Basang-basa na ako dahil sa buhos ng ulan. Pero buo pa rin ang tiwala ko na babalikan ako ni Nicolas kung saan niya ako iniwan. Hanggang sa makita ko rin ang pigura niya palapit sa akin. His also soaking wet. Mapupungay ang mga mata niya, pagod ang emosyon na bumakas sa kanyang itsura. Napangiti ako nang malawak nang maglakad siya palapit sa akin. Mabilis akong tumayo para salubungin siya. Bumuhos lalo ang luha ko nang makita ko na may hawak siyang bouquet of flowers. "B-Bakit ngayon ka lang? Where have you been?" Humagulhol ako sa kanyang balikat. "I'm sorry wife... Natagalan ako sa pagbili ng bulaklak." Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang ungól niya na tila ba may masakit sa kanya. Hirap din siya sa pagsasalita. Nang titigan ko siya nang maigi, namumutla ito at magulo ang ka

