Kabanata 3

1652 Words
Neighbor Kinabukasan ay maaga akong nagising para makapag-work out ulit, I’ve been stressed lately sa school works at laging night shift na duty. Nagsuot na ‘ko ng damit pang-work out. I’m wearing gray sports bra and gray leggings. Ni-ready ko na din ang aking flask and my airpods. Lumabas na ‘ko ng unit ko at bumaba sa ground floor dahil lalabas muna ako para mag-jogging. Nag-warm up muna ako para hindi mabigla ang katawan ko, I set up my watch for an hour jog and played some music. I started my morning run, around the building lang din naman ako nagj-jog para na rin safe at malapit. Nag-alarm na rin ang watch ko tanda na natapos ko na ang sinet kong time for my run. I went to the building’s gym. Yes, may gym sa mga condominiums para sa mga occupants na gusto mag-work out, and it is free. Pumunta muna ako sa mga treadmills, I set up to walking lang para unti-unting marelax ang legs ko from running kanina. Ten minutes ko rin ginawa ‘yon. I sipped a bit from my flask before continuing. Lumapit ako sa isang equipment na good for stomach, it was a sit up bench. Nung una medyo nahihirapan akong iangat yung sarili ko dahil it’s been a while since nag-work out ako, later on naging madali na lang din sakin. Hindi rin naman katagalan ay natapos din ako, I was about to leave when I saw something familiar on my peripheral vision. Siya na naman. Good Lord! Ang aga-aga. Umalis na ‘ko sa gym at umakyat sa unit ko. Took a quick shower dahil ngayon ko na rin napagdesisyunang mag-grocery since I don't have classes today. Ubos na rin kasi stocks ko dahil sa mga kaibigan kong parang gusto dito na rin tumira. Nagbihis lang ako ng plain shirt and maong shorts, kinuha ko na rin ang wallet ko. Bumaba na ‘ko sa lobby at nag-abang ng taxi. Nung makarating ako sa grocery, kumuha na ‘ko ng cart. I started to get bathroom stuffs, veggies, condiments, snacks, cholocates, drinks, and dairy products. Napuno ko ito kaya naman panigurado mahihirapan ako dito, thankful ako kasi si kuya bagger ay nag-insist na samahan ako hanggang sa labas at hintayin ako makasakay sa taxi. Kuya driver also helped me with my stuffs, may trolley naman sa lobby and gagamitin ko na lang iyon para mai-akyat ang pinamili ko. Ilang minutes din naman ay nakabalik na ‘ko sa unit, excited na ‘ko mag-unpack kasi this is one of my stress reliever, ang mag-refill ng stocks sa pantry at refrigerator. Sobrang nakakawala ng pagod talaga. Nagluto na rin ako ng sinigang for my lunch and surely aabot pa ‘to hanggang dinner. Before ako kumain I made my coffee, it was iced latte. It makes my day extra special kapag nagc-coffee ako, feeling ko ang productive ng araw ko. After I ate, hinugasan ko na rin ang mga maruruming dishes. I cleaned the whole unit and sobrang refreshing. Naligo ako ulit after maglinis kasi pawis na pawis ako and ang lagkit lagkit ko. Nagsuot na din ako ng pantulog kasi hapon na rin naman niyan. I watched some dramas on Netflix lang at nakatulugan ko pa ito. Nagising na lang ako sa doorbell. Sino naman kaya ‘to? Saka wala naman akong inorder. Chineck ko muna sa peephole kung may tao, wala naman. Binuksan ko ang pinto to check sa hallway kung may tao, wala rin. It’s creeping me out actually. Napatingin naman ako sa baba and may paper bag doon. Kinuha ko and checked, may note na nakalagay. Sinarado ko na ang pinto to check ng maigi anong laman ng paper bag. The note says: “I’ll see you around!” from neighbor. I rolled my eyes. Hindi ko alam kung kakainin ko ba yung food or hindi, and hindi ko rin alam kung magugustuhan ko kasi Japanese food ito kasi style bento box and may sushi and tempura, and I'm not into sushi. Ewan ko ayaw ng panlasa ko or maarte lang ba 'ko. Mukhang masarap pero baka may lason ‘to? Eme lang. Nilagay ko na lang sa ref yung food and I'll try to eat those maybe tomorrow and I'll give sushi another chance. May ulam pa naman ako, masarap pa kasi luto ko! My dinner went smooth as usual. I’m also done doing my routines at night, nahiga na ‘ko and browse at social media. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ‘ko ulit. Kinabukasan may pasok na 'ko kaya naman gumayak na ‘ko. Inisip ko pa kung kakainin ko yung food kagabi so I microwaved it and share ko sa sundo ko, yes may sundo ako. Sumasabay ako kay Brent kapag same kami na may pasok sa araw na iyon. While browsing kagabi, I decided to message him na rin. And thankfully, may class din siya. Tipid ako ng taxi fare. Nakarating na kami sa school ni Brent, nag-thank you naman ako sa kanya sa pagsabay sakin. Naghiwalay na rin naman kami ng landas dahil magkaiba kami ng department. Wala pa masyadong tao kaya nagbasa muna ako ng notes baka biglaang magrecitation at swertehing mabunot ang index card ko. Almost thirty minutes na nakakalipas and wala pa ring prof, it means absent na siya and pwede na kaming umalis ng lecture hall. Lumabas na ‘ko ng lecture hall at nagpunta sa cafeteria. I ordered mac and cheese and soft drinks lang. I browsed some notes sa ipad ko while eating dito ko na rin ipagpapalipas yung oras ko habang naghihintay ng next class. Next class is a minor subject lang naman na feeling major sa dami ng pinagagawa. Mas madami pa yung absences niya kesa sa nagtuturo siya. Sa totoo lang wala akong natututunan dito, more on self-study kami. And as usual, wala rin siya. So pumasok lang ako sa school para tumambay? Naglakad-lakad na lang ako sa loob ng campus dahil bored na bored na ‘ko. Ayoko namang umuwi mas lalo akong mababagot. Wala rin kasi akong shift ngayon sa hospital kaya puro lectures ang pinapasukan ko. Nagmessage na rin ako sa group chat namin kung may available ba sa kanila para samahan akong magmukmok. Yanna: Pass ako. Sorry beb, may flight ako. (She’s our future flight attendant) Rach: May demo ako later. I need to rehearse. (Yes naman teach.) Brent: Punta ka dito sa gym, may practice kami nood ka muna. Mabilis lang ‘to. Si Lance? Baka tulog ‘yon huwag na hanapin. Gaya nga ng sabi ni Brent, nagpunta ako sa gym para manood ng practice game nila. Hindi naman ako pumupunta dito dahil sobrang busy ko unless may ganap, ngayon na lang ulit. Sabi-sabi din ay may nalalapit silang laban sa kabilang school kaya need nila mag-practice. Nilibot ko ang paningin ko para tingnan kung sino-sino itong mga maglalaro. Nakita ko ang grupo ng mga varsity players ng school namin, naghahati-hati na sila for practice. Nahagip ng mata ko si Zach and he look serious as he talks to his teammates, siya yata ang captain ng varsity namin. Hindi ko naman alam since hindi naman ako into sports and malayo ang building ko sa gym. Wala naman akong time para tumambay dito except for now dahil wala namang pumasok na prof. Nagstart na rin sila maglaro and magkasama sa team si Brent at Zach. Medyo lamang sila pero nakakahabol pa rin naman kabilang team. Lumabas muna ako to get a drink dahil nauuhaw na ‘ko. Bumili ako ng water sa cafeteria at bumalik na sa gym. Sakto naman at break or time out siguro nila ‘yon. Lumapit ako kay Brent para iabot ang tubig. “Nag-abala ka pa, meron naman kami dito. Pero salamat.” “Oh ganon ba? Hindi ko kasi alam e, saka nauuhaw na rin ako so I decided to buy you too. By the way, patapos na rin ba kayo niyan? It’s getting late so I might go home na.” “Saglit na lang ‘to. Wait me up para mahatid na rin kita. Baka mapahamak ka, lagot pa ‘ko sa kuya mo kasi ako huli mong kasama.” sambit niya habang natatawa. “Okay sige. Dito lang ako.” Hindi rin naman katagalan ay nag-call na sila na tapos na. Nag-apir pa sila na it’s a job well done for today. Magaling sila at sobrang bibilis nila kumilos. I really hope na manalo ang school namin sa darating na tournament. I just waited Brent sa labas malapit sa sasakyan niya dahil magw-wash daw muna siya. Nakita ko namang magsisilabasan na sila Zach and yung ibang ka-teammates nila, ‘di kalaunay niluwa na ng pinto si Brent. Sumakay na ‘ko sa kotse ni Brent, pinaandar na rin naman niya ito at nagdrive na paalis. Dumaan muna kami sa Starbucks dahil bibili daw siya ng kape, I don’t mind to wait naman since nakikisabay na lang din ako. After that, we went straight sa unit ko. He just dropped me off and umalis na rin. Umakyat na ‘ko sa unit ko when I saw something na naman sa harap ng unit ko. Paper bag ulit at mukhang pagkain na naman. Galing ulit kay Zach. Ang generous naman niya kung ganon? Pumasok na ‘ko dala ang paper bag, nilapag ko na sa counter top. May note ulit. “Enjoy your dinner. I hope you like it. I saw you earlier. I hope I can get some water from you.” Water from me? Ah, kasi inabutan ko si Brent kanina. Napansin pa niya 'yun. The food he gave me is a caesar salad na may bits of chicken. I like it, it’s veggies. I’m gonna devour this blessings tonight. I wrote a note and slipped it into his doorsteps. "Thank you for the free meal, neighbor."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD