Prologue

3051 Words
Moving Pagkatapos kong magmeryenda, habang nililigpit ko ang mga platito sa saktong kalakihang lamesa sa harapan ko, biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Mom. "Hello, Mom! What's up?" "Keiran, anak, pwede bang pakisabi kay manang Cecil na pakihanda ang hapunan nang mas maaga dahil maaga kaming uuwi nang Dad mo." sagot nito. "May kailangan din kaming sasabihin sayo nang dad mo" sabay sabi ni Mom, na mukhang seryoso. "Sure, Mom. Anong oras ba?" Ano kaya yun at tumingin sa relo. Alas tres palang naman nang hapon. "Mga ala otso sana, pagkatapos ko at nang dad mo sa trabaho ay dadaretso na kami jan sa bahay." sagot ni Mommy bago nagpaalam at binaba ang tawag. Sandali akong umupo sa mahabang sofa namin para manood ng horror movie sa netflix. Ang boring naman kasi wala ang kambal, walang maiingay at nagbabangayan. Habang nag hahanap ako sa horror section ay dumating si manang Cecil may hawak na popcorn na may kasamang ice tea. "Oh ijo, pinagdalhan kita nang kahit konting makakain at para di kana tumayo para kumuha mamaya" Tumango ako. "Salamat po manang." Pinindot ko yung The Soul Reaper, pang Thailand movie ata to, mukha namang maganda kaya ito nalang ang papanoorin ko. "Tsaka nga po pala, pinapasabi po ni mom na uuwi daw po sila nang maaga at maaga daw sana po kayo magluto nang makakain." dugtong ko. Nagsisimula na ang movie nang sumagot si manang. "Sige hijo, walang bang pinapasabi na lulutuin at para'y mailuto ko." "Wala naman po manang." nakanuot kong sabi. "Ganon ba. Ikaw ijo anong gusto mo? Baka may gusto ka?" Mabait si manang at maalaga siya. Madalas noon naming kasama si manang nung bata pa kami nang kambal dahil laging busy sila mom and dad, tuwing christmas nalang namin nakakasama sila grandma at grandpa dahil nahihirapan na silang bumyahe nang matagal dahil sa edad nila. "Wala naman po, mm...? Kayo nalang po bahala" Tumango nalang si manang at naglakad papuntang kusina. Im not a picky eater kaya kahit anong pagkaing ibigay niyo ay kakainin ko depende nalang sa lasa o sa allergies ko. Pagkatapos nung movie na hindi naman gaanong nakakatakot at maganda pa ang plot twist ay dumaretso ako sa kwarto para magpahinga. "Kapagod..." Ubos na ang battery ko. Humilata at Humihikap pa ako habang nakatitig sa ceiling nang aking kwarto. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi dahil madali kasi akong magising pagdating sa pagtulog, sa konting tunog lang ay nagigising agad ako, nakakayamot!! "Ughhhhh!!"sigaw ko habang sinasabunot ang aking buhok. Puyat na nga ako pinag-overthink pa ko nila mama. Pero sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang kalmadong simoy at preskong hangin sa loob ng kwarto dahil nakabukas ang sliding door sa terrace nang sarili kong kwarto. Unti-unti nang bumibigay ang aking mata, at natulog. Kinakabahan at napapaisip ako habang nakaupo dito sa sala. Anong kayang kailangang sabihin ni Mom at Dad? May problema ba sa companya o sa farm? "Mmm?..... " Sigurado namang walang problema sa company dahil ang pagkakaalam ko ay naging successful ang malaking project sa Italy mas lalong walang problem dito sa farm dahil palagi kong dino-double check ang mga materials. Tuloy tuloy naman ang pagsu-supply at pagkademand nang mga gulay, prutas at mga karne nitong farm sa karatig bayan dito sa Pampanga kaya naman nakakapag taka kung ano ang problemang sasabihin nila mama. Wait wait problema nga ba talaga or baka good news naman yun. Or bad news? Aghhhhhhh ano ba yan. Overthink malala talaga. Matapos ang ilang minutong pag iisip, may narinig akong kotse na paparating, mukhang sila dad and mom na yun. Kaya tumayo ako para salubungin sila. "Son , did you eat dinner already?" sulpot ni Dad sa pintuan habang nasa likuran niya lang. Pinag buksan niya pala nang pinto. "Nope, I was waiting for you and mom tsaka wala pa ang kambal." anang ko "Hi baby ko." sabi ni mom na payakap sakin, yumakap din ako pabalik. Ngumiti nalang ako sa sinabi niya. Hayss di na ko baby eh!! "Hello mom, how's work? good?" agarang tanong ko. "Good, kaso nakakapagod lang talaga. You know me and you're dad is getting older, kailan mo ba kami bibigyan nang apo?" lantaya nito I just rolled my eyes while listening to her. "Mom, I'm only 19!!" konting sigaw ko dito at napailing nalang. Sigh.. wala pa nga akong planong mag ka jowa, mag asawa't anak pa kaya. "Mahal wag mo namang pag madaliin ang panganay natin, gusto mo dagdagan nalang natin sila." Sabat ni dad na nakangisi at ikinapula ni mom. Tumawa ako ng makita ko si mom na tumingin nang masama kay dad at kinurot ito. "Btw, where's the twin?" baling nito sa akin nang makitang wala ang dalawa kong nakakabatang kapatid. "Pauwi palang siguro mom galing school, I think they were preparing for their thesis defense. Alam niyo naman na graduating for senior high ang mga yun." Sabi ko habang nasa likod nila papasok sa sala. "Ahh ganon ba, sige mag bibihis muna kami nang papa mo for our dinner." sagot naman ni mom malapit sa hagdan. "Sige mom. I'll wait nalang sa dalawa dito sa sala." "Sige anak." Yun nalang ang tanging sinagot niya at tumungo na sa pangalawang palapag nang bahay. "The three of you will be moving to a new school next school year" sabi ni Mom habang nasa harapan nang hapagkainan. Nandito kami ngayon sa dining hall, nasa mahabang lamesa kami na kakasiya ang sampung katao and there are different kinds of dishes that are my siblings and mines' favorites. "HUH!?!??!" gulatang sigaw naming dalawa ni Khaim. "Ay' sila Oa talaga..." masama naming tinignan ang pangalawa sa aming magkakapatid. Khass just shrugged and rolled his eyes, focusing to his food. This kid... Hindi naman sa pagiging oa pero si mom ang laging dahilan kung bakit ayaw niya kaming umalis dito sa Pampanga, hindi nga namin alam kung ano ang kadahilanan niya kung bakit pinag stay pa ko dito hanggang first year college ko. "Why mom?? Maayos naman kami dito ah?" baling ko kay mom. "Right, right ma' brother is right." tumatangong saad ni Khaim. "Tsaka ayaw kong iwan sila Chiro, Milan at Leon." Banggit nito sa mga alagang aso. "Walang magpapaligo sa kanila, walang magpapakain sa kanila at mas lalong wala na silang cute na amo " malungkot na saad nito na animo'y pinag bagsakan nang langit at lupa. Baliw talaga tong lalaki na to, ampt. mahal na mahal talaga nito ang mga alagang hayop. Halos di nito maiwan o maipaghiwalay, diko din alam kung bakit ganito ito napaka inosente. Kung hindi ko lang to kahawig mapagkakamalan ko tong anak hayop ito. Well sabagay, hindi maipagkakaila na may cute naman siya. Pero hayyss mahal ko naman to kaya hayaan ko nalang to. "Anak pwede mo naman silang dalhin don kasama niyo and we have maids to do that. Meron din naman silang nanny to do that " sabi ni mom na animo'y masakit ang ulo dahil nakahawak ang mga kamay sa sentido. Tumikhim si dad para mapunta sa kanya ang attention namin at maiba ang usapan."What do you think?.. the three of you?.. Ayaw niyo ba?" "Hindi naman sa ganon Dad, mas nakasanayan na kasi namin dito at we've been grown up here in the province since we were little and dito na ko nag first year college" Pag dadahilan ko naman. Sinang ayunan naman ni Khass at ni Khaim, nag thumps up pa siya. Gago talaga HAHAHA. "May mas magagandang opportunity sa manila para sayo at sa kambal. Mas maganda rin ang education system duon. Lalo na sa mga University na baka sakaling papasukan niyo. We just want that the three of you to have a bright future" paliwanag ni dad. Tumatango naman si Khaim na akala mo'y nanonood nang debate. Aba! Kanino ba talaga sang-ayon toh. Parang tanga lang talaga. Tapos yung isa naman may sariling mundo. Haysssss saan ba to nagsimana hindi naman ganito sila mom. "Tsaka pag kakaalam ko wala naman kayong mga kaibigan dito ah" "Dad naman sa bait kong to, grabehan ba to? nananadya ka ata dad ehh" mangiyak ngiyak na sabi ni Khaim habang pinupunasan ang fake tears niya. Baliw talaga haha.. "Wag ka ngang umiyak jan Khai, parang kang tanga" "Kuya ran ohh, inaaway na naman ako ni Khass. Ang harsh harsh niya talaga" sumbong nito sa akin at may kasamang pang pag-nguso na animo'y nagpapacute. Siraulo talaga. "Mama mo harsh" habang umiikot ang mata ni Khass "Umayos nga kayong dalawa" Suway ko sa kanila na hindi naman pinansin ang pagbabanta ko dahil nag aasaran pa ang mga ito. "Hayssss, Love sayo ba tong nagmana itong mga anak- arayyy." sigaw ni dad matapos siyang kurutin ni mom. HAHAHA yan deserve. "Umayos ka" Banta ni mom kay dad. "Btw, naintindihan niyo naman di'ba, mga anak?" Tanong ni Mom. "Para naman yun sa future niyo eh, tsaka namimiss na din kayo nang grandpa at grandma ninyo, hindi na kayo madalas bumisita sa manila simula nung nag senior high ka Kieran." pag dagdag pa nito na nagpakumbinsi sa akin. I sigh, A sign of defeat "Fine, mom. Basta kami nang mamimili nang papasukan namin for college" sagot ko, na ikinatuwa naman nila. "Me too, Para naman mag karoon naman sila nang mapoging student" masayang sabi ni Khaim with pogi sign. "Same with me, kung ano desisyon ni kuya ran duon ako" Ngumiti ako kay Khass at ganon din ang ginawa niya. Sa aming mag kakapatid si Khass ang tahimik at mukhang may pagka masungit. Di tulad ni Khaim maingay at masayahin masiyado pero kapag kalokohan ay akala mo in sync pa. Mababait naman ito depende nalang kung ikaw ang naunang umaway sa mga ito. Kapag may umaway sa isa, resbak agad ang isa. Nalala ko pa non nung nasa elementarya pa sila may naging kaasaran si Khai sa mga kaklase nilang lalaki at dahil dun ay umiyak siya kaya ang ginawa ni Khass ay pinaiyak niya sa debate. Mamatay daw ang walang ganti. Siraulo talaga hahaha Nang mtapos ang hapagkainan namin nang matiwasay at nag kayayaan nang dumaretso ang lahat sa kanya kanyang mga kwarto. Pag kapasok na pagka pasok ko sa kwarto ay dumaretso ako sa banyo para mag half bath lang. Pagkatapos ay daretso higa na sa king size bed ko. Inabot ko ang aking phone para mag search nang magandang school for next school year, tutal malapit nang mag tapos ang klase. "Uni...universities in manila" saad ko pagkatapos magsearch at nag scroll nalang nang scroll. "Mmm, let's see........" "In Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM)" "Zaballa, Khassius Ezraelle " Tawag ng mc kay Khass. Isang buwan na ang nakalipas matapos sabihin nila mom at dad na lilipat kami sa manila. Graduation na nang dalawang kambal ngayon for completion of senior high. "With Highest Honor, SSG President, Best Research Presenter, Best in Research Group, Best in Research Paper. Most Performing SSG Officer. Loyalty Award, Most Ideal Student, Student Leadership Award, Academic Strand Excellence. Campus Journalist, First Place Sport Writing (Filipino) National Division Level. And Photo Journalism English- FIrst Place. Congratulations!!" Sabi ng mc habang paakyat si Khass at si Dad. Pag kadating nila sa harap nang stage, nakipagkamayan sa school dean at binigay din kay dad ang mga medal na isinabit niya kay Khass. Inayos naman ni Khass ang salamin niya, hawak hawak din ni Khass ang diploma at mga certificate nang kanyang mga awards. After non ay nagpicture sila at bumaba na. Nandito ako bandang likod dahil di na kami mag kakasiya nila dad dun sa loob dahil per student isang magulang lang ang uupo sa loob. Sila mom at dad ang nasa loob samantalang ako ay nasa pinaka likod pero kitang kita parin naman ang stage. Naks nang hakot ba naman, ginalingan naman masyado. Sabagay di na mawawala sa amin yan. Ako din naman hinakot ko din halos lahat ng awards noong senior high ko. Hindi ko maipagkakaila na sa aming magkapatid si Khass ang pinaka masipag mag aral. Well lahat naman kaming tatlong magkakapatid ay masipag at matatalino pero iba pa rin siya. Masasabi ko lang siya ang prodigy in terms of calculating things sa aming magkakapatid. "In Humanities and Social Sciences (HUMSS)" "Zaballa, Khaim Yvoiress" tawag naman nang mc kay Khai kaya siya naman ang tumayo at si mom sa kinauupuan at nag simulang pumanik sa stage. "With High Honor,SSG Vice President, Best Research Presenter, Best in Research Group, Best in Research Paper. Most Performing SSG Officer. Loyalty Award, Most Ideal Student, Student Leadership Award, Academic Strand Excellence. Campus Athlete, Over-all-Champion for Men's Solo Archery. 1st place Men's Solo Archery 50 to 100 yards with 300 Perfect Scores. Congratulations!!" sabi nang mc. Tanginang mga to, masyadong competitive sa isa't isa hahaha sabagay kaming lahat sa pamilya sobrang competitive. Even grandma at grandpa ay sobrang competitive, naalala ko pa na kinukwento ni grandma na academic rival daw silang dalawa ni grandpa noon at dahil daw don ay nagkatuluyan sila. Kilig na kilig pa si Lala habang kinekwento niya yun haha. Edi kayo na! Sana all may lablayp. "Wow, these twin brothers are great, the two have won almost all the awards even though mag kaiba sila nang strand, I can see na proud na pround ang mga magulang. And we believe that the two of you will go far ahead and will achieve more in the future." masayang puri naman nang mc. "Wow, ang galing talaga nilang dalawa" puna nang katabi kong babae. "Oo nga eh, tapos parehas pang gwapo, lalo na si Khassius na taga Stem Kyaaaa~" tili nang kasama niyang isa pang babae. "Mas gwapo kaya si Khaim nang Humss HAHAHA!!" "Pero masarap pareho" gatong pa nito. "Huyyyy alam mo ba, poganda daw yung kuya nila. Omgg" kinikilig na sitsit nang unang babae. "Oo beh, nakita ko nga yung sumikat niyang poster dito sa bayan nung lumaban siya." sabi niya nang biglang magkatitigan kaming tatlo. "Ahh...umm.. Hi??.." sabi ko nalang. Ngumiting may pagka-ackward at kinamot ang may pagka-mahabang buhok ko. Nagulat naman sila at natigilan. Mukhang hindi na nag fa-function ang utak nila. "Ummm..... ya'll ok?" Tanong ko dahil hindi talaga sila umiimik. Hala napano sila, tawag na ba ako ng 911? "Ang gwapo.." "Ang ganda.." "Huh??... may sinasabi kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa habang tumabingi nang konti ang ulo dahil hindi ko sila nadinig. Ano daw? parang tanga naman nang mga to, nag tatanong nang maayos eh. "Umm.. ahh..hahaha wala po... ahh your hello po hehe" nauutal utal na sabi niya. Ngumiti nalang ako at nagsimulang mag lakad papalapit sa kambal. Narinig ko naman ang tili nila kahit na malayo