Papunta kami ngayon sa mall ni MJ. Bukod sa pagbili ng regalo at pasalubong sa pamilya ko, mag go-grocery na rin kami dahil paubos na ang stock namin sa condo. Pero sa mall na namin balak maghapunan para pag-uwi ay magpapahinga na lang kami. Ayaw din niya kasi akong pakilusin kaya madalas ay siya na nga ang nagluto, siya pa ang nagligpit ng mga pinagkainan. Malapit na nga akong maniwalang hindi totoo ‘yong madalas sabihin ng mga kapatid niyang siya ang pinakatamad at makalat na Valderrama. Paano’y sobrang sipag at linis niya sa condo ko. At mukhang hindi lang ito pakitang-gilas dahil consistent siya hanggang ngayon. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit naging madali para sa ‘kin mag-adjust ng may kasama sa safe zone ko. Panay ang tingin ko kay MJ habang nagmamaneho siya. Kanina pa kasi

