4

3557 Words
DWAYNE’S POV “Uy, Dwayne! Ang tahimik mo ata ngayon,” sita ni Carl na kararating lang galing sa labas at basta na lang naupo sa bakanteng espasyo sa tabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin saka nilagok ang huling patak ng beer sa baso ko. My brows furrowed when I notice that they are observing me like a hawk. “What? Why are you looking at me like that?” Nagkatinginan naman sila at saka napahawak sa batok. “Well... we're just wondering why you seems unusual these past few days,” si Richard ang unang naglakas ng loob na magtanong. Natigilan naman ako. My brows slightly creased as I heard his question. “Am I? How so?” curious na tanong ko saka inabot ang bote ng alak at nagsalin sa baso. “Well, you just turned down a woman who offered herself to be your s*x slave when you’re the type of guy who craves for s*x,” nakangising aso na sabi ni Richard. Tumango-tango naman si Carl sa gilid. “That's right. Sino nga ulit ‘yon? Ah, si Hariet! She's freaking gorgeous and hot yet you didn't even get excited with her,” dagdag pa ni Carl at pinanliitan ako ng mata. Napangisi naman ako at saka pinaikot ang baso sa kamay ko. “It's not unusual. She just become too plain and tasteless to me, that’s why I turned her down,” sagot ko sabay lagok sa alak. “Ayon naman pala! Akala namin bumabait ka na eh,” natatawang biro ni Richard. “Yeah right. Muntik ko na rin akalain na nagkakagusto ka na kay Sandra kaya mo tinanggihan si Hariet,” biro pa ni Carl dahilan para maibuga ko ang iniinom ko sa mukha ni Richard. “What the hell?” inis na bulyaw ko kay Carl saka siya sinamaan ng tingin. “Why on earth would you even think that I'm starting to like her?!” Ngumiti naman siya. “At bakit hindi? Kung palagi kitang nahuhuli na panay ang nakaw ng tingin kay Sandra sa tuwing hindi siya nakatingin," aniya saka ngumisi ng malaki. Natigilan naman ako at napahigpit ang hawak sa walang laman na baso. Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko kaya bahagya kong iniwas ang tingin ko. Fvck! Why I am so careless? To think he would notice that. Damn it! “Uy, umiiwas siya. So, totoo nga?" pangungulit pa ni Carl kaya marahas akong napabuntong hininga. “Stop talking nonsense, Carl. Did you really think that I would fall for her?” tanong ko at binigyan siya ng nakakalokong ngiti. Mas lalo naman lumawak ang pagkakangiti niya. “Why not? Sandra is beautiful. Mali, mala-anghel sa ganda. Mabait at matalino. Kabaliktaran mo,” nang-aasar na sabi niya kaya agad kong binato ang unang bagay na nadampot ko sa mesa. Kaagad naman nakaiwas si Carl habang tumatawa. Samantalang naiiling-iling na lang si Richard sa gilid habang nagpupunas ng mukha. “Relax ka lang, dude," pigil ang tawa na suway ni Richard saka ngumisi. “Pero totoo nga?” “Ang alin?” Tinitigan niya naman ako sa mata. “That you like her, si Sandra,” pahabol niya pa. Mas lalo naman nagsalubong ang kilay ko. “Stop talking nonsense! How many times do I have to tell you na hindi ko nga siya gusto?” “Pero attracted ka sa kaniya?" Hindi naman ako agad nakasagot kaya mas lalo silang napangisi. “Confirmed. Hindi niya raw gusto pero attracted!" asar ni Carl. “Gano'n pala ang mga tipo mong babae, boss. Iyong inosente at mabait," pang-gagatong pa ni Richard. Binigyan ko naman sila ng matalim na tingin bago inis na tumayo at lumabas ng bar. Dumiretso na lang ako sa smoking area saka dumukot ng isang sigarilyo sa bulsa. Sinindihan ko iyon saka prenteng sumandal sa dingding at inilagay sa bibig ang sigarilyong may sindi. I close my eyes to calm myself ngunit agad din akong nagmulat ng mata nang biglang mag-flash back sa utak ko ang gabing may nangyari sa amin ni Sandra. I remembered how she moan my name under me. I bite my lower lip. “Fvck! All of the things na puwede kong maalala, bakit iyon pa?" mahinang bulong ko sa sarili ko. Ipinilig ko na lang ang ulo ko saka pabalang