"What the f**k, Cindy?! Bakit mo tinago sa akin? Bakit hindi mo sinabi kaagad?!" Nakasapu sa noo niyang sabi kay Cindy matapos niyang ilayo ito. Alam niyang hindi ito aalis kahit pa na pilit itong ipagtabuyan ng kaniyang mga magulang. Hindi niya alam ang mukhang ihaharap sa kaniyang asawa. Matapos niyang pilit na patunayan na totoo na ang kanyang motibo kay Rose at pagmamahal niya rito ay mawawala iyon sa isang iglap dahil sa nangyari ngayong araw. Hindi niya magawang tignan ito kanina. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. Lalo pa at hindi niya rin inaasahan na buntis si Cindy. Hindi pa sila nag-uusap nito. Wala siyang ideya kung anong nangyari kay Cindy matapos nilang maghiwalay. Tapos ngayon ay magpapakita ito para sabihin na siya ang ama ng ipinagbubuntis nito. "Anong gusto

