“Thank you for coming,” sabi ko kay June pagpwesto niya sa bakanteng upuan sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa Cup of Twist katulad ng kanyang suhestyon. Ako ang nag-ayang makipagkita sa kanya. Akala ko nga hindi niya sasagutin ang tawag ko kagabi kaya nagulat ako nang marinig pa ang pagpayag niya. “Ah hindi. Thank you sa pagtawag sa ‘kin.” Ramdam ko ang pagkailang sa boses niya. Hindi rin siya makatingin ng diretso sa ‘kin. “Actually, ilang beses ko nang naisip tawagan ka pero ang ending, hindi ko naman nagawa. Kinausap pa ‘ko nina Bobbie at Quinn ng lagay na ‘to.” Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. She seemed disappointed of herself. Naalala ko naman ang kwento sa ‘kin ng mga kaibigan namin. Matagal na nga raw akong gustong kausapin ni June pero hindi lang ito makahanap ng timi

