“So, anong bago sa inyong dalawa?” tanong ko kina Iaree at PJ habang nasa kalagitnaan kami ng paghahapunan. Noong huling beses kasi kaming nagkita ay ‘di kami nabigyan ng pagkakataong magkumustahan ng maayos. Wala rin kasi talaga ako sa wisyo noon dahil kung anu-anong bagay ang bumabagabag sa ‘kin. “Wala namang bago. Under construction pa rin ‘yung restaurant namin,” sagot ni PJ. Nakita ko naman ang tipid na pagngiti ni Iaree. She really wears her heart on her sleeve. “Sabihan namin kayo kapag magso-soft opening ulit kami para makapunta kayong lahat,” sabi pa ni Iaree. Natuwa naman ako dahil pansin kong simula nang dumating si Iaree sa buhay ni PJ, mas nakikihalubilo na si PJ sa mga tao, nakikisali na rin siya sa mga usapan katulad na lang ngayon. Kung ‘yong dating PJ kasi ang kasama