na ko sa pwesto kanina. Napano mga yun. Kinamot nalang ang batok. Nabaliw na siguro? Pagkadating ko sa pwesto nila Khass at Khai ay may inabot akong plastic bag na may tinapay at tubig. Magkatabi lang ang pwesto nilang dalawa dahil silang dalawa ang mag i-speech per strand. "Khass.. Khai" tawag ko na ika lingon nilang dalawa at iilang mga studyante. Tumango lang si Khass sa akin at kinuha ang plastic bag. Inabot niya naman ang tig isa nilang tubig at tinapay kay Khai. "Omg omg omg, si Pres Keiran!!" "Hala, oo nga!!!" "Kyaaaaa~" "Beh yung crush mo oh" "Hello po pres" bati nila habang tumitili. "Hi" bati ko naman tsaka ngumiti sa kanila. Pumula ang mukha nila. Ok lang ba sila? "Ano ba guys, nandito ako bakit kay kuya kayo tumitili?" biro ni Khai sa mga kaklase. "Syempre naman Khai palagi ka nalang namin nakikita tsaka hindi di mo alam na legendary yang kuya mo" isa sa mga kaklase niya. "Dahil sa kanya naging power house tong school natin in terms of theater kyaaaaa!" manghang sabi ng isa niyang kaklaseng lalaki gamit ang matinis na boses. Tumawa nalang ako sa mga pinagsasabi nila. "Osya una na ko Khai, Khass ibibigay ko lang to kila mom baka nauuhaw na sila." pakita ko sa isa pang plastic na may laman ding tinapay at tubig. Tinapik ko silang dalawa. Pagka abot ko kila mom at dad nang plastic bag ay dumaretso na ko ulit sa likod para duon manood. "Congratulation young master Khassius at young master Khaim!!" sigaw nang mga kamag anak namin at mga kasambahay kasabay nang pagsabog nang mga confetti nang mabuksan namin ang main door ng bahay. May tarpulin pang nakasabit at may nakasulat na 'Congtulations Khassius at Khaim!!' meron ding mga napakadaming mga pagkain ang nakahilera sa lamesa. Nandito ngayon sa sala ang iilang kamag anak namin para mag celebrate nang graduation nung dalawa. Nag-simano kaming tatlo sa mga tito't tita namin. Masaya namang bumati nang congratulation ang mga pinsan ko kila Khai at Khass. "Oh Keiran!! mesanting ka lalu" Gumwapo ka lalo sabi nang tito ko "King santing mung yan, atin naka sigurung pag lolwan." sa gwapong mong yan meron ka na sigurong nililigawan, dagdag niya pa. "Ala pa pu." Wala pa po, magalang na sagot ko naman dito. "Masanting a yan, manigaral ka pang masalese" Maganda yan, magaral muna nang maayos. "Opo tito" Humaba pa ang usapan namin at nag simula na ang iilang kwentuhan o chismisan nang mga tita pati na rin ang mga inuman ng mga tito ko. Umabot nang hating gabi ang celebration para graduation nag kambal. Nag simula nadin silang masiuwian. Ang iba naman ay dito na natulog at bukas nalang daw nang maaga aalis. Nang matapos ay nagtungo na ko sa aking kwarto para mag pahinga dahil naubos ang social batteries ko. Di'ko na kayang makipag usap o makipag halubilo pa sa iba. Daretso hilamos na ko para makatulog na, hindi ko na nga maigalaw nang maayos ang aking katawan dahil sa kalasingan. Makipag inuman ka ba naman sa mga tito mong sobrang lakas uminom hindi ka ba babaksak? Ang sakit nang katawan ko... Tangina naman... Dahil sa kanila tumaas ang tolerance ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis pa ko nang malambot na short at isang oversize t-shirt. Dahil sa taas pa ng tolerance ko sa alcohol ay kinaya ko pang mag bihis. Humiga ako sa malambot kong kama habang hinihintay kong dapuan nang antok. Oo nga pala sa makalawa na rin pala ang alis namin hindi pa ko nakaimpake ang mga gamit ko. Bukas ko nalang alalahanin yan dahil masakit at nahihilo pa ko. Konti lang naman ang dadalhin ko doon... ~_keiyuu~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD