Maraming pumuri sa ginawa kong cookies at cupcake, isa na roon si Nicolas na masiyadong proud sa mga tauhan niya na ako raw ang nagluto nu'n. Hindi mawala-wala ang ngiti ko sa pagkat napupuno ang puso ko ng kaligayahan lalo na't may napasaya ako sa ginawa ko. Pagtingin ko kay Edcel. Pansin kong nakatitig siya kay Nicolas. Hindi rin siya kumakain sa cookies na ginawa ko. Nandoon lang siya sa isang sulok, nanonood sa amin habang nagkasiyahan. Nagpaalam muna ako kay Nicolas na maiwan ko muna siya dahil lalapitan ko lang si Edcel. Dinala ko ang Tupperware ng cookies at cupcake. Naglakad ako patungo kay Edcel. Nang mapansin niyang palapit ako sa kanya. Nawala ang atensyon niya kay Nicolas. Seryoso niya akong tiningnan. Nakangiti ko namang nilahad sa kanya ang Tupperware kong dala. "

