Kabanata 7

1330 Words
Good Night “Para ka namang tanga. Syempre intern ako dito, I have to do my job.” I laugh para hindi masyadong tense kasi naman ang seryoso niya. Nanatili siyang nakatitig lang sakin sinusuri ako. Naiilang na ‘ko. Gusto ko na umalis pero ‘di ako makagalaw. “Uh, I have to go check for other patients.” sabay talikod sa kanya. “Give me your number first.” sabay abot sa akin ng kanyang cellphone. Tiningnan ko lang ito. Nag-aalangan ako kung ibibigay ko ba or hindi. He waved his phone in front of me kaya naman bumalik ako sa ulirat ko. Kinuha ko na lang at tinipa ang numero sa kanyang cellphone. Binalik ko na sa kanya at umalis na rin ako. Pumunta na ‘ko sa kwarto ng ibang pasyente para sa kanilang mga gamot. Masunurin naman silang lahat at good news na ang iba sa kanila ay makakalabas na sa mga susunod na araw. Bumalik na naman ako sa station namin at tumulong na sa iba pang gawain. Nung natapos na ‘ko ay sinimulan ko naman ulit mag-aral. Bigla namang nag-vibrate ang aking cellphone sa front pocket ng aking damit. “I’ll be discharging tonight.” text sa akin ng isang unknown number ngunit base sa text niya ay kilala ko na kung sino ito. Buti naman at uuwi na siya. Hindi ko na siya nireplyan at binalik na ang cellphone sa bulsa. Inaantok ako pero pinipigilan ko ang sarili. Marahil sa pagod kaya ganito ako. Nagtimpla na lang ako ng kape sa aming pantry. Sinabayan ko na rin ito ng pagkain ng chocolate. Ang bilis ng oras at maggagabi na. Nakita ko na rin na pino-process na ng tauhan nila Zach ang kanyang discharge papers. Nagfocus na lang ako sa inaaral habang wala kaming ginagawa. Dumating na ang oras para magdinner, wala akong balak kumain dahil antok na antok ako. Nagpaalam naman ako sa mga kasama na hindi makakasabay kumain at nakiusap na gisingin after break. Nagpunta ako ng on-call room at humiga sa isang kama. Hindi na kaya ng mga mata ko kaya mabilis din akong nakatulog. 1 hour naman ang break namin kaya susulitin ko na itong isang oras para matulog. Nagulat na lang ako nung may biglang tumapik sa balikat ko. Kasamahan ko ito. “El, gising na. Tapos na ang break.” Ha? Feeling ko 30 minutes pa lang akong nakakatulog. Ang tamad ng pakiramdam ko ngayon, I don't really feel so well. Antok na antok pa rin ako pero kailangan kong pigilan. Nag-ayos naman na ‘ko doon sa cr at lumabas na ng on-call room. Agad na akong nagtrabaho at pinuntahan ang ibang pasyente. Iba na ang nararamdaman ko, feeling ko magkakasakit ako. Hindi ‘to pwede dahil kailangan kong mag-aral. Nilalakasan ko ang loob ko na huwag bumagsak ang katawan ko. Konting tiis, Elisha. Malapit na matapos ang shift. Pakiramdam ko ay tulog lang ang kulang sa akin. Nag-vibrate muli ang aking cellphone, chineck ko ito at may mensahe galing kay Zach. “What time will your shift end?” Nagtipa naman ako ng mensahe para sa kanya. “10pm.” Hindi ko pa man naibabalik ang cellphone sa bulsa nang muling itong mag-vibrate. “Alright. Take care.” Hmm. Okay. Hindi ko na siya sinagot pa. Nagpunta ako sa pharmacy upang bumili ng gamot. Non-drowsy ang kailangan ko para hindi ako antukin lalo. Ininom ko na ito agad para makausad pa ‘ko sa duty hanggang matapos ang shift. Umorder na lang ako ng kape para magising, 8pm pa lang. Dalawang oras pa ‘ko maghihintay para makauwi na at makapagpahinga. I didn’t remember doing something para magkasakit ako. Gustong gusto na humiga ng katawan ko sa kama, hindi umeepekto ang kape. I tried to strike a conversation sa mga kasamahan ko para malibang and it seems to be effective. Nawala pansamantala sa utak ko ang bigat na mararamdaman ko. Wala naman kaming gagawin pa kaya’t nagkwentuhan muna kami, tawanan at kulitan. Lumipas din naman ang oras at we did our last task to check our patients before we leave. