Kabanata 10

1065 Words
Secret Lover I smiled pagkatalikod ko sa paalis ng sasakyan nila. May lakad din kaya siya sa school kaya’t sinabay na niya ‘ko? O baka naman may pasok, assuming ka naman Elisha. I think I should practice driving a car na para hindi na rin ako hassle mag-commute ‘pag pumapasok and sayang din yung sasakyan na bigay nila Mommy nung debut ko. Pumasok na ‘ko sa hospital, I greeted manong guard and others sa front desk. Dumiretso agad ako sa station namin. Sunod-sunod naman silang nagtanong sakin kung ayos lang ba ako, at pupwede naman daw ako magpahinga pa. Maayos naman na ‘ko at hindi naman mabigat ang gawain ngayon. Napagod lang siguro ako nung mga nakaraang araw at puyat na rin dahil sa ER ako last week. Mamiss ko ang dumalaw sa mga pasyente para i-check sila. Maski sila ay nagtanong kung ayos na daw ba talaga ako. I assured them na magaling na ‘ko at dapat ganun din ang gawin nila. May iba din palang nakaalis na at para mas tuluyang gumaling kapag nasa bahay na. Babalik na lamang sila tuwing check-up. Medyo nag-enjoy ako sa page-entertain sa kanila kaya naman nagmadali akong umalis para sa ibang pasyente. Ganun rin sila at as usual sa kulit nila ay napatagal din ako sa ward. Me and my kadaldalan. Ang bilis ng oras kapag may ginagawa. Hindi ko na namalayan ang oras, patapos na pala ang lunch break at hindi pa ‘ko kumain. Hindi pa naman ako nagugutom so I’ll just sneak time to eat later kapag wala ng ginagawa. Nag-iinput pa ako ng records ng patients sa aming database at nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. Nang natapos ako ay dun pa lang ako ginutom kaya’t nagpadeliver ako ng fast food dahil kailangan ng mabilisang pagkain. Mabilis din namang dumating ito kaya kinain ko na rin agad. Medyo naparami pala ang order ko ng french fries kaya naman shinare ko na din ito sa mga kasamahan ko. Napatigil ako sa pagkain ng pumasok na naman sa isip ko na carbs na naman ‘to. I sighed and just finished it. Work out na lang ulit. Maaga ang uwi ko ngayon dahil Friday. Wala rin akong pasok ng weekends kaya mahaba ang pahinga. Since nagtatanong naman ang mga kaibigan ko kailan ako magpapa-party dahil malapit na ‘ko grumaduate. I guess now will be a good time. Nag-message na agad ako sa group chat namin para mauna na rin sila sa condo ko to set up. Me: Guys, party sa condo at 8pm. See you. Yanna: Hoy, totoo ba ‘yan? Nasa condo ka ba now? Me: Nasa hospital pa ‘ko, can you guys help me out? Buy everything you need to set up, just let me know how much you spent. Lance: Ayon, sakto naman shot na shot na ‘ko. Rachel: Sorry guys, can’t make it. Less party na rin for me. Alam niyo naman for the teacher na ang person. Brent: I’m in! Liquor coming right up! Me: Invite your other friends, I don’t mind. Saka ko pinatay ang internet ko. I wanted to text Zach to come kaso ayokong malaman ng mga kaibigan ko na I’ve been in contact with him. I will just let Brent invite him over. 6pm na at pauwi na rin kami. Dumaan lang ako sa grocery to buy some finger foods and beverages, sinama ko na rin pala ang cups dahil baka walang dala sila Yanna. Kung meron man ay hindi naman masasayang ‘to dahil pwede pa magamit sa susunod. Umuwi na ‘ko and pagpasok ko ng condo ay maingay na dahil sa sounds nila. Hindi naman dinig sa labas dahil sound proof ang mga unit dito, magsisigaw ka man ay hindi ka maririnig nino man. Nilapag ko na lang ang mga pinamili sa counter at pumunta na sa kwarto para mag-shower. Nagbihis lang ako ng spaghetti strap sando at shorts. Lumabas na ‘ko para tumulong sa kanila. Nilagay ko na sa mga bowl ang finger foods. Yanna and Lance was in-charge of the liquors at tinitimpla nila ito sa isang malaking bowl and towers. Ang dami nilang hinahalong alak na for sure, isang inom ko lang lasing na ‘ko. Nag-vibrate naman ang cellphone ko and chineck ko, may text galing kay Zach. “Anong nangyayari sa condo mo at bakit may iba’t ibang taong lumalabas?” “Oh, I’m throwing a mini party. Halika dito, join us.” reply ko. Hindi siya nag-reply, what now? Lumabas ako para puntahan siya. Arte neto gusto pa yatang kaladkarin ko siya. Nag-doorbell ako, binuksan naman niya ang pinto. “Let’s go.” yaya ko sa kanya. Tiningnan niya ‘ko ng mariin sabay hila papasok sa unit niya. “Why did you dress like that?” may halong inis ang kanyang tono. I checked myself, nothing's wrong naman. “What’s wrong? I’m having a party.” “Wear a shirt for pete’s sake.” naiinis na siya. “Ano bang mali sa suot ko? Okay naman ah.” “May mga lalaki sa party mo, kilala mo ba mga ‘yon? Paano kung bastusin ka nila?” umalis siya at pumunta sa isang kwarto at bumalik may dalang t-shirt. “Susuotin mo ‘to or hindi ka makakalabas?” sabay lahad sakin ng damit. "What you're gonna held me hostage?" Lumapit siya sakin, cornering me up to the side. I swallowed. Sobrang lapit niya sakin, nas-suffocate ako. "I can and I will if I want." bulong niya sakin. "Wear this." abot niya ng shirt. Tumunog ang aking cellphone para sa isang tawag mula kay Yanna. “Nasa’n ka na? We’re about to start.” sigaw niya dahil sa lakas ng sound sa background. “Start without me, nasa labas pa ‘ko may binili lang.” pagsisinungaling ko. "Hurry! Brent's here already. He got boys." kinikilig niyang saad Tiningnan ko naman ang kasama ko at nakatitig siya sakin habang naka-ngisi. Pinatay ko na ang tawag at hinarap siya. "What?" “Marunong ka din pala mangsinungaling, akala ko honest ka lang lagi e.” siya. “My friends don’t know about us being close.” depensa ko. “Hmm. So am I a secret lover then?” bulong niya sa tenga ko. Lover? Siya? May hindi ba 'ko alam dahil hindi naman ako na-inform na lover ko pala siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD