Tatlumpu’t walong araw na lang. Ngayong araw, nagsimula na kaming mag-impake. Hindi pa naman agad kailangan, pero sabi ni Elli gusto niyang unti-untiin para hindi raw siya ma-overwhelm. Ako naman, pumayag. Pero sa totoo lang, ako ang mas nao-overwhelm. Nakatayo ako sa harap ng aparador niya habang nakabukas ang dalawang maleta sa kama. Malalaki. Kulay itim. Parang masyadong seryoso para sa batang minsan ay nag-iimpake lang ng damit para sa sleepover. “Ma, alin dito ang dadalhin ko?” tanong ni Elli mula sa loob ng cabinet. May hawak siyang dalawang sweater.isa kulay cream, isa kulay asul na may maliit na burda sa dibdib. Lumapit ako at hinawakan ang asul. “Ito,” sabi ko agad. “Bakit?” tanong niya. Ngumiti ako nang bahagya. “Suot mo ‘yan nung unang speech mo sa school. Nung nangingi