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at ready na umalis. Nag-book na lang ako ng taxi para hindi na ako maghihintay pa. Lumabas na ‘ko ng hospital at nandun na si kuya driver naghihintay. Humingi naman ako ng pasensya sa paghihintay, mukhang kanina pa siya nandito. Sumakay na ‘ko ng taxi, nagdrive na rin naman si kuya and hindi kalaunay nakarating din kami sa building. Nagpasalamat na ‘ko at bumaba ng sasakyan. Pagpasok ko ng building ay dumiretso ako sa lobby para i-check ang mga mails at kung may packages ako na dumating. Isang package lang ito na maliit at mga mails, binitbit ko na at umakyat ng unit. Pumasok na ‘ko sa unit ko at nilapag ang mga gamit sa table. Bumalik na naman ang sakit ng katawan ko. I quickly took a shower para mahimasmasan. I blow dried my hair and ‘di kalaunan ay hinila ako ng antok. Hindi pa ‘ko nakakapagbihis but what ever. Humiga na ‘ko at natulog. Hindi ko alam kung anong oras na ba pero nagising ako sa tunog ng doorbell. Ang sakit ng ulo ko dagdag pa ang ayaw matigil na pagdo-doorbell. Bumangon ako at muntik pa akong mag-collapse buti na lang nakahawak ako sa pader. Binaybay ko ng dahan-dahan ang daan papuntang pintuan habang nakahawak ang kamay sa pader upang kumuha ng suporta. Nanlalabo ang paningin ko pero sinusubukan kong humakbang palapit sa pinto. Binuksan ko ang pinto para makita kung sino ang nasa labas. “Sino ‘yan?” sambit ko. Blurred. Hindi ko na maaninag ang kanyang mukha at lahat sa paligid ko ay malabo. Hindi ko na kinaya ang sakit ng ulo ko. Everything went black. Naalimpungatan ako, nandito pa rin ako sa room ko. Pero sa pagkakatanda ko ay bumangon ako dahil sa nagdo-doorbell sa labas. Panaginip lang ba ‘yon? Lamp lang sa aking bedside table ang ilaw sa buong kwarto. Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig, nanggagaling ito sa banyo. Napasandal ako sa aking kama. Chineck ko rin ang katawan ko, may damit na ‘ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil alam ko naka-robe ako noong nakatulog. “You’re awake.” boses lalaki hindi ko siya gaanong maaninag dahil madilim sa gawi niya. Lumapit ito sakin, naaninag ko ang kanyang braso may cast ito. Alam ko na kung sino siya. “Zach.” “Yeah? Are you okay now?” he sounds worried. “Yes, a bit. Pero may tanong ako.” “What is it?” “Sinong nagsuot sakin ng damit ko? Ikaw?” napatakip pa ‘ko ng kumot sa katawan ko. “No, I’m not. I called the housekeeper. I still have respect for you.” Phew. Akala ko siya e. Nakakahiya. Nginitian ko na lang siya. “You fainted. Good thing it was my left hand that got fractured, or else I didn’t catch you.” “Pasensya ka na.” “It’s fine. Drink your meds.” Tumango na lang ako at ininom ang gamot. Napalingon naman ako sa orasan na nakadikit sa pader, 4am na. Mag-uumaga na rin pala, I better sleep more para okay na ‘ko maya-maya at makapasok. Napalingon naman ako sa kasama ko, is he going to stay here? Wala ba siyang balak magpahinga? “Uh. I’m fine here. You should rest. Hindi ka pa yata nakakatulog. Pasensya ka na sa abala.” “You’re suppose to take care of me yet I’m doing it to you.” he murmurs, hindi ko masyadong narinig. “Ha?” “Nothing. Nakaka-idlip naman ako kanina. Go back to sleep.” “Ikaw? Hindi ka pa babalik sa unit mo?” “No, hindi ka pa totally okay. May sinat ka pa.” Wow ha. Ang mando naman neto. Makatulog na nga. Mamaya sana umokay na ‘ko. "Good night." sambit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD