My heart was beating so fast I couldn't think straight and come up with a good explanation for the necklace that MJ found. Hindi ko alam kung ganuon ba ‘ko kabagal mag-drive kanina o sadyang mas mabilis lang si MJ. Akala ko kasi talaga ay may sapat na oras pa ‘ko para makapasok sa loob ng condo unit ko bago siya umuwi. Balak ko sanang magpalit ng pambahay at magpanggap na kanina pa ako nandito. Of course, I don't want him to know that I accidentally invaded their privacy. He might think I don't trust him, but that's not true. I trust him completely. Lalo na pagkatapos naming magpahinga at mas maging bukas sa nararamdaman namin. Kung hindi lang talaga ako naipit sa sitwasyon kanina, wala sanang problema ngayon. Pinagmasdan ko ng mabuti si MJ at nakitang mahigpit ang hawak niya sa kwinta

