EDITED VERSION
ALESSANDRA’S POV
Agad akong napabalikwas sa kama ng maramdaman ko na parang kinakalukay na naman ang sikmura ko. I covered my mouth, jump out of the bed, saka kumaripas ng takbo papunta sa banyo.
I stand in front of the toilet bowl saka nagsuka habang nakapikit ang mata. Nang tumigil ang pagbaliktad ng sikmura ko ay bahagya kong hinilot ang sintido ko.
I bite my lower lip. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa morning sickness na ‘to. Palagi na lang sa tuwing susumpungin ko ay pakiramdam ko mamamatay na ako. I always felt weak everytime I vomit.
Nang humupa ang sakit ng ulo ko ay dumiretso na ako sa lababo saka nagmumog. I stare in front of the mirror. Nakita ko tuloy ang sarili ko na walang ayos at magulo ang buhok. Saglit pa akong tumitig sa salamin bago naghilamos at lumabas ng banyo.
Huminga pa ako ng malalim bago nagdesisyon bumaba papunta sa kusina dahil bigla akong nagutom. When I reach the kitchen, bahagya akong natigila nang maabutan ko roon sila mama at papa na nag-aalmusal na.
Kaagad naman akong napansin ni mama. She smiled at me. “Sandra, nandiyan ka na pala. Halika rito at sumabay ka na,” nakangiting alok niya.
Ngumiti naman ako saka tumango bago masayang lumapit sa kanila at naupo sa harap ng hapag-kainan.
“Mabuti naman at bumaba ka. Akala ko mamaya ka pa magigising eh,” seryosong sabi ni papa.
Napangiti naman ako ng alanganin.
“Sorry po, pa. I overslept,” awkward na sabi ko.
Hindi naman siya umimik at sumimsim sa kaniyang kape. Inilapag niya muna iyon sa mesa bago ako muling tinapunan ng tingin.
“But, are you sure you’re okay? I heard you vomiting,” diretso ang tingin na tanong ni papa.
Hindi naman ako kaagad nakasagot. I bite my lower lip as I try to find the right words to say.
Ngumiti ako. “Ah... may nakain po kasi akong hindi maganda kaya po nagsuka ako,” pilit ang ngiti na pagsisinungaling ko. Halos hindi ako makatingin ng diretso sa mata ni papa dahil kinakabahan ako.
“Is that true? Pero bakit dalawang linggo ka ng nagsusuka?” aniya, mahihimigan ang pagdududa sa tono niya. “Kung alam ko lang na may boyfriend ka ngayon ay baka akalain kong nagdadalang-tao ka,” seryosong sabi niya.
Napalunok naman ako. Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko. Pero idinaan ko na lang sa tawa iyon.
“Si papa naman kung makapagbiro. Hindi ho ako buntis, sadyang may nakain lang po akong masama,” nakangiting sabi ko pero nanatiling seryoso ang mukha ni papa.
“Siguraduhin mo lang talaga, Sandra. Dahil pag nalaman ko na nagsisinungaling ka, malilintikan ka talaga sa akin,” seryosong banta ni papa.
Nakagat ko naman ang ibabang labi ko saka nagbaba ng tingin. Hindi na lang ako umimik saka nagsimula ng kumain.
Saglit na namayani ang katahimikan sa hapag-kainan kung hindi ko lang naisipang basagin iyon.
“Papa?” wala sa sariling pagtawag ko sa kaniya.
Nangunot naman ang noo ni papa saka sinalubong ang tingin ko. “Ano ‘yon?”
Huminga naman ako ng malalim. Ilang segundo pa ang binilang ko bago ko nagawang ibuka ang labi ko. “M-May kaklase po kasi ako, pa. W-Wala po siyang boyfriend pero may naka-one night stand po siya. Then, later on, she got pregnant at it seems po na walang balak panagutan ng nakabuntis sa kaniya ‘yong kaklase ko po,” panimula ko saka kinagat ang ibabang labi bago nagpatuloy. “So, this classmate of mine, she was asking for an advice kung ano pong dapat niyang gawin. She is a minor po kasi and natatakot po siya na itakwil ng parents niya pag nalaman ang sitwasyon niya.”
Natigilan naman si papa. Halatang hindi niya inasahan ang naging tanong ko. Narinig ko pa siyang napabuntong hininga bago tumingin sa mga mata ko.
“You said she was a minor? Then I think aborting the child is the best option, lalo na at ayaw siyang panagutan ng lalaking nakabuntis sa kaniya,” walang pag-aalinlangan sagot ni papa.
Natigilan naman ako kasabay ng pag-awang ng mga labi ko. Nabitawan ko rin ang kutsarang hawak ko habang unti-unting namumuo ang butil ng luha sa mga mata ko.
“A-Ano pong ibig niyong sabihin? Paano po naging best option ang pagpapalaglag ng bata?” nahihirapang sabi ko, bahagya ring nanginig ang boses ko.
“Dahil makakasagabal lang ang maagang pagbubuntis sa pag-aaral niya. Masyado pa siyang bata. Hind niya kakayanin ang ganoon kalaking reponsibilidad,” aniya saka pinagpatuloy ang pagsubo sa pagkain niya.