na tinanggal ang sigarilyo sa bibig ko at basta na lang iyon itinapon sa kung saan bago dumiretso sa parking area. Huminga pa ako ng malalim bago pumasok sa loob at pinaandar ang makina habang seryoso ang mukha. But when I remember how she blush when I stole a peck on her lips, hindi ko napigilan mapangisi. That girl. She is really interesting. *** A L E S S A N D R A ' S P O V Ilang minuto na ang nakalilipas simula ng tumayo ako rito sa labas ng aming bahay. Hinihintay ko kasi si Lalaine dahil susunduin niya raw ako para sabay na kaming pumasok. Maya-maya pa ay dumating na ang kotse ni Lalaine. Huminto ito sa tapat ko. Nanatili naman ako sa puwesto ko at sinundan ng tingin ang pagbaba ng side window kasabay ng pagdungaw ng ulo ni Lalaine. Nag-angat siya ng tingin saka ako hinarap. Nangunot naman ang noo ko nang mapansin na nakabusangot siya at halatang badtrip. “Bakit ganiyan ‘yong itsura mo?” Napairap naman siya saka may inginuso sa likuran. Nang sundan ko iyon ng tingin ay kaagad akong napailing. Kaya naman pala. Kasama niya si Kuya Calvin, ang nag-iisa niyang pinsan na never na ata niyang makakasundo. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko para magpigil ng tawa bago pumasok sa loob. Naupo ako sa back seat, sa bakanteng upuan malapit kay Kuya Calvin. Saglit kaming natahimik sa loob ng sasakyan hanggang sa marinig kong tawagin ako ni Kuya Calvin sa nickname ko na siya mismo ang gumawa. “Uhm... Alice?" mahinang tawag niya. Nilingon ko naman siya. ”Bakit?” Saglit naman niya akong tinitigan saka ngumiti. “Ano... are you feeling better? Hindi ka ba nahihilo?” biglang tanong niya. Nangunot naman ang noo ko. “Huh? Bakit naman ako mahihilo?” Napakamot naman siya sa batok. “Eh kasi diba, buntis ka?” Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. “H-How did you know?!" gulat na tanong ko saka nilingon si Lalaine na nakabusangot pa rin. “D-Did y-you t-tell h-him?” nauutal na tanong ko, nanginig din ang boses ko. Napabuntong hininga naman si Lalaine saka tiningnan ako ng may maamong mukha. “I'm sorry, Sandra. I wasn't really planning to tell him, pero tinakot niya kasi ako,” nakasimangot na paliwanag niya saka sinamaan ng tingin ang katabi ko. Saglit naman akong natahimik saka nagpilit ng ngiti. “Is that so? It's alright. You don't to apologize," pilit ang ngiti na sabi ko saka nag-iwas ng tingin. “Hey, did I do something wrong?” rinig kong tanong ni Kuya Calvin. Nilingon ko naman siya. “What do you mean?” Napakamot naman siya batok niya. “Bigla ka kasing natahimik," aniya saka ngumiti ng alanganin. “But if I did something wrong, then I apologize. I didn't really meant to pry on your personal life,” sinserong sabi niya. Napatitig naman ako sa mga mata niya. I smiled at him. “You don't to apologize, Kuya Calvin. I didn't feel offended at all.” “Then why did you give me the silent treatment after you learned that I knew about your pregnancy?” curious na tanong niya. Marahas naman akong napabuntong hininga. “Well... I just... feel scared, that's why I became silent for a moment.” His brows furrowed. “Scared of what? Of being judged?” Marahan naman akong tumango pero umiling lang siya saka ngumiti ng malaki. “You don't have to worry, Sandra, because I will never do that,” aniya. Kinuha niya ang kamay ko saka iyon hinawakan ng mahigpit. “You’re the most kindest soul I ever met, that's why judging you was the last thing I could ever do.” Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. His words sends comfort to my heart. “Thank you, Kuya Calvin,” I said and gave him a bigger smile. Nginitian niya naman ako pabalik saka inakbayan dahilan para sumama ang timpla ng mukha ni Lalaine. She glare at Kuya Calvin. “Tatanggalin mo ‘yang braso mo sa kaniya o ako ang magtatanggal niyan sa katawan mo?" pagbabanta ni Lalaine habang matalim ang tingin sa braso ni Kuya Calvin na nakaakbay sa akin. