CHAPTER 3: Boss

3227 Words
Hindi mo talaga ramdam ang pagsisi kung nasa mismong sitwasyon ka pa nang mga pangyayari pero kapag nagawa mo na ang mali. Alam mo sa sarili na huli na ang lahat para tanggapin ang maling kasalanan. Nagising ako sa madaling araw na sobrang sakit ng ulo ko. Ramdam ko ang mabigat na kamay na nakapatong sa puson ko. Natutop ko ang bibig sa sobrang panginginig nang makita kong wala akong suot maski isang saplot. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Kahit lasing ako, alam kong isang pagkakamali na sinuko ko sa isang lalaki na hindi ko naman masiyadong kilala. Mabilis akong tumayo, dahan-dahan lang ang pag-angat ko sa sarili. Sakto lang para hindi ko magising ang lalaking naka-onr night stand ko kagabi. Sising-sisi ako kung bakit nagpadala ako sa mga halik niya. How stupid am I just giving up my purity to this man. Of all the people...Bakit siya pa...Bakit ang kaibigan pa ng ex-boyfriend ko. This is really embarrassing. Hindi ko na nga magawang balingan si Nicolas Parker dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Kailangan ko nang makaalis rito sa kwarto sa lalong madaling panahon bago pa mag-umaga at magising ang lalaking alam kong katawan lang ang habol sa isang babae. Hindi ko alam kung ano'ng kahihiyan ang dinulot ko sa sarili. Pinatulan ko lang naman ang kaibigan ng ex-boyfriend ko. Sa kanyang best friend ko pa isinuko ang bataan gayong hindi ko naman ito sinuko sa mismo boyfriend ko. Pero nangyari na...I can't change everything. I felt so little to myself. Kahit ramdam ko ang pagkahilo, hindi ko na lang inalintana na may hang over pa ako. Paika-ika rin ang lakad ko subalit ramdam ko ang panghahapdi sa aking gitnang bahagi. Bawat hakbang ko sa aking paa, animo'y paralisado akong naglakad sa hallway ng Hotel. Para akong binudburan nang asin habang naghihintay na makaalis ako sa Hotel na iyon. I face palm problematically. Sana hindi ko na makikita pa ang lalaking iyon. Wala akong mukhang maiharap sa kanya. Labis akong nahihiya sa kagagawan ko. I'm so flirty with him last night, it's so very embarrassing. Parang hindi ko kilala ang sarili sa tuwing naalala ko ang kagagahan ko. "Iha, kailangan mo nang pumunta ng New Zealand, today is your flight. Why are you still sleepin," sabi ni Mommy nang ginising niya ako sa aking higaan. Buong araw tulog ako subalit pagod na pagod ako nang makauwi ako sa Hotel. Muntik ko nang makalimutan na flight ko pala bukas patungo sa New Zealand dahil doon na ako titira. Doon maghahanap ng bagong kapalaran. Hindi ako pupunta doon para mangarap kundi pumunta ako roon dahil may malaki akong rason. "Okay, Mom...I'll prepare myself then." Kahit pagod pa ang katawan ko dahil hanggang ngayon hang over pa ako. Pinili kong magbihis at mag-ayos sa aking sarili ngunit habang tinitigan ko ang sarili sa salamin. Bigla kong naalala ang nangyari sa amin ni Nicolas kahapon noong gabi. "Arg! I need to forget those kisses and his moaned! Get off! Get off in my head Nicolas!" Nagsisigaw ako sa loob ng banyo. Gusto kong iwaglit sa isipan ko ang lahat ng iyon. Pinilig ko ang ulo para mawala sa isipan ko ang ginagawa namin sa Hotel. Heck! What am I doing to myself. Sunod-sunod yata ang kamalasan sa buhay ko. Una, niloko ako ng kaibigan ni Nicolas na sa Greg, sa mismong bestfriend ko pa. Tapos pangalawa sinuko ko ang virginity ko sa masungit na lalaking iyon. Well, he's a mysterious guy. Mahirap mong malaman kung ano'ng iniisip niya. Alam ko rin na walang pakialam iyon sa mundo. Mabuti na lang talaga aalis na ako rito sa Pinas. Lilipat na ako sa New Zealand para doon maghahanap ng magandang opportunity. "Give me a cappuccino," sabi ng customer habang nakatitig sa akin. His blue ocean eyes were so deep. "Please wait for a moment!" Ngumiti