I actually thought of asking MJ to move out of my condo unit. Kasi aminado naman akong mas magiging madali ito para sa ‘kin. Hindi ko na kailangang maging maingat pa sa mga ginagawa o sinasabi ko dahil alam kong mag-isa lang ako. I can finally enjoy my personal space once again. Pero hindi ko ito ginawa. Bukod kasi sa unfair ito sa 3-day extension ng relasyon namin, baka mas mahirapan din akong ipakita kay MJ ang pinagkaiba ng kanyang best friend at girlfriend. Kaya naman ako na lang ang maga-adjust habang magkasama kami sa unit ko. Tutal ay tatlong araw na lang naman ito. Naniniwala akong babalik din kami sa dati. Kahit alanganing oras nang nakatulog, pinilit kong gumising ng mas maaga para hindi na namin kailangan pang magharap ni MJ. With my eyes still half closed, nagmadali akong