Napayuko naman ako. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Sobrang sakit ng dibdib ko.
“Ganoon po ba? Sige po, makakarating po sa kaniya. Salamat po sa payo, pa,” magalang na sabi ko, pinilit kong pasiglahin ang boses ko saka nag-angat ng tingin. “Sige po, lalabas lang po muna ako,” pilit ang ngiti na paalam ko saka tumayo.
Tumalikod na ako saka dire-diretsong lumabas ng bahay ng hindi man lang lumilingon. Hanggang sa ang malalaking hakbang ay naging takbo.
Tumakbo ako ng tumakbo habang walang tigil sa pagbuhos ang luha ko.
Ang sakit sakit. Hindi ko matanggap ang sinabi ni papa. How could he suggest such thing? I know that I am still young, yet isn't too cruel to kill such innocent child?
I hope nasabi niya lang iyon dahil ibang tao ang nasa sitwasyon. I hope that if it was me, his very own daughter, sana ay hindi niya sabihin sa akin na ipalaglag ang baby ko. Because that would be the last thing that I would ever do. Kahit itakwil pa ko ng parents ko, I will never give up, nor kill my child.
Pinahid ko na lang ang luha ko sa mata ko saka tumigil sa pagtakbo nang makaramdam ako ng pagod. Nang igala ko ang mata ko sa paligid, I realize that my feet brought me in an unfamiliar place and old playground.
I didn’t know that there was such a place in our neighbourhood.
Ngunit imbes na kabahan ay iginala ko na lang ang mata ko para maghanap ng puwede kong maupuan dahil nanghihina na talaga ang tuhod ko. Kaya nang makita ko ang swing ay kaagad akong naglakad palapit doon saka prenteng naupo.
Humawak ako sa hawakan ng duyan saka marahan itinulak ang sarili at tahimik na humikbi.
“Hey, why are you crying? Did someone bully you?” I heard someone voice dahilan para matigilan ako sa paghikbi.
Kaagad kong pinahid ang luha ko saka nilingon ang taong nagsalita. Muntik pa akong malaglag sa duyan nang mapagtanto ko kung sino ang nakatayo ngayon sa harapan ko.
He smiled at me saka naglabas ng panyo. “You can use this. You look like a mess,” aniya saka tumawa ng mahina.
Bumaba naman ang tingin ko sa panyo saka nag-iwas ng tingin at hindi nag-abalang kunin iyon.
“W-What a-are you d-doing here?” nauutal na tanong ko kasabay ng paghuhuramentado ng puso ko. Bahagya rin nag-init ang pisngi ko.
All of the people that I met, I never imagined that I would meet him here. The man who doesn’t fail to make my heart beat fast.
Narinig ko naman ang malamyos niyang tawa saka naglakad palapit sa akin. He lean down at walang pasabi na pinahid ang luha sa mga mata ko, making me blush.
“A-Ano b-bang g-ginagawa mo?” nanlalaki ang mata na tanong ko. Umatras ako at bahagyang lumayo.
Napangisi naman siya. “Why are moving away? I'm just trying to help you dried your tears,” aniya saka humakbang palapit sa akin at muling pinahid ang luha ko gamit ang kaniyang hintuturo.
He smiled at me. “There. You look beautiful again,” he teased dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin dahil bigla na lang nag-init ang pisngi ko.
Nakakainis. His smile was too cute to ignore.
“Bakit ka ba kasi nandito?” Hindi ko na napigilan ang sarili na magtanong.
Naramdaman ko naman hinawakan niya ang baba ko saka hinarap sa kaniya ang mukha ko. “You are asking me why?” he said saka pinisil ang pisngi ko. “It’s because I just saw someone as beautiful as you that I couldn’t stop myself from running here, just to see you,” malambing at nakangiting sagot niya dahilan para mas lalong lumakas ang pagtambol ng puso ko.
Saglit akong natulala sa mala-anghel at gwapo niyang mukha bago ako natauhan.
I glare at him. “Tapos ka na sa joke mo?” masungit na sabi ko pero nanatili siyang nakangiti at halos mahigit ko ang sarili kong hininga nang halikan niya ako sa pisngi.
What the hell?
“You! W-What... did you do?!” I asked, eyes widened in surprise.
Ngumisi naman siya saka ako kinindat. “Stealing a kiss from the beautiful maiden?” nang-aasar na sabi niya.
My brows furrowed. “Ano ba talagang pakay mo sa akin, Dwayne? If you’re just here just because you wanted someone to played with, then I’m sorry because won't play your game. Dahil una pa lang, talo na ko sa ’yo,” halos ibulong ko ang huling katagang binitawan ko.
Nginitian niya naman ako. “Hmm, ano nga ba?” aniya saka inilapit ang mukha. “Maybe, it’s your heart?” aniya sabay kindat.
Agad ko naman nasapo ang puso ko. Kainis! Bakit ba ang landi niya?
