“Cheers!” sabi namin nina Quinn, Bobbie, at Migz pagkatapos pagdikitin ang labi ng mga beer bottles na hawak namin. Tuloy-tuloy kong ininom ang akin na para bang tubig lang ito. Napapikit ako nang maramdaman ang pagguhit nito sa lalamunan ko. “Hey! I thought we’re all here to chill!” pagpigil tuloy ni Bobbie sa ‘kin. Inagaw niya ang beer bottle mula sa kamay ko at inabot kay Migz para itago. Kakasimula pa lang kasi ng inuman namin pero pangalawang bote ko na ito. “Akala yata ni bakla may drinking competition tayo!” tawang-tawang komento ni Quinn na himalang kaunti pa lang ang naiinom. Kadalasan kasi, sa aming barkada ay siya ang unang nagiging wasted. Natawa na lang ako sa reaksyon ng mga kaibigan ko. “Fine. So, where was I again?” tanong ko dahil nagkukwento ako kanina bago kami mag-