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Kuya Calvin saka napailing-iling. “Kahit kailan talaga, ang sungit nitong bestfriend mo, Sandra,” aniya saka ginulo ang buhok ko. “Sinong masungit?!” nakataas ang kilay na sigaw ni Lalaine. “Wala! Manahimik ka na nga lang. Ang sakit mo sa tenga,” reklamo ni Kuya Calvin habang hinihimas ang tenga niya pero inismiran lang siya ni Lalaine kaya naman natawa na lang kami. Nang makarating kami sa school ay kaagad ipinark ni Lalaine ang sasakyan. Unang lumabas si Lalaine kaya sumunod na rin ako sa kaniya ngunit agad na nangunot ang noo ko nang sumunod sa akin si Kuya Calvin. I stare at him. Ngayon ko lang napansin na nakasuot siya ng uniform ng university namin. “Why are you looking at me like that, baby?” pilyo ang ngiti na tanong niya. Pinanliitan ko naman siya ng mata. “Why are you wearing our uniform?” He smirked. “Isn't it obvious? Dito na rin ako mag-aaral," aniya dahilan para mapaawang ang labi ko. “What? But... why?” Hindi naman niya ako sinagot at kinindatan lang ako saka ako nilagpasan. Kaya nilingon ko si Lalaine na nakasimangot pa rin. “Is that true? Dito na mag-aaral si Kuya Calvin?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. Napairap naman siya. “Yes. You heard him right. Kaya nga kanina pa ako badtrip. Palibhasa kasi inutusan siya ni Daddy para bantayan ako habang hindi pa sila nakakabalik,” aniya. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko saka marahan hinagod ang likod niya para pakalmahin siya. Marahas naman siyang napabuntong hininga saka nagpilit ng ngiti. “Anyway. Let's not think about that,” nakangiti sabi niya saka lumingkis sa braso ko. “Let's go na, baka ma-late pa tayo,” aya niya saka ako hinila. Nang papasok na kami sa loob ng classroom ay bahagyang kumabog ang dibdib ko nang makasalubong namin ang grupo nila Dwayne na nag-aasaran. “Pfft! Attracted siya!” “Tsk. Tsk. Tsk. Naturingan womanizer, pero pinana naman ni kupido,” Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang lalaki na tinutukso-tukso si Dwayne. “Can you please shut up?! Kung hindi, susupalpalin ko na ‘yang mga bunganga niyo,” napipikon na sigaw ni Dwayne. Huminto sila sa tapat ng pinto kaya hindi agad kami nakapasok dahil nakaharang sila sa daanan. Napairap tuloy si Lalaine saka tumikhim ng malakas para kunin ang atensyon nila. “Eherm! Can you please move aside? Nakaharang kasi kayo sa daan,” mataray na sabi ni Lalaine. Aga naman silang natigil sa pag-aasaran at napalingon sa direksiyon namin. Muntik pa akong mabuwal sa kinatatayuan ko nang lumingon din si Dwayne at magtama ang mga mata namin. My heart skips a beat when I saw his lips quivered in a smile while looking at me. My lips parted. Did he just smiled at me? “Ano ‘yon, boss? Did I just saw you smiled? Tangina pre, ang bakla!” “Porket nandiyan lang si Sandra—aray naman boss!” mangiyak-ngiyak na reklamo ng isa habang hinihimas ang ulo niya na binatukan ni Dwayne. “Tang*na, ang dadal niyo!” inis na bulyaw niya sa dalawa. Hindi pa rin sila umaalis sa tapat ng pinto kaya nanatili kaming nakatayo sa labas. “Hey, Sandra. Bakit nasa labas pa kayo?” Nilingon ko naman ang biglang nagsalita. “San ka ba nagpunta? Nauna ka sa amin pero ngayon ka lang dumating,” masungit na tanong ng pinsan niya. Ngumiti naman si Kuya Calvin. “May inasikaso lang ako. So, bakit nasa labas pa kayo? Bakit hindi pa kayo pumapasok?” Nagkatingin naman kami ni Lalaine saka alanganin itinuro ang tatlong kalalakihan na nakaharang sa daan. Sinundan niya naman ng tingin ang itinuro namin saka napailing-iling bago muling ibinalik ang tingin sa akin. He walked towards me. He held my hand at bago pa man ako makapag-react ay bigla na lang niya akong binuhat in a bridal style. “Hey, can you please move? Nangangalay na kasi ‘yong baby ko," nakangiting sabi niya at saka binangga ang braso ni Dwayne. Dumiretso siya sa loob ng classroom