I need more time to think about my next move at work. That’s why for now, I need a distraction. “Talagang isinama mo pa ang jowa mo, Bakla?” nanunuyang tanong ni Quinn bago ngumuso sa direksyon ni MJ. Katabi ko ito ngayon habang naglilibot sa department store. Natawa naman ako dahil alam kong nang-aasar lang ito. “Nandito siya as our friend, hindi bilang boyfriend ko. Don’t worry,” paliwanag ko naman para makampante siya. Ngunit agad itong nakontra nang hawakan ni MJ ang kamay ko sabay hila sa ‘kin papunta sa isang brand ng damit. “Ga, bagay sa ‘yo ‘to,” masayang saad ni MJ. He seemed thrilled. Umubo naman ng peke si Quinn. “Holding hands as a friend,” aniya. I just rolled my eyes at him and focused my attention on what MJ was trying to show me. “Alin dyan? Patingin.” Kinuha ni MJ ‘

