No, Tiffany. You don’t need anyone’s help this time. Like always, you can do this alone.
Magiging maayos din ang lahat. Katulad lang ito ng ibang iskandalo. Maingay at buhay na buhay sa umpisa pero kalaunan ay mamamatay din. Hindi ko kailangang mag overthink katulad ng mga kasama ko. Hindi ko kailangang matakot dahil alam kong inosente ako. Alam ko kung anong totoo.
My co-workers are just making the issue sound worse than it is.
Sa totoo lang, gusto ko pa rin sanang tumuloy sa second day ng event namin. Sa tagal ko kasing nagtatrabaho sa field na ito, ito ang unang beses na hindi ko matatapos ang isang event na nasimulan ko.
Ayon nga lang, hindi ako pwedeng kumilos mag-isa katulad noong self-employed pa ako. I’m now with Red Star Entertainment and I’m directly reporting to Sir Edward. Wala akong choice kung hindi sundin ang gusto nila sa puntong ito.
Kaya mauuna na akong bumalik sa Maynila.
Nagpahatid lang sa event venue ang mga katrabaho ko, pero babalikan ako ng service van namin para ihatid naman sa Maynila. Ito lang ang oras na bakante sila kaya pwede nilang isingit ang paghatid sa akin. Tamang-tama dahil pasok pa ito sa kanilang booking time.
Sakali kasing pinili kong magpasundo pagkatapos ng event, pagkatapos maihatid ang mga kasama ko sa Maynila, hindi na nila ako maaari pang balikan dahil tapos na ang oras ng pagrenta namin sa kanila. Hanggang ngayong gabi lang kasi ang request namin sa service company na ka-partner ng RSE.
At dahil kailangan ko pang maghintay, bumalik na lang muna ako sa assigned room namin ni Eunice. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at nakatitig sa puting kisame. Sinusubukan kong hindi mag-isip pero ang malikot kong utak ay kung saan-saan nakakarating.
For my peace of mind, I told myself not to look online. Dagdag stress lang kasi ito. Ayaw ko nang malaman pa kung anong sinasabi ng mga tao tungkol sa ‘kin dahil sa issue.
I was doing great for the first few minutes. Pero dahil hindi ako sanay nang walang ginagawa, kalaunan ay hindi rin ako nakatiis. Kinuha ko ang phone ko at sinearch ang pangalan ni Elijah para makakuha ng update sa nangyayari.
Ramdam ko ang pumipintig na sakit ng ulo ko nang makita ang search results. Paano’y bumungad ang iba’t ibang articles na inilabas tungkol sa kumakalat na litrato namin ni Elijah. Magkakaiba man ang headline ay iisa lang ang pinupunto ng mga ito:
I’m the bad guy.
Kahit kung tutuusin ay wala namang ibang makikita sa mga litratong kumakalat bukod sa pagpasok at paglabas ko sa kwarto ni Elijah, tingin agad ng lahat ay may mali na akong ginawa. Kung husgahan nila ako ngayon ay daig ko pa ang kriminal.
Napatingin ako sa comment section ng isang post. Nang mabasa ko ang mga nakasulat dito ay hindi ko ito nasikmura.
Tingin ko’y mga fans ng EliSie ang nag-iwan ng comments. Pinagmumumura nila ako – kesyo malandi raw ako, dapat sinusunog ng buhay, pinapapa-r**e at kung anu-ano pa. Halos isumpa ako ng mga tao.
Sobrang OA. Ano bang problema nila? Kung may sama sila ng loob sa mundo, pwes ‘wag nilang ibuhos sa akin!
Kung kaninang umaga ay mga litrato ko lang ang kumakalat, masyadong mabilis ang mga netizens dahil ngayon ay alam na nila kung sino ako. Naisiwalat na sa publiko ang buong pangalan ko.
And I think it’s just a matter of time before my personal life gets dragged into this mess.
Kaya naman bago pa ito mangyari ay nag-deactivate na ako ng aking social media accounts. Iniwan ko lang ang messaging app ko so I could still keep in touch with my friends.