saka ako ipinangko sa upuan ko. Kinindatan niya pa ako bago ako iniwan dahilan para magtilian ang mga kaklase ko. “O.M.G! Ang pogi ni kuya!” “Nakakainggit. Ang suwerte naman ni Sandra. Binuhat siya ng isang prince charming!” Napayuko naman ako dahil sa sobrang hiya saka kumuha ng notebook para takpan ang namumula kong mukha. Bakit kasi kailangan pa akong buhatin? Nakakahiya! *** D W A Y N E' S P O V Nagtagis ang bagang ko habang nakatitig sa papalayong bulto ng lalaking bumangga sa akin. My brows slightly creased as I remember how he called her. Baby daw? Tss. Ang korni! “Uy, selos si boss!” nakangising aso na asar ni Carl. Sinamaan ko naman siya ng tingin saka itinaas ang kamao ko pero nagtawanan lang sila. “Mukhang wala ka ng pag-asa boss. Boyfriend niya ata ‘yong bumuhat sa kaniya eh.” Umarko naman ang sulok ng labi ko saka napangisi. “Ako? Walang pag-asa? Baka nakakalimutan mo kung sino ako, Richard,” nakangising sabi ko saka sumeryoso ang mukha. “I am Dwayne, at lahat ng gusto ko, nakukuha ko,” seryosong sabi ko. Nagkatinginan naman silang dalawa saka ngumiti ng nakakaloko. Halatang may naisip na naman na kalokohan. “If you’re that confident, then how about we make a bet?” suhestiyon ni Richard. My lips quivered in a smirk. “Sure. Let’s make a bet.” Kaagad naman napangisi ang dalawa. “Then, we will bet both fifty thousand. If Sandra becomes your girlfriend in just one week, you win. But if you can't make her fall for you in just a week, you need to pay us double,” malademonyo ang ngiti na sabi ni Carl. Napailing-iling naman ako. “Sure. Let’s do that,” pagsang-ayon ko saka muling sinulyapan si Sandra. I smiled as I stare at her. “Brace yourself, Sandra. Because I will make sure to make you mine." *** A L E S S A N D R A ' S P O V Nang marinig kong tumunog ang bell ay kaagad kong niligpit ang gamit ko. Nagulat pa ako nang may biglang humawak sa kamay ko. Ngunit agad din akong napangiti nang makita si Lalaine sa gilid ko habang siya nakabusangot na naman. “What’s wrong? Bakit hindi na naman maitimpla ‘yang mukha mo?” natatawang sabi ko saka isinukbit ang bag ko. Napairap naman siya. “Si Kuya Calvin kasi, iniinis na naman ako,” nakabusangot na sumbong niya. “Bakit? Ano na naman bang ginawa niya?” Tinitigan niya naman ako sa mata. “Well, sinabi niya lang naman sa akin na gusto ka niya,” aniya dahilan para matigilan ako. Ano raw? Gusto raw ako ni Kuya Calvin? “Ano bang sinasabi mo, Lalaine? Is that suppose to be a joke? Tatawa na ba ako?” pilit ang ngiti na sabi ko. Napabuntong hininga naman siya. “I wish he really meant is a joke. After all, he’s a playboy,” aniya saka ngumiti. “Anyway. Let's go. Kanina pa ako nagugutom,” aya niya sabay hawak sa kamay ko saka ako marahan hinila palabas ng classroom. Hindi na lang ako nagreklamo saka sumunod sa kaniya. Nang makarating kami sa canteen ay kaagad niya akong pinaupo sa bakanteng upuan habang siya ay dumiretso sa counter para omorder ng pagkain namin. Nanatili akong tahimik sa upuan nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay kaagad na bumungad sa akin ang nakangiti na si Kuya Calvin. “Hi, Sandra!” masayang bati niya. “Nasaan nga pala ‘yong pinsan kong sadista?” pabirong sabi niya. Napailing naman ako. “Omorder lang ng pagkain.” Napatango-tango naman siya. Maya-maya pa ay bumalik na rin si Lalaine sa table namin. She smiled at me as he place the tray on top of the table. “Here’s your food, Sandra,” aniya saka inusog sa akin ang pagkain na inorder niya para sa akin pagkatapos ay umupo na rin siya. Nagpangalumbaba naman si Kuya Calvin sa gilid saka ako tinitigan. Bahagya naman nangunot ang noo ko at nagtatakang nilingon siya. “Is there something on my face, Kuya Calvin? Kanina ka pa kasi nakatingin,” curious na tanong ko. Umayos naman siya ng upo saka ngumiti. ,“There is nothing on your face, Sandra. But... I do have something special to