"Sit here..." Nanlamig ang mukha ko nang sumenyas si Nicolas na maupo raw ako sa kanyang tabi. "Make it faster!"
Naigtad ako nang maubos ang pasensiya niya sa pagkat nakatitig lang talaga ako sa kanya. Natatakot ako ngayon pero kailangan kong labanan ang takot nang sa ganoon, hindi ako pahihirapan ng lalaking ito.
Pinuno ko muna ng hangin ang dibdib saka sinunod ang utos niya. Pagkaupo ko sa kanyang tabi, nasagi ko ang kanyang siko. I sit straight when Nicolas clears his throat.
"Sino sila, Nicolas? Ano'ng ginagawa ko rito?" takha kong tanong saka tinuro ko ang dalawang matanda sa harapan.
"They were attorney and judge. Let's just listen to them," walang ganang turan ni Nicolas. He seems bored when he looked at me.
Nagkasalubong ang dalawa kong kilay. Sumulyap siya sa akin saglit pagkatapos iniling ang kanyang ulo. Tiim bagang niyang pinagmasdan ang dalawang matanda.
"Iha, hindi na natin patagalin ito. Nandito ako as a witness."
Bumaling ako sa judge nang sinabi niya iyon. Nagtaka na talaga ako subalit hindi ko alam kung bakit sila nandito.
"Witness? Saan?" I asked confused.
May nilapag na folder iyong attorney. Binigyan niya rin kami ng ballpen.
"Ngayong nandito na ang babaeng papakasalan mo, iho. Pwede na kayong pumirma sa marriage contract niyong dalawa. Ako na ang bahalang magrehistro para magiging valid ang kasal niyo sa ganitong paraan."
Parang na pantig ang tenga ko nang marinig ang sinabi ng isang Attorney na nasa harapan namin.
Binalingan ko si Nicolas sa aking tabi. Puno ng katanongan ang titig ko sa kanya.
Kalmado pa rin itong nakatitig sa dalawang matanda sa aming harapan. Madilim ang kanyang awra at ang kanyang ekspresyon matatakot ka talaga.
"Is that it?" Nicolas asked using his cold baritone voice.
"Yes, Mr.Parker...Kapag na pirmahan niyo na ang marriage certificates. Legal na mag-asawa na kayo," sabi naman noong isang matanda.
Namanhid na yata ako bagama't hindi ko inaasahan na ito ang pinaplano ni Nicolas.
"Teka...Hindi ko maintindihan, Nicolas. Ano'ng sinasabi nila? Bakit tayo ikakasal? Are you crazy?" Hysterical ang reaction ko.
"Just signed the marriage certificate, Melissa. Stop asking." Kinuha ni Nicolas ang isang folder at may pinirmahan siya roon.
"Hindi ako magpapakasal sa'yo...Hindi ako papayag na mapunta lang ako sa lalaking kagaya mo!"
Tatayo na sana ako para iwanan siya roon ngunit natigilan ako nang hinawakan niya ang pulso ko at pwesahan na pinaupo sa kanyang tabi. Bumagsak ang pwet ko sa sofa. Ngumiwi ako sa sakit ng aking balakang.
"Ano ba'ng problema mo? Hindi ka pa ba nakuntento na binili mo ako tapos ngayon balak mo pang magpakasal tayo? Ang kapal ng mukha mo!" galit kong sigaw.
"I want your to sign the goddamn paper...Or else, you want to die right now." Naglapag siya ng baril sa ibabaw ng centered table.
Nanlaki ang mata ko, pati ang dalawang matanda sa harapan namin gulat na gulat at natakot sa baril. Pinanliitan ko siya ng tingin.
"Iha, pirmahin mo na ito para makaalis na kami," sabi ng attorney.
Nagdadalawang isip pa ako. Hindi ko alam kung sundin ko ba ang takot ko at papayag na lang na magpakasal kay Nicolas. O tatakas ngayon at alam kong paparusahan niya ako pag nahuli niya.
"Sign the paper... That's fúcking it and we're done!" mariin niyang sabi.
"Nicolas, H-Hindi...A-ayaw kong magpakasal sa'yo. Please, huwag mo akong pilitin sa desisyon na sobrang hirap." Umiyak na lang ako subalit wala talaga akong choice. Kahit magtapang-tapangan ako ngayon. Siya pa din ang masusunod.
There's a possibility na mamatay ako ngayon kung susubukan kong tumakas.
"Kung hindi mo kayang pumirma. Mabilis akong kausap....Isang utos ko lang sa mga tauhan ko. Isa sa pinakamamahal mong tao ang mamatay ngayong araw."
Umawang ang labi ko. Para akong na ipit sa sitwasyon na wala akong kawala.
