“Wala bang salad?” narinig kong tanong ni Kelly, leader ng Four of Hearts. Nasa loob na kami ng tent na naka-setup sa likod ng stage. Mabuti na lang at walang nangyaring aberya nang sunduin ko sila sa RDU ng mall kanina. Bukod naman kasi sa marshals ng RSE ay may security team din ang mall na nag-assist sa ‘min. Nahiya nga lang ako sa marketing supervisor ng mall dahil nag-request ako na mas mapaaga ang pagdala ng pagkain ng artists. Nagawan naman ng paraan ang request ko kaya ngayon ay nandito na ang mga pagkain nila. Kasalukuyang kumakain ang ibang miyembro ng Four of Hearts. "Ay naku! Mukhang wala. Ano ba ‘yan… sinabi ko namang vegetarian ka eh. Puro paglandi kasi ang nasa isip kaya ‘di magawa ng maayos ang trabaho niya.” Narinig kong sagot ng road manager nila. Nagtiim-bagang nam

