Kabanata 94

2390 Words

Imbes na makaramdam ng pagod dahil sa maghapong trabaho, napagod ako dahil sa gulong nangyari ngayong gabi. We were supposed to have a simple get together, but it turned out to be another nightmare instead. Lalo ko tuloy na-miss ‘yung dating samahan namin – noong mga panahong hindi pa ganito kakumplikado ang lahat. Pabagsak akong bumalik sa upuan. Ramdam kong may pumipintig sa ulo ko. Kaya naman sinapo ko ang isang kamay sa noo bago ito isinuklay sa buhok ko. Pagkatapos ay nangalumbaba ako sa lamesa at natulala na lang. Hindi nagtagal ay tinabihan din naman ako ni MJ. “Okay ka lang?” puno ng pag-aalalang tanong niya. Tumango naman ako imbes na magsalita. Hindi ko man siya matingnan ay naramdaman ko ang paghawak niya sa malaya kong kamay. Kaya kahit papaano ay gumaan ang bigat sa dibd

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD