Nang mag-gabi, pagkatapos naming kumain at tapos na rin akong maligo. Naghanda na ako para makatulog na sa kwarto. Naiwan naman si Nicolas doon sa labas ng bahay. Kausap niya si Manong Mario. Nauna na lang ako rito sa kwarto namin dahil balak kong mauna sa pagtulog. Ito ang unang gabi na magkatabi kami na mayroong siyang malay, hindi siya tulog at normal ang pakiramdam niya. Namula ako nang maisip ko na sobrang liit nga pala ng kwartong ito. Kailangan pa naming magdikit para lang magkasya kami rito. Bakit iba yata ang naramdaman kong tensyon habang iniisip ko na magkasama kami ni Nicolas sa pagtulog ngayong gabi. Hindi naman ito ang unang beses pero tila ngayon lang nag-sink-in sa isipan ko na magkatabi kami. Kahit hindi ako inaantok pinilit ko talagang makatulog. Hanggang sa hindi