"Walanghiya ka! Paano mo nagawa sa akin ito? Mas masahol ka pa sa kaibigan mong si Greg!"
Umigting ang kanyang panga nang marinig ang pangalan ng ex-boyfriend ko. He tilted his head so that he can looked at me darkly.
"What did you just fúcking said?" mariin niyang tanong na para bang isang pagkakamali ko lang ng sasabihin pwede niyang sirain ang buhay ko.
I snorted. Kinuha ko ang pulso na mariin niyang hawak. Matapang ko siyang tiningnan sa mga mata.
"Kung alam ko lang na ganyan ka kawalang puso...Sana noong gabi na niloko ako ni Greg, hindi ako nagpadala sa'yo...Hindi ko sinuko ang sarili ko sa katulad mo."
"Shút the fúck up!" he hissed angrily. Namula ang kanyang mga mata. "Ayaw kong naririnig sa bibig mo ang pangalan niya. From now on, you will only mention my name. Nothing else," he possessively said.
I've never been seen him so much angry like this for the past few days. I know trigger his anger now.
Tinikom ko ang bibig saka umiyak nalang ulit. Iniling ko ang ulo nang paulit-ulit.
"A-ayaw kong magpakasal sa'yo...Ayaw kong mapunta sa lalaking kagaya mo."
"Fine...be a hard headed, woman. As your consequences. I will kill your sibling Vanessa. This is what you want right?"
Naglabas siya ng cellphone. May pinindot siya roon, bago pa masagot noong taong tinatawagan niya. Agad kong inagaw sa kanya ang cellphone saka nilayo upang hindi niya makuha.
"Ganyan ka na ba talaga ka desperado na makasal sa akin? Papatay ka ng tao para lang makuha ang gusto mo?"
He looked at me mercilessly. Dahil mabilis ang galaw niya nakuha niya pabalik sa kamay ko ang cellphone nito. In just a snapped jaw dropped.
"Maybe I'm just desperate right now because I don't have the time to your fúcking bullshits, woman...Killing your sibling is not that bad. Maybe she is the key for you to marry me."
Malakas na sampal ang tumama sa kanyang pisnge dahil labis na talaga ang galit na nadarama ko. Hindi ko inalintana kung magkaroon ulit ako ng punishments basta gusto ko siyang saktan ngayon.
Naiinis ako dahil effective ang pananakot niya ako. Of all the consequences, ang kahinaan ko pa ang ginawa niyang collateral.
"How dare you, Nicolas...Kahit magpakasal ako sa'yo ngayon alam kong hindi kita mapapatawad at kahit sa kamatayan ko, ibabaon ko ang kasalanan mo sa akin. I won't forget this day on how your provoke me!"
Pagkasabi ko nu'n, kinuha ko ang ballpen sa lamesa saka pinirmahan ang papel. Wala na akong choice dahil ayaw kong mapahamak ang maliit kong kapatid dahil lang sa kawalanghiyaan niya.
Alam kong gagawin niya talaga ang gusto niya dahil napatunayan niya ito noong tatlong araw niya akong hindi pinakain.
"Ayan! Sana masaya ka na!" Sinalampak ko sa kanyang dibdib ang marriage certificate pagkatapos tumayo ako para iwanan na siya sa living area kasama ang dalawang matanda.
Hindi naman niya ako pinigilan na makaalis roon. Dire-diretso ang pagtakbo ko sa kwarto, kinulong ko ang sarili. Umiyak ako nang malakas.
I don't really know what will happening to me after I signed the paper. He made me force to marry him. And I couldn't do anything about it.
Naisip ko pa lang na may asawa ako na kagaya niya. Ang hirap tanggapin sa part ko.
"Melissa, open the door!"
Nanlamig ang katawan ko nang marinig ang boses ni Nicolas sa labas ng pinto, tinatawag niya ang pangalan ko nang paulit-ulit.
Dahil masama ang loob ko sa kanya. I didn't want to hear his voice so I covered my ears through the pillow and cried out loud.
Totoo ba na kasa na ako? Ganoon lang ba iyon? Is that really my worth? Hanggang papel lang ba talaga?
Paano na Ang dream wedding ko? Paano na ang kagustuhan ko na makasal sa simbahan? In just a snap it was vanished.
Para akong nabingi sa sarili kong pag-iyak. Nagulat na lang ako nang may humablot sa unan na nakatakip sa tenga ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang galit na galit na pagmumukha ni Nicolas.
"Did you just slap me again?" Hinawakan niya ang dalawang balikat ko. Mariin ang kapit niya habang nasa ibabaw ko siya. Pinantayan niya ang mukha ko at sobrang lapit ng titig niya sa akin.
Para akong nakakita ng multo dahil nanlaki ang mata ko. Hindi ako makasagot, tanging mga luha ang naging reaksyon ko.
"You didn't listen to me, Melissa...Gusto mo talagang nahihirapan ka."
Pagkasabi niya nu'n, laking gulat ko nang tinangkas niya ang suot kong dress nang walang pagdalawang isip. Nagkaroon ng punit ang bandang dibdib. My bra are showing in front of him.
I was shocked on his sudden move. Hindi ako maka-imik agad. I would not expect that he will gonna tear the nice dress.
"Nicolas, ano'ng ginagawa mo!? Hindi ka pa ba nakuntento na nagpakasal ako sa'yo nang sa pilitan tapos ngayon gusto mo akong galawin!"
Animo'y nabuhay ang katawan ko dahil nagkaroon ako ng lakas para itulak siya palayo sa akin. Tinakpan ko ang dibdib gamit ang comforter. I wrapped my body. Umiiyak na ako nang malakas bagama't natatakot ako na baka galawin niya ako nang tuluyan.
"You don't want trouble, then behave and do what I say!"
Tiningnan ako ni Nicolas gamit ang iritado niyang titig. Kumuyom ang kamao niya saka mabilis na hinablot ang comforter na niyakap ko sa aking sarili.
"Walanghiya ka! Hindi kita mapapatawad kong may gawin ka sa akin ngayon!" matapang ko siyang tiningnan kahit pa hindi ko na alam kung paano ako makakatakas sa sitwasyon na ito.
He is so strong. Nahihirapan akong pigilan siya sa kanyang ka demonyohan mag-isip.
Mukhang desidido talaga siya na galawin niya ako nang walang pagdadalawang isip.
"Come here!"
Hindi pa ito nakuntento, hinila niya ang dalawang paa ko saka pinahiga ako pabalik sa kama. Pinatid ko siya, pilit akong tumakas.
"Asawa na kita...Pwede ko nang gawin ang lahat ng gusto kong gawin sa'yo...including, owning your body." Pagkasabi niya nu'n agad niya akong dinaganan saka hinawakan ang dalawa kong kamay para hindi ako makagalaw.
He pinned my two arms above my head and he started kissing my neck. He sucked my skin and harshly bite every inch. Naka-ilang pasinghap ako sa pagiging marahas nito.
"Nicolas, huwag... please, maawa ka...Huwag mong gawin sa akin ito!"
Kahit ano'ng gawin kong pagpumiglas hindi talaga ako makagalaw dahil sobrang lakas nang kapit niya sa pulso ko. Inipit niya rin ang dalawa kong binti sa kanyang paa nang sa ganoon hindi ko magalaw ang katawan.
He bit my earlobe. I can feel his heavy breathing while he tried to say something on my ears.
"This is your last warning, Melissa. If you keep on messing around, I won't regret punishing you like this."
Binitawan niya ako at mabilis siyang tumayo. Inayos niya ang sarili habang hindi iniiwas ang tingin sa akin. Nakahinga ko nang maluwag dahil hindi niya tinuloy ang binabalak.
Agad naman akong pumunta sa headboard para makalayo sa lalaki. Hinila ko ang comforter sa may paanan at tinakip ko ulit sa aking katawan. I'm literally shaking in fear.
The way he stared on me, he's like a merciless man that I couldn't imagine.
"G-Gusto ko nang umuwi, Nicolas. Bakit mo ba ginagawa sa akin ito? B-Bakit?" paos kong tanong. Sinubukan kong magpakawala nang mabibigat na paghinga.
"Tinatanong mo pa talaga ‘yan pagkatapos mo akong iwan doon sa Hotel na tinutuluyan ko."
Suminghap ako nang bigla niyang inungkat ang nakaraan kung saan, sinuko ko ang sarili dahil sa kalasingan.
"Ano naman ngayon? Is that a valid reason para takutin mo ako nang ganito? Isa pa, it was a mistake. Lasing ako, hindi ko alam ang ginagawa ko no'n."
"That's not the only fúcking reason, Melissa. You step my ego, ayaw ko sa isipan na basta-basta mo na lang akong iniwan pagkatapos nang nangyari sa atin, at hirap akong hagilapin ka dahil lumuwas ka ng ibang bansa. Do you think, you can escape again?" He looked at me mercilessly. He shrugged his shoulder before he put his hand in his pants pocket. "Now that we're married. Expect that something will change on your life. You're not just a normal person from now on. Your life will be always in danger."
"What do you mean, Nicolas? What do you mean that I'm always in danger?"
"It's for you to find it out."
After that he leave me dumbfounded.