My brows furrowed when I saw my name together with a number. Iniisip ko pa lang ang dahilan ng pagbabago ng stage design nang huminto sa harapan ko si Quinn. Pansin kong nag change outfit din ang kaibigan ko at ngayon ay naka-suit and tie. Lalo tuloy akong nagtaka dahil may inaabot siyang tatlong rosas. Tinanggap ko naman ang mga ito kahit hindi ko alam kung para saan. “Mas bet kong mag gown eh. Pasalamat ka love kita,” aniya na nagpatawa sa ‘kin. Kinuha naman niya bigla ang kamay ko. “Dahil ang shala mo ngayon, bakla. Let’s dance!” Dito niya ako dinala sa gitna, sa harap ng stage, kung saan nanunuod sa ‘min ang mga bisita. Hindi ako sanay mapunta sa spotlight kaya tuloy agad akong nakaramdam ng hiya. Pinalipas ko ang ilang segundo bago nagsalita. “Uy bakla, bakit ba nagsasayaw tayo