offer.” Kaagad naman sumama ang tingin ni Lalaine sa pinsan niya. “Ano na naman bang kalokohan ‘yang sasabihin mo kay, Sandra? Umisa ka pa talaga, Kuya Calvin at kakalbuhin na talaga kita.” Ngumiti naman si Kuya Calvin. “Hindi ‘to kalokohan. At sigurado akong matutuwa kayo sa offer ko.” Binigyan naman siya ni Lalaine ng “Talaga-Ba-Look” kaya agad na napasimangot si Kuya Calvin. “Tsk. Wala ba kayong tiwala sa ’kin?” parang batang nagtatampo na sabi nito. Nagkatinginan naman kami ni Lalaine at sabay na tumango. Nasapo naman ni Kuya Calvin ang dibdib niya at umaktong inaatake. ”I'm hurt. I just wanted to help yet you can't even trust me,” pagdadrama niya pa pero inirapan lang siya ni Lalaine. “Stop being dramatic, Kuya Calvin or I will punch you on the face,” banta pa ni Lalaine kaya agad na umayos ng upo si Kuya Calvin. Napailing-iling naman ako saka nagsimulang kumain. Akala ko ay matatahimik na si Kuya Calvin ngunit agad din akong natigilan nang marinig ko siyang napabuntong hininga saka hinawakan ang kamay ko. “Sandra...” Nangunot naman ang noo. “Hmm?” “Will you accept me to be the father of your baby?” dire-diretsong alok niya. Naibuga ko naman ang kinakain ko at bahagyang napaubo dahil sa sinabi niya. Agad naman niyang hinagod ang likod ko. “Dahan-dahan lang kasi, baby ko—ouch! Ano ba?! Kanina ka pa nanakit ah?” inis na reklamo ni Kuya Calvin. Nagtaas naman ng kilay si Lalaine. “Eh kung tigil-tigilan mo kaya ‘yang kalokohan mo nang hindi ka nasasaktan? Pati si Sandra dinadamay mo!” Napanguso naman si Kuya Calvin. “Anong kalokohan? Seryoso kaya ako sa alok ko. Gusto ko talagang maging daddy ng baby niya,” nagpapa-cute na sabi niya. Pagak naman natawa si Lalaine. “Are you serious? Ikaw na playboy gustong maging daddy? Nagpapatawa ka ba?” nang-iinsultong sabi ni Lalaine. Medyo napalakas ang boses niya kaya may iilan na nakarinig sa sinabi niya. “Sobra ka naman, miss. Porket ba playboy wala ng karapatan maging daddy?” “Kaya nga. Malay mo gusto na niyang magbago,” “Tsk. Edi sana all gustong maging responsible father ano? Habang ‘yong isa riyan hindi kaya.” Nanlaki naman ang mata ko sa pagkadulas ni Lalaine. “Miss? Do you have some problem with me?” rinig kong tanong ng kung sino. It was Dwayne. “Oh? I don’t have problem with you. Ni wala nga akong binanggit na pangalan,” sagot ni Lalaine saka ngumisi. “Kaya bakit ka nagre-react diyan? Siguro totoo ano? Na hindi mo kayang panindigan ang mga babaeng dumaan sa kamay mo.” Nagsalubong naman ang kilay ni Dwayne at halatang hindi nagustuhan ang narinig. “What do you mean? Ano ba talagang pinupunto mo, miss?” nagtitimping tanong ni Dwayne. “Well, I’m just wondering if what will you do if you accidentally got somebody pregnant. Will you take responsibility for it like a real man?” matapang na tanong ni Lalaine. Hindi naman ako nakagalaw sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko ay bigla akong nabato sa puwesto ko habang naghihintay ng sagot ni Dwayne. Nakita ko naman siyang ngumisi. “Well, if I really did got someone pregnant accidentally, why should I be responsible for it?” walang ganang sagot ni Dwayne. I bite my lower lip. His words, it was like a dagger piercing through my heart. Akmang sasampalin ni Lalaine si Dwayne pero pinigilan ko ang kamay niya. Nilingon niya naman ako na nagtataka pero nginitian ko lang siya saka umiling ng ilang beses. “That’s enough, Lalaine.” “But...” “Please?” Napabuntong hininga naman siya. “Fine. I’m sorry,” sumusukong sabi niya. Napangiti naman ako saka muling tinapunan ng puwesto nila Dwayne. I saw him talking with his friends while his brows were slightly creased. He looks so pissed. I smiled bitterly. “I hate that I could not even hate you even if you’re the reason why I am so miserable,,” mahinang bulong ko sa sarili saka pinahid ang luha na tumakas sa mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD