“A-Anak! Buti naman nakarating ka!” halos mautal na bulalas ni Mama; nagmamadaling tumayo. Bahagya niyang hinampas si Papa sa braso para sumunod ito sa kanya. At dito sila sabay na naglakad papalapit sa ‘min ni MJ. My heart felt like it was shattering into a million pieces as they walked towards me. The flood of painful memories and unresolved issues came rushing back, and I couldn't help but hate seeing them in the same space after many years. “Ga, hawakan mo lang ang kamay ko kapag gusto mo nang umalis dito,” bulong ni MJ sa tabi ko. Hinigit ko ang hininga ko nang maramdaman ang nagbabadyang luha. Ngunit pinigilan ko ang sarili umiyak dahil matagal na ‘kong tapos sa stage na ‘to. I know better now than to waste my tears on them. Hindi ko pa rin napoproseso ang nangyayari rito kaya n