ako sa lalaki. Binigay ko sa bartender ang order ng costumer, Minsan tumutulong na rin ako sa paggawa ng coffer lalo na't sobrang daming costumer sa Cafe. "Here's your order." Binigay ko ang order ng isang lalaki na mag blue na mata nang matapos kong gawin ang kanyang order. Kinuha niya ito at nagulat na lang ako nang sumigaw ang puti na americano. "This is not my order. I've waited here for a couple of minute just to get a wrong order! I want you to change this woman. Fire her or else this store will close permanently!" Sumigaw ang customer nun sa mismong mukha ko. Napapikit na lang ako nang mariin. Sa araw na iyon tinanggal ako ng manager sa trabaho dahil lang nagkamali ako ng pagbigay ng coffee. "He is our regular customer here. We don't want to lose a loyal customer so we want you to leave the Cafe. Please find another job, Melissa." Umuwi akong luhaan sa aking tinitirhan na apartment. In just a snap. Nawala ang pinagka-iingatan na trabaho. Tinawagan ko agad si Mommy para malaman niyang sisante ako sa Cafe na pinatrabahuan ko. "Anak, huwag mong pagurin ang sarili kaya siguro blangko ka palagi sa trabaho dahil kulang ka sa tulog. Alam mo namang importanti iyon. You should rest. Okay lang kami rito." Habang tinitigan ko si Mama sa screen ng cellphone. Gusto kong umiyak dahil sa kalungkutan. "Mom, I need to work hard. Paano na lang kayo?" Umiiyak na rin si Mommy habang pinagmasdan ko sa screen. After one year na pananatili ko rito sa New Zealand. So far maayos naman ang buhay ko rito. Nagtatrabaho ako sa isang Coffee shop. Tatlo ang trabaho ko rito, tuwing umaga nasa coffee shop, sa tanghali nasa restaurant at sa gabi isa akong Hotel housekeeping. Kinakaya ko ang lahat dahil kailangan namin ng pera. Simula noong ma-bankrupt ang negosyo ni Daddy at namatay ang ama namin sa sakit. Ako na lang ang mag-isang nagtaguyod sa pamilya namin lalo na't nanghihina pa si Mommy. May iniinda rin siyang sakit kaya hindi niya kayang asikasuhin ang business ni Daddy hanggang sa mawala ang lahat ng pinaghirapan dahil binenta namin ang lahat ng properties subalit wala na kaming panggamot kay Mommy, at kailangan niya ng lifetime naa pagamutan dahil sa sakit na cancer. "Mom, kailangan kong magsipag dahil sa gamot niyo. Meroon pa kayong chemo teraphy buwan-buwan." Pinahid ko ang luha. "Tapos ang liit pa ni Vanessa. She's still in grade school. May sakit rin ang kapatid ko sa puso. Kailangan kong kumayod para magkapera lang dito." Alam kong nahihirapan na rin si Mommy habang nakikita niya ako na palaging babad sa trabaho sa abroad. Ngunit ano'ng magagawa ko kung malaki ang sahod rito kompara sa Pilipinas. Kailangan ko rin magsipag. The more work that I do, the more I get a lot of money. "Pasensiya ka na anak kung sa'yo kami umaasa ng kapatid—" "Mom, don't think about it. Ako na ang bahala sa lahat. Gagawa ako ng paraan nang sa ganoon gumaling kayo. Mabilis lang naman makahanap ng trabaho dito sa NZ." "Paalala ko lang sa'yo, huwag mong pababayaan ang sarili." "Yes, Mom. I'll be fine here." Nagpatuloy ang pananatili ko sa New Zealand, tiniis ko ang pagkamiss kay Mommy at sa kapatid ko. Umabot na ako ng isang taon rito. Ngayon pa ba ako susuko? Hanggang sa isang araw, habang naglilinis ako sa Hotel room na pinagtatrabahuan ko. Biglang namatay ang lahat ng ilaw. Akala ko nagkaroon lang ng power shortage at babalik agad. Lalabas na sana ako ng Hotel room para itanong sa mga kasamahan ko kung ano'ng nangyari ngunit biglang may tumakip sa bibig ko at may pina-amoy sa akin hanggang sa nawalan ako ng malay. NAGISING...ako sobrang sakit ng ulo ko at parang mabibiyak. Ramdam ko rin ang labis na pagkagutom at pakiramdam ko uhaw na uhaw ako. I can also feel the daziness. Pagmulat ko sa aking mata, isang hindi familiar na kwarto ang nadatnan ko. Mataas ang ceiling at mayroong chandelier. Sa gilid ko may flower vase at lampshade sa ibabaw ng bed side table. Sobrang lambot din ng kama at sobrang laki. Agaran akong bumangon nang mapagtanto ko ang nangyari sa akin. May lalaking nagtakip sa bibig, matikas na lalaki at may pina-amoy sa akin kaya nawalan ako ng malay. "Nasaan ako?" nanginginig kong tanong sa aking sarili. Wala akong makitang bintana rito sa kwarto. Sobrang plain din, walang mga palamuti. Mabilis akong bumaba sa kama para tumungo sa pintuan. Kinalampang ko ang pinto at sumigaw nang paulit-ulit. "Ilabas niyo ako rito! Sino ba kayo!' sigaw lang ako nang sigaw subalit hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko lalo na't hindi ko alam kung sino ang kumidnap sa akin. Nasa New Zealand pa ba ako? Nasa loob ng Hotel nang pinagtatrabahuan ko? I have a lot of questions in my mind, but because of fear. I started crying. I was losing hope. But I never give up. I keep on shouting until I heard a footstep. Umiikot ang seradura. Ilang saglit pa biglang bumukas ang pintuan. Bumungad sa akin ang lalaking may hawak na baril. May balbas ang kanyang mukha, matikas ang katawan. Nakasuot siya ng itim na damit. Nakakatakot siyang tingnan dahil bukod sa kanyang seryosong mukha, may baril ding nakatutok sa akin. "Ilabas niyo ako rito!" sigaw ko. Susugurin ko sana ang lalaki pero natigil ako sa sinabi niya. "Hindi ka makalabas rito hangga't hindi pa dumating si bossing...Kailangan mong tumahimik kung ayaw mong mamatay!" Umatras ako nang tinutukan niya ako ng baril sa noo. Parang lalabas ang puso ko. Nagtaka ako dahil nagta-tagalog ang lalaki. What does it mean? All I know, I'm in New Zealand purong English ang wika ng mga taong nandoon. "Nasaan ako? Saan niyo ako dinala?" sigaw ko sa lalaki. "Saka nasaan ba ang lugar na ito?" "Nasa Pilipinas ka...Kahapon dinala ka rito ni bossing." "Teka bossing? Sino ba ang boss mo?" Hindi siya sumagot bagkos pinagsaraduhan niya ako ng pinto. Muli kong kinalampang ang pinto. "Palabasin niyo ako, parang awa niyo!" Hindi ako matigil sa kasisigaw. Hanggang sa mapagod ako. Na upo na lang ako sa sahig. Pinadkit ko ang dalawang paa habang humihikbi. I was praying that hoping someone would save me. Lumipas ang tatlong araw, wala pa ring nangyayari sa akin sa loob ng kwarto. Kahit magsisigaw ako ng todo hindi talaga nila ako pinapansin. "Kumain ka na.." sabi na naman noong lalaking unang nakilala ko rito sa lugar. "Hindi ako kakain!" apila ko. Binibigyan pa rin nila ako ng pagkain sa kabila ng katigasan ng ulo ko. Noong una tinatapon ko ito pero noong lumipas ang dalawang araw. Wala akong magawa kundi ang kumain para magkaroon ako ng lakas. Gabi-gabi umiiyak ako. Namimiss ko na si Mommy at si Vanessa, hindi ko na sila nakakausap. Ayaw ko pa namang mag-alala ang Mommy ko sa akin. Baka lumalala ang sakit niya. Ano na lang kaya ang iisipin ni Mommy gayong hindi na kami nag-uusap. Apat na araw na yata akong nakakulong sa kwartong hindi. Maski cellphone, mga gamit na pwede kong gamitin para manghingi ng tulong hindi ko dala. Sa kalagitnaan nang pag-iisip ko biglang bumukas ang pintuan. Bumungad na naman sa akin ang lalaking nakasuot na itim na T-shirt. Iyong lalaking may mahabang bigote. Ngunit sa pagkakataon na ito may kasama siyang dalawang lalaki na pareho din niya ng suot. "Kunin niyo na siya... Lagyan niyo ng posas nang sa ganoon hindi makatakas ang babaeng iyan," seryosong utos niya sa dalawa niyang kasamahan. Umiyak naman ako dahil sa takot. Baka ano'ng gawin nila sa akin. Umatras ako nang maglakad sila palapit sa akin. "Saan niyo ako dadalhin! Bitawan niyo ako!" Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nila sa aking braso. Ngunit dahil malalaki ang kanilang katawan nagtagumpay silang kaladkarin ako palabas ng kwarto. Nagsimula na akong umiyak. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko lalo na't puro mga lalaki ang kasama ko ngayon. Ngayon na ba ang katapusan ng buhay ko? Are they going to sell my organs? Sila ba iyong nauuso na sindikato na kumukuha ng lamang loob? "Parang awa niyo na, huwag niyo akong saktan!" Nawalan na ako nang pag-asang makatakas. Ang daming armadong mga lalaki sa paligid. I can't escape easily in this place. "Bitawan niyo sabi ako!" I shouted more. Hindi sila nagsasalita. Basta na lang nila akong dinala sa isang hallway. Hindi na klaro sa akin ang buong bahay dahil mas iniisip ko ngayon ang balak nilang gawin sa akin. Hanggang sa mapadpad kami sa isang malaking kwarto. Mas malaki pa sa tinutuluyan ko. Akala ko itatali nila ako rito pero pinasok nila ako sa banyo na kompleto sa kagamitan. "Maligo ka at linisin mo ang sarili mo...Ngayong araw uuwi si bossing. Gusto niya malinis ka niyang makita," sabi ng lalaki pagkatapos tinanggal niya ang suot kong posas sa kamay. Sinubukan ko pa ring pumalag para lang makatakas ngunit natigil ako nang pinutok niya sa pader ang baril. Nanlaki ang mata ko sa lakas ng tunog. Tinakpan mo ang tenga at dumutdot ako sa pintuan para magtago. "Makinig ka sa bawat utos namin...kung ayaw mong mamatay!" seryoso niyang sabi. Pinagsaraduhan na nila ako ng pinto ng banyo. Umiiyak na lang ako dahil sa labis na takot. I've never heard a gun for my entire life. I've never been into this dangerous life. Ngayon lang nangyari sa akin ang ganito. Kahit labag sa loob ko ang sumunod sa utos nila. Ginawa ko pa rin ang maligo sa kabila nang panginginig ko. For the whole, I was sobbing. Hindi ako pwedeng mamatay ngayong araw lalo na't inaasahan ako ni Mommy. Ayaw kong mamatay na walang nakakaalam sa nangyari sa akin. Ang kailangan kong isipin ngayon ang makatakas dahil wala talaga akong magagawa kung palagi akong magmakaawa sa kanila. Hindi rin naman sila naawa sa akin, bagkos mas tinatakot pa nila ako. Nilinis ko ang katawan, naglagay ng shampoo, conditioner at ilang beses akong nagsabon sa katawan. Kompleto sa kagamitan ang banyo kaya hindi ako nahihirapan na linisin ang sarili. Pagtingin ko sa aking sarili sa salamin. Nawala na ang madungis kong mukha, bumalik sa normal ang istura ko na maaliwalas at natural ang pagkaputi. Hindi ko maitatago ang mugto ng mata ko. My lips were trembling now but I need to fight this. Akala ko naka-abang pa rin ang tatlong lalaki sa labas ng banyo ngunit nang mabuksan ko ang pinto, wala sila rito. Sa malaking kama may damit na nandoon. Isang simpleng T-shirts at shorts. Sinuot ko iyon kahit maluwag sa akin. Natatabunan din ang suot kong shorts dahil sa haba ng T-shirt. Panglalaki yata ito dahil sa haba nito. Mabango naman ang damit kaya comfortable na rin akong isuot. Pumunta ako sa pintuan. Sinubukan ko itong buksan ngunit naka-lock. Ilang beses kong inalog pero wala talagang pag-asa na makalabas ako rito. Huminga na lang ako ng malalim saka naghanap ng ibang paraan nang sa ganoon makatakas ako. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Napansin ko ang malaking kurtina at may maliwanag na sinag akong namataan. Agad akong lumapit sa kurtina at binuksan. Ganoon na lang ang panghihina ko nang makitang nasa ikatlong palapag ako. Isa itong glass door at may veranda sa labas. Sinubukan kong buksan ngunit naka-lock ito. Sinilip ko ang ibabang bahagi. Nakita ko ang malapad na kalsada at puro mga kahoy ang bawat madadaanan. Sa unahan, mga puno at bundok ang masisilayan ko. Wala man lang akong nakitang mga bahay. Mukhang pinalibutan ang malaking bahay na ito ng kagubatan. Kung ganoon. Nasa kalagitnaan rin ito nang kabundukan? I saw a lot of greenish mountain around the area. Paano ako