Ipinilig ko na lang ulo ko at saka matapang na sinalubong ang tingin niya. “You want my heart? But, you already have a heart right? Bakit kailangan mo pa ‘yong sa akin?” nakangiting pamimilosopo ko sa kaniya.
Natawa naman siya. “Oh, sweetheart. I didn’t mean it literally. Rather, I wanted to say I was seeking for you love,” malambing na sabi niya.
I know. But I also know that I should not fall for your sweet words. Dahil alam kong masasaktan lang ako.
“Whatever. Just leave me, alone,” malamig na sabi ko pero hindi naman siya natinag.
Nanlaki pa ang mata ko nang umikot siya sa likod ko saka sinimulan itulak ng marahan ang swing na inuupuan ko. He was pushing it gently, making sure na hindi ako mahuhulog.
Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko. “Why are you doing this, Dwayne? Why are you being nice to me?” kagat-labing tanong ko.
“Hmm? Do I need a reason to be nice to you? Hindi ba puwedeng gusto ko lang?” sinserong sabi niya.
Saglit naman akong natigilan. For a moment, I thought that I could ask him the question that I was afraid to tell him.
Huminga nga ako ng malalim. “Can I ask you something?”
“What is it, baby?” malanding sabi niya.
Napairap naman ako dahil sa tinawag niya sa ’kin. “What if may nabuntis kang babae, pananagutan mo ba siya?”
Nilingon ko siya para makita ang reaksyon niya. But my heart sank when I saw how his eyes turn emotionless as he hears my question.
DWAYNE'S POV.
Natigilan ako nang marinig ko ang tanong ni Sandra kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. My brows slightly creased.
Bakit parang sa tono ng pananalita niya ay sarili niya ang tinutukoy niya?
I smiled at her. “No. I would never take responsibility for it.” But if it was you, then I might reconsider it.
Natigilan ako sa biglang pumasok sa isip ko. s**t! What did I just think just now?
Ipinilig ko na lang ang ulo ko. I shouldn't be thinking those things. I’m just here because of the bet. That's it.
Naputol ang iniisip ko ng biglang tumayo si Sandra saka nagsimulang maglakad palayo kaya agad ko siyang sinundan.
“Hey, baby. Where are you going?” Nilingon niya naman ako. Tinaasan niya ako ng kilay.
“I'm going home. Don't tell me sasama ka?” mataray na sabi niya.
Pero ngumiti lang ako na mas lalong nagpalaki ng gatla sa noo niya. “Are you inviting me? Then, I would gladly take you home,” nakangiting sabi ko saka tinawid ang distansya naming dalawa.
I held her hand dahilan para matigil siya sa paglalakad. Bumana ang tingin niya sa magkahawak naming kamay at unti-unting nagsalubong ang kilay.
Napakamot naman ako sa batok. Mukhang mahihirapan ata akong mapaibig ang isang ‘to. Masiyadong matigas!
ALESSANDRA'S POV.
Saglit kong tinitigan ang kamay naming magkahawak. Bumuntong hininga na lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko na lang pinansin ang kamay naming magkahawak.
Maya-maya pa ay natanaw ko na ang bahay namin kaya pabalang kong binawi ang kamay ko. I didn't even bother to look at him at dire-diretsong naglakad palapit sa bahay namin. Papasok na sana ako nang may biglang may humigit sa akin.
“Ano bang ginagawa—!" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang ma-distract ako sa ginawa ni Dwayne. He put something around my neck dahilan para maestatwa ako sa kinatatayuan ko.
Hinawakan niya ako sa braso saka hinarap sa kaniya. His lips quivered in smile. “I thought it would suit you, and it did. You look even prettier now,” aniya.
Hindi naman ako nakapagsalita saka kinapa ang bagay na nilagay niya sa leeg ko. My eyes widened in surprise when I realize that it was a necklace.
“This... why are you giving me this?” nalilitong tanong ko.
“It's my gift. Malapit na ‘yong birthday mo diba?” aniya.
Nangunot naman ang noo ko kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko. “How did you know?”
Nagkibit balikat naman siya.
“Secret. Walang clue.”
Napairap naman ako. I turn my back on him at papasok na sana sa loob nang yakapin niya ako mula sa likod.
What the hell?
“What do you think you’re doing? Let go of me!” inis na sabi ko saka pinilit kumawala sa pagkakayakap niya.
“Ayoko nga. I don't want to let you go," parang batang sabi niya at mas lalo naman niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. “Please? Bitiwan mo ako, Dwayne,” mahinang pakiusap ko.
“Alright. I'll let you go for now,” aniya saka ako pinakawalan at hinarap sa kaniya.
He lean forward saka ngumisi ng malaki.
“But this will be the last time, Sandra. Because I will make sure to make you say no, the second time around,” dagdag niya pa saka nag-wink bago pinakawalan ang kamay ko at naglakad palayo.
Nasapo ko naman ang puso ko na kanina pa walang tigil sa pagkabog. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.
”Please. Stop beating for him. I don't want to be hurt...” bulong ko sa sarili saka kinagat ang ibabang labi.