Tahimik pa ang group chat namin kaya mukhang hindi pa nakakarating sa kanila ang mga kumakalat na kasinungalingan. At siguro mainam na rin ito dahil hindi pa ako handang pag-usapan ang iskandalo. Not after I received calls and text messages from my own family, questioning my innocence.
Nangungulit sa akin ngayon ang Mama ko pati ang mga kapatid ko dahil gusto nilang malaman kung totoo ba ang tsismis. Pero wala akong sinasagot sa kanila.
Kung kilala kasi talaga nila ‘ko, kung ang tingin nila sa ‘kin ay pamilya, hindi na nila kailangan pang tanungin ito. Alam na agad nila na hindi ito totoo at mas uunahin nilang kumustahin ako. Sana kahit isa man lang sa kanila ay nagtanong kung anong pwede nilang gawin para tulungan ako.
Pero dapat pa ba akong umasa at madismaya? Ilang taon na… hindi pa ba ako nasasanay?
Tumunog ang phone ko kaya naagaw nito ang atensyon ko. It’s a text message from our service van’s driver. Ang sabi nito’y nakabalik na siya sa hotel at ngayon ay naghihintay sa labas para sa akin. Kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at lumabas na ng kwarto.
Habang papunta sa elevator, may nakasalubong akong hotel housekeepers. Mukhang may edad na ang dalawang babaeng ito. Tumango lang ako sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad.
Ayon lang ay mukhang kalat na kalat na talaga ang issue dahil narinig ko ang pag-uusap nila paglagpas ko. Bumagal ang paglalakad ko dahil dito.
“Siya ba ‘yung babae ni Elijah?”
“Ala e sinong Elijah? Nangabit na naman baga ang mister mo?!”
“Ano ka ba?! Si Elijah Charlesworth!”
“Ah! Oo nga! Naiyak ang anak ko kanina noong nakwento sa ‘kin ang scandal niyan.”
“Maganda naman pala kasi ang ipinalit!”
“Pwede na. Pero syempre mas makinis at maganda pa rin si Sienna!”
Napahinto ako sa paglalakad. Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim. Alam kong ang tamang gawin ngayon ngayon ay magbingi-bingihan at tahimik na umalis ng hotel. Pero hindi ko maatim na walang gawin pagkatapos ng mga narinig ko.
Kaya naman hinabol ko pa ‘yong dalawang babae at humarang sa harapan nila. Agad silang yumuko at ngayon ay ‘di makatingin nang diretso sa ‘kin. Mukhang natakot dahil ako ang pinag-uusapan nila ngayon lang. Hindi nila inasahang babalikan ko sila.
“Ay Ma’am, may kailangan ka po ba?” tanong ng isa sa kanila.
I could curse them out loud for all the lies I just heard. But I’m choosing not to. Gusto ko lang sabihin sa kanila ang pakay ko.
“Hindi po ako babae ni Elijah Charlesworth. Wala kaming relasyon—”
“Wala pa?” pagputol nila sa akin. Nagkasabay pa.
“Opo. Wala. Imposibleng magkaroon—”
“Imposible ngayon dahil baga kay Sienna? Ala e sabagay. Mahirap naman talagang pantayan ang pinagsamahan ng dalawa! Kung noon ka siguro pumasok sa eksena, may pag-asa pa.”
Sinusubukan kong maging magalang dahil mas matanda sila sa akin pero para akong kandilang nauupos.
Pilit na pilit akong ngumiti bago nagsalita. “Inuulit ko po, wala kaming relasyon ni Elijah. Wala noon, ngayon, bukas, at magpakailanman.”
But who am I kidding? Kahit sabihin ko pa sa dalawa, tatlo, o isang daang tao ang totoo, paano naman ang milyong fans ng EliSie na kaaway ang tingin sa akin ngayon? Sobrang pointless ng ginagawa ko ngayon.
Natahimik na ang dalawang matanda sa harapan ko. At aalis na sana ako nang may pahabol pa ako sa kanila.
“And FYI, mas makinis at maganda po ako kay Sienna.”
Iniwan ko na sila. Tuluyan akong nagpunta at sumakay sa elevator. At dahil hindi naman ito huminto sa ibang palapag ay mabilis akong nakarating sa lobby ng hotel.
Tanaw ko na sa labas ang service van namin kaya kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Gusto ko na lang makauwi ngayon at personal na makausap si MJ tungkol sa problema ko.
Kaya naman dire-diretso na sana ako palabas nang maharang ako ng isang hotel guest. Hindi ko alam kung kasama niya ‘yong mga taong nakaupo sa sofa pero rito siya galing.
“Tiffany Mae Dimagiba?” tanong nito sa akin.
Binukas-sara ko ang mga mata ko. Hindi ako nakapagsalita dahil napaisip ako kung bakit kilala niya ‘ko.
Siguro’y ilang segundo rin ang nakalipas bago ko napagtanto ang sagot dito.
At ilang segundo lang din ang kinailangan ng kaharap ko para basagin ang itlog na hawak niya sa balikat ko.
Napasinghap ako. Bumilog ang bibig ko dahil sa ginawa nito.
“Anong problema mo?!” bulalas ko. Lumukot ang noo ko at nakahanda nang gantihan siya nang may itlog pang tumama sa braso ko.
Napatingin ako sa sofa dahil sa direksyon na ito nanggaling ‘yong itlog. At nanlaki ang mga mata ko nang makitang nagsitayuan ‘yong grupong nakaupo lang kanina. May hawak silang mga itlog na sunud-sunod nilang ibinato sa akin! Agad kong iniharang ang mga braso ko sa mukha ko.
“Malandi ka!”
“Mang-aagaw!”
“Sana mapunta ka sa impyerno!”
These outrageous comments made me realize that they are fans of EliSie!
Hindi ko alam kung paano nila nagawang makapasok sa loob ng hotel pero tinulungan na ako ng mga hotel guard at staff para pigilan sila. Pilit nilang pinalabas ang mga ito na panay pa rin ang pagbato ng itlog sa akin, ang ilan ay tumama sa braso, dibdib, likod, at ulo ko.
Gusto ko sanang lumabas na at sumakay sa service van namin pero nakaharang sila sa pinto ng hotel. Kaya wala akong choice kung hindi tumakbo sa hagdanan, pabalik sa palapag na pinanggalingan ko. Hindi ko na nahintay pa ang elevator dahil nakita kong may ilang fans na nakalusot at humabol sa ‘kin.
I think I underestimated the scandal. I became overconfident that it wasn’t a big deal. Nalaman ko lang ito ngayong harina na lang ang kulang sa akin para mailuto!
Huminto ako sa pagtakbo nang makarating na ako sa tamang palapag. Naghahabol ng hininga, inilabas ko muna ang phone ko para malaman kung ano nang nangyayari ngayon online. Sigurado kasi akong may dahilan para mas magalit pa sila sa akin.
At tama nga ako. Nanginig ang mga kamay ko nang makita ang panibagong pictures namin ni Elijah na kumakalat sa social media.
The pictures look like I was giving Elijah a bl*wjob!
Kaya naman ito ang kumakalat ngayon. Ebidensya raw ang mga pictures na ito na nilalandi ko si Elijah. Hindi pa raw ako nahiya dahil oras ng trabaho ay kung anu-anong kahalayan ang ginagawa ko!
Pero hindi ito totoo!
These pictures were taken yesterday when I was briefing him inside his tent.
Kung sino man ang kumuha ng mga litratong ito ay nakuhanan niya kami sa anggulong mapagdududahan talaga. Pero kuha lang naman ang mga ito noong inaayos ko ang sumabit na wire ng headset mic ni Elijah sa kanyang pantalon! I was just helping him out!
Napasabunot ako sa buhok ko. Nahawakan ko pa ang ilang piraso ng egg shells na sumabit dito nang batuhin ako ng itlog. Ang lagkit nito kaya lalo akong nanggalaiti. Iritable kong inalis ang mga naiwang egg shells sa katawan ko.
This scandal is so f*cking insane! Ito ang paulit-ulit na tumatakbo ngayon sa isip ko.
At dahil alam kong kailangan kong kumalma para makapag-isip ng tama, tinawagan ko na si MJ. Because who am I kidding? I need someone I can trust right now – someone who understands me better than myself. I need my best friend.
Isang ring lang ay sinagot agad ni MJ ang tawag ko.
“Boss! Sa wakas! Mukhang gumana na ang gayumang pinalagay ko sa kinain mo kagabi ah. Na-miss mo rin ako kaya ikaw naman ang tumawag sa ‘kin!” Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. At kahit papaano, napagaan nito ang pakiramdam ko. ‘Yong init na bumabalot sa buong katawan ko ay unti-unting nababawasan.
“H-Hindi tatalab sa ‘kin ang gayuma, MJ. Kahit isang drum pa ang ipainom mo sa ‘kin,” balik ko sa kanya. And I guess I just stuttered because I was trying to force myself to sound okay.
Nagsimula na akong maglakad sa hallway. Balak kong bumalik na lang muna sa kwartong tinuluyan ko hanggang sa pwede na akong makalabas ng hotel.
“Sabagay. Ilang taon na nga akong naglalagay ng gayuma sa mga kinakain mo pero ‘di ka pa rin tinatablan!” Humalakhak siya at nailing na lang ako. “Kumusta? Okay ka lang ba?”
Sa tanong niya ay bigla akong natigilan. Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. Huminga ako nang malalim at bumuntong-hininga.
“Tiffany, may problema ba?” walang halong birong tanong niya.
Hindi ko alam ngayon kung paano ko ipapaliwanag sa kanya nag mga nangyayari. Dahil kahit ako ay naguguluhan. Namumuo na ang luha sa mga mata ko pero sinusubukan ko itong pigilan.
Sinabi ko na lang ang mga salitang unang pumasok sa isip ko.
“I made a mistake.”
“Anong nangyari? Anong pwede kong itulong?”
His questions… he made them seem so easy to ask.
Naalis ko sa pagkakatapat sa tainga ang hawak na phone dahil sa hagikgikang narinig ko galing sa kwartong nadaanan. Room 201. Naalala kong ito ‘yong kwartong tinuluyan ni Elijah. Sumilip ako sa awang ng pinto at nakita ang mga housekeepers na nakasalubong ko kanina. Mukhang nililinis na nila ang kwartong ito.
Lalagpasan ko na lang sana sila nang may narinig pa akong kumuha ng atensyon ko.
“Ala e mukhang confirmed nga! Ito ang ebidensya!”
“Susmaryosep! Dito pa talaga sila gumawa ng milagro!”
“Teka, picturan ko lang ‘to para mapadala ko sa anak ko. Ala e kagabi pa ‘yon nagpupuyat para malaman ang totoo! Puro post at comment na lang ang inatupag dahil fan na fan talaga ng EliSie!”
Hindi ko alam kung ano ang nakita nilang ebidensya. Pero sa takot na mapalala nito ang sitwasyon, basta na lang akong sumugod sa loob ng kwarto.
Napatingin silang dalawa sa akin, gulat na gulat. Walang pagkurap kong inagaw ang hawak nung housekeeper na may anak na Blades bago pa niya ito magawang kuhanan ng litrato.
“Ire-report ko kayong dalawa,” mariin kong saad bago bumaba ang tingin sa mga pangalang makikita sa uniporme nila.
“Sorry, Ma’am!” mangiyak-ngiyak naman ang mga ito pero wala na akong awang nararamdaman para sa kanila.
“Even if I forgive both of you, I don’t forget things easily. So, deal with it.”
Alam kong bawal sa trabaho nila ang naiisip nitong gawin and they’d eventually get punished for it if ever. But I felt enraged. Tinalikuran ko na sila at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa kwartong tinutuluyan ko.
Dito’y basta ko na lang ibinagsak ang bag ko sa kama.
Dalawang kamay ang gamit ko ngayon. Ang isa’y panghawak sa cellphone, ang isa naman ay panghawak sa kung ano mang inagaw ko kanina sa housekeepers.
Dito ko tiningnan ang kamay kong ito… at pagbukas na pagbukas pa lang— ibinato ko agad ang hawak sa sahig!
I can't believe I just held a f*cking used condom!