiwi. “Pero ang sakit pala manampal ng babaeng ‘yon! Muntik pa atang ma-dislocate ang panga ko,” reklamo niya.
“Sorry talaga...”
Natawa naman si Lalaine. “Ano ka ba, ayos lang ako. Parang sampal lang eh,” aniya saka ako hinawakan sa braso. “Tara na, malapit ng tumunog ang bell,” aya sa akin ni Lalaine kaya nagpatangay na lang ako.
Nang makabalik kami classroom ay biglang tumahimik ang paligid habang ang mata nila ay nakatutok sa amin, kahit si Dwayne.
Nag-iwas na lang ako ng tingin at saka dumiretso sa upuan ko. Maya-maya pa ay dumating na rin ang teacher namin kaya nag-focus na lang ako sa pakikinig sa lesson.
Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa magpaalam na ang pinakahuling teacher namin para sa araw na ‘to. Nagligpit na rin ako ng gamit saka lumabas ng classroom. Sumunod naman sa akin si Lalaine.
“Hey, Sandra.”
Kaagad ko naman nilingon si Lalaine na tumawag sa akin.
“Bakit?"
Napakamot naman siya sa batok. “Ano... hindi kita mahahatid. Nagpapasundo kasi si Kuya Calvin eh,” nakangusong sabi niya kaya natawa na lang ako.
“It's okay, Lalaine. Kaya ko naman lakarin pauwi sa amin,” natatawang sabi ko.
Pinandilatan niya naman ako ng mata. “Wag kang maglalakad. Baka mapahamak ka,” sermon niya.
“Ang OA!"
“Ah basta mag-iingat ka, okay?” pangungulit niya pa kaya napangiti na lang saka tumango. Napabuntong hininga naman saka nagpaalam na mauuna na. Nang makaalis si Lalaine ay nagkibit balikat na lang ako at saka nagsimulang maglakad palabas ng school.
Tahimik lang ako habang naglalakad sa gilid ng kalsada ng may biglang huminto na sasakyan sa harap ko dahilan para mapahinto rin ako sa paglalakad. Nanatili ang tingin ko sa sasakyan nang bumaba ang side mirror nito at halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang nasa loob.
Kinusot-kusot ko pa ang mata ko dahil baka namamalikmata lang ako ngunit agad din nanlaki ang mata ko nang ma-realize ko na si Dwayne nga ang sakay ng kotseng huminto sa harap ko.
Binaba nito ang shades na suot niya saka ako tinapunan ng tingin. “Get in the car. Ihahatid na kita,” maawtoridad na utos niya.
Nangunot naman ang noo ko. “Ha? Anong ihahatid?” naguguluhang tanong ko at bahagyang napaatras.
Napabuntong hininga naman siya. “I said get in the car, Sandra,” utos niya pero umiling lang ako kaya inis siyang lumabas ng sasakyan at hinawakan ang kamay ko.
Tinitigan niya ako sa mata. “Sasakay ka o bubuhatin pa kita?" pagbabanta niya. Nanlaki naman ako ang mata ko. At kahit naguguluhan ay kaagad akong pumasok sa loob ng kotse niya.
Sa sobrang pagkataranta ko ay sa front seat pa ako nakaupo imbes na dumiretso ako sa passenger seat kung saan malayo kay Dwayne. Muntik ko pang mahigit ang sarili kong hininga ng bigla siyang lumapit sa akin kaya agad akong napapikit.
Narinig ko naman siyang tumawa kaya agad akong nagmulat ng mata. Bumungad naman sa akin ang nakangiting si Dwayne habang naiiling-iling na nakatitig sa akin.
“Why did you close your eyes? Are you expecting a kiss?" nakangising aso na asar niya bago inayos ang pagkakasuot ng seat belt ko.
Nakagat ko naman ang ibabang labi ko saka nag-iwas ng tingin.
Nakakahiya! Bakit ka kasi pumikit Sandra!
Sa sobrang hiya ay inuntog-untog ko na lang ang ulo ko sa salamin nang muling magsalita si Dwayne.
“Hey, Sandra."
Nilingon ko naman siya. “W-What? W-What d-do y-you n-need?” nauutal na tanong ko.
Natawa naman siya sa pagka-utal ko. “Relax. I'm not going to eat you,” aniya saka nginitian ako. “I'm just going to ask where do you live," aniya.
Napatanga naman ako. “Huh?”
Napatitig naman siya sa mukha saka napailing. “Are you even listening?" aniya at pinitik ang noo ko. “I said where do you live?” pag-uulit niya sa tanong niya. His lips quivered in a smirk. “But if you don't want to tell me. Then, I will just take you to my home," nakangising biro niya kaya agad na nanlaki ang mata ko at bahagyang isiniksik ang sarili sa gilid ng upuan ko.
Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. “I'm just kidding. Kabado ka naman masyado," aniya at ginulo pa ang buhok ko. “So, saan ka nga nakatira?” tanong ulit niya.
Umayos naman ako ng upo at saka tumingin sa labas. Nang makita ko ang daan papunta sa amin ay kaagad kong tinuro iyon. “Diretsuhin mo lang ‘yong daan na yan, malapit na ron ‘yong bahay ko,” mahinang sabi ko, sapat na para marinig niya.
Napatango-tango naman siya habang ako ay nanatiling tikom ang bibig habang hindi inaalis ang tingin sa daan.
Nang matanaw ko na ang bahay namin ay kaagad akong nakahinga ng maluwag. “Uhm... dito na lang ako,” maingat na utos ko kay Dwayne.
Kaagad naman niyang inihinto ang sasakyan. Nang maiparada niya ang kotse niya ay walang pagdadalawang isip na lumabas ako ng hindi siya nililingon.
Didiretso na sana ako sa loob ng bahay namin pero agad din akong napahinto ng makonsensya ako. Napabuntong hininga na lang tuloy bago umikot para harapin si Dwayne na prenteng nakatayo sa tapat ng kaniyang kotse.
Lumapit ako sa kaniya at saka nagpilit ng ngiti. “Ano... salamat sa paghatid,” nahihiyang sabi ko.
Tatalikod na sana ko nang mabilis niyang hinawakan ang braso ko. He stares at me dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko kasabay ng pamimilog ng mata ko nang higitin niya ako palapit sa kaniya saka ginawaran ng mabilis na halik sa labi.
He smiled at me. “I'm sorry, pero hindi ako tumatanggap ng thank you," aniya at kinindatan pa ako.
Napakurap-kurap naman ako at wala sariling napahawak sa labi ko.
What the hell! First, kiss ko ‘yon!