Hinawakan ko ang mga kamay ni MJ para patigilin siya sa pagpupunas ng mga luha ko. Kahit parang imposible, pinigilan ko ang pag-iyak upang makapag-usap kami ng maayos. Dito naman siya tumingin sa mga mata ko kaya inulit ko ang sinabi ko. “Let’s take a break,” mas buo at mariin ang bigkas ko sa bawat salita. Makikita sa mukha niya ang takot pero para maitago ito ay naging pilosopo na naman siya. “Tara na sa loob. Magpahinga na tayo—” “We need time and space apart,” dagdag ko pa. Baka kasi hindi malinaw ang sinabi ko ngayon lang. Nang tangkain niyang hawakan ang kamay ko’y itinago ko ito sa likod ko. Huminga siya ng malalim. “Sige. Pag-uwi natin, hindi muna ako makikitulog sa unit mo. O kung gusto mo, doon tayo sa unit ko. Mas maluwag at dalawa ang kwarto.” Pumikit ako ng mariin. Al