makatakas sa malaking bahay na ito lalo na't napansin ko sa labas pa lang ng matayog na bakal na gate may mga nagbabantay na at marami silang baril. They were monitoring every part of the house. Sa isang iglap lang pinanghihinaan ako ng loob. Naiyak na naman ako sa sitwasyon ko ngayon. I couldn't escape here. This is so hard for me. Bumalik ako sa malaking kama, humiga ako roon at umiyak na naman. Ano'ng kapalaran ang naghihintay sa akin dito? Who's the mastermind to all of this? Sumapit ang gabi. Pumasok ang apat na lalaki para kaladkarin ako. Pinasuot na naman nila sa akin ang posas sa kamay pagkatapos dinala ako sa ibabang parte ng bahay. Para kaming nasa underground dahil dumaan kami sa hagdanan patungo sa pinaka-ilalim ng bahay. "A-ano'ng gagawin niyo sa akin? Let go of me!" I tried to escape but as I have said, they were so strong. Sobrang lakas ng tibók ng puso ko lalo na't dinala ako sa parang basement. Pinaupo nila ako sa isang mono block, sa may pinakagitna mismo ng basement kung saan may spotlight na ilaw. Hindi ko nakikita ang paligid dahil sa sobrang liwanang ng ilaw na tumama sa akin. "Pakawalan niyo ako, please...Ibibigay ko ang perang gusto niya basta pakawalan niyo ako." Sinubukan kong tumayo pero nakita kong may mga baril ang nakatutok sa gawi ko. Ramdam kong nasa paligid lang sila. "Magkano ba ang gusto niyo? Ibibigay ko!" I started crying. Hirap akong huminga dahil sa takot ko. Hanggang sa maninag ko ang tindig ng lalaki na lumapit sa akin. Dahan-dahan siyang nagpakita sa maliwanag na parte. Hindi ko pa masiyadong makita ang kanyang mukha dahil sa suot nitong itim na sumbrero. He's also wearing a black leather jacket, black pants and a black belt. May mamahalin siyang black watch sa kanyang pulso. "S-Sino ka? Ikaw ba ang boss dito? Gusto mo ba ng pera kaya mo ako kinidnap. Gagawa ako ng paraan para ibigay sa'yo." "I know you don't have enough money for your ransom,Melissa." Kinilabutan ako sa baritono niyang boses. Bahagya siyang nakayuko kaya hindi ko klaro ang mukha nito ngunit parang narinig ko na ang boses niya. And how come he knows my name? "S-sino ka ba? P-Pakawalan mo ako...Alam kong kaya kong bayaran ang buhay ko, bigyan mo lang ako ng p-panahon." My voice cracked. Unti-unti niyang inangat ang mukha para titigan ako nang mariin. Labis na lang ang takot ko nang makita ang lalaking nasa harapan ko ngayon. "N-Nico....Nicolas?" nginig kong bigkas. Namutla ako nang makasalubong ang madilim niyang mga mata. He walk slowly. Bawat yapak niya palapit tumatambol ang puso ko sa kaba. "Kahit bigyan kita ng pagkakataon na ibigay sa akin ang pera para bumalik ka sa pamilya mo. Alam kong hindi mo kayang ibalik ito ng buo." "A-ano'ng ibig mong sabihin? Ano'ng ibabalik ko, Nicolas? Wala akong utang sa'yo!" galit kong turan. Yumuko siya para pantayan ang mukha ko. Nang magtitigan kami sa nag-appoy niyang mata para akong mapapaso. Tumigas ang kanyang panga. His eyes were cold as ice. "Just for the sake of money. Binenta ka ng ina mo sa halagang dalawang bilyon." Umawang ang labi ko. Parang tumigil ang mundo sa pagkat hindi ko akalain na magagawa ni Mommy ang ganoon. Ang hirap paniwalaan. "H-Hindi totoo ‘yan...H-Hindi..." iniling ko ang ulo. Sunod-sunod ang luhang tumulo sa aking mga mata. Pinisil ni Nicolas ang pisnge ko. "Kung gusto mong bumalik sa pamilya mo. Alam kong ibabalik ka pa rin nila sa akin dahil buhay nila ang kapalit kung lalayas ka sa puder ko. You better behave or I will shoot you on the head. You choose?" Namutla ako nang tinutukan niya ako ng baril. Wala akong magawa kundi ang humikbi na lang habang iniisip kung ano ang magiging kapalaran ko sa buhay ni Nicolas. Ngayong nagkita ulit kami, what will happen now?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD