MJ: Did you get back safely? MJ: Kung ‘di ka pa kumakain, pwede kitang dalhan. MJ: Tiffany? Pagkagising ko ay text messages agad ni MJ ang bumungad sa ‘kin. Tiningnan ko ang oras sa phone ko at nagulat dahil halos madaling araw na pala. Hindi ko namalayan ang oras dahil pag-uwi ko galing sa shoot ay nakatulugan ko ang pag-iisip. ‘Ni hindi pa ako nakakapaghilamos. Ganito ang usual routine ko sa trabaho noon kaya siguro hindi ko pa rin maalis-alis sa sistema ko. Kung kasama ko pa rin si MJ dito sa condo unit, malamang paggising ko ay nakatanggal na ang make-up ko at nagawa na rin niya ang skin care routine ko. Siguradong may pagkain na ring naghihintay sa ‘kin. Napailing na lang ako dahil dapat ay hindi ko na ito hinahanap pa. Sanay naman akong mag-isa. Katulad ng palagi kong sinasab

