Kabanata 6

1128 Words
Take care Kinabukasan ay maaga akong pumasok para i-check ang mga dapat gawin para sa araw na iyon. Normally, puro lang naman dito checking and updating ng charts ng patients. I have a lot of free time to study at makapagpahinga. While checking the charts nadagdagan ito ng isa. I checked and nagulat ako sa name na nakalagay. Zachary James Dela Merced. Nanlaki ang mata ako sa nakita, na-confine siya dito? Naka-cast naman na ang braso niya and he’s good to go para sa bahay na lang makapagpagaling at magpahinga. I decided to check on him if his okay with his current situation now. Nagpunta na ‘ko room kung saan nandun siya, mag-isa lang siya roon siguro dahil ayaw ng magulang niya na marami siyang kasama sa room. Pumasok na ‘ko, hindi naman siya tulog at sinundan niya ‘ko ng tingin habang papalapit ako sa kanya. “Kumusta ang pakiramdam mo?” kaswal kong tanong. “I’m good but as you can see I fractured my arm.” medyo inangat pa niya yung braso niya pero napangiwi ang mukha niya sa sakit. “Are you okay?” Tumango na lang siya. “Okay. Ininom mo na rin ba ang gamot mo?” “Not yet. Can you help me?” “Ha? Ah, o-okay.” kinuha ko na ang gamot sa table sa gilid niya pati ang baso ng tubig. Ininom niya na rin naman agad iyon. “Thanks.” sambit niya. Tumango na lang ako at ngumiti. Aalis na rin sana ako ng bigla siyang nagsalita. “I’ll see you later, my doctor.” Kunot noo ko siyang tiningnan, napailing na lang ako. "I'm not a doctor yet." Lumabas na ‘ko sa room niya at inabala na lamang ang sarili sa ibang bagay. Eto na naman ako, hindi na naman ako mapakali. Konting salita or kilos man lang niya ay nakakapag-distract sa akin. Magl-lunch na kaya nagprepare na rin ako. On time naman kami dini-dismiss, sulitin na raw namin ang time para kumain dahil sa post-grad internship namin ay baka ni tubig hindi kami makainom sa sobrang busy. Tumayo na ‘ko at ready ng aalis sa station ng may biglang lumapit na delivery boy. “Nandito po ba si Ms. Elisha?” tanong ng delivery boy. “Uh. Ako ‘yon kuya. Ano pong sadya niyo?” “Ma’am, delivery po para sa inyo.” sabay abot ng sandamakmak na pagkain. Sa sobrang dami, makakakain na kaming lahat dito sa station. “Ha? Kuya, wala naman akong inoorder. Magkano po ito?” sabay kuha ko ng wallet sa aking bag. “Bayad na po ito ma’am. Sige po, mauuna na po ako. Enjoy your meal po.” Tiningnan ko ang mga pagkain sa ibabaw ng counter. Gulat na gulat pa rin ako. “Wow. Ang dami naman nito, Elisha. Kanino galing ‘to? Sa boyfriend mo?” tanong ng isang nurse na kinagulat ko naman. “Ha? Hindi ko alam saka wala naman akong boyfriend.” sabay iling. “Sa ganda mong ‘yan? Hindi ako naniniwala.” usisa ng isang schoolmate ko. Nagtatalo pa kami, wala naman talaga akong boyfriend. Hindi ko pa masyadong iniisip ‘yon o dahil busy ako sa pag-aaral at hindi na talaga napadpad sa isip ako ang magkaroon ng boyfriend. “Uy Elisha, may note oh. “Thank you for taking care of me, my doctor. From your neighbor.” Sino ‘to?” sambit ng kasamahan kong intern na may halong ngisi sa kanyang mga labi. “Pasyente natin kapit-bahay mo?” tanong ng head nurse. Hindi naman ako agad nakasagot. Ayokong malaman nila na si Zach iyon, dahil issue iyon kung sakali. Inayos na lang namin yung mga foods sa table, buffet style para lahat ay matikman namin. I will thank him for this later and will also tell him to stop doing this. “Kain na po kayo. Para sa ating lahat ‘to.” I tried to act normal pero pinararamdam nila sakin na hindi normal ito. I can’t disclose who he is dahil baka asarin nila ako lalo. “Ang generous naman ng neighbor mo, El. Sana all.” isang nurse habang kinikilig. “Ang comfy tuloy humiga sa riles ng tren ‘no?” sabat ng isa pang nurse. Nung natapos kaming kumain, lahat ay halos 'di makapag-salita dahil sa busog. Mga naka-hawak sa kani-kanilang tiyan. "Grabeng lunch iyan, I don't think makakapag-dinner pa 'ko later. Ang sarap ng foods. Thanks, Elisha." sabi nung isang babae kong schoolmate. Napa-ngiti naman ako, dahil ako man rin ay nabusog sa ibinigay niyang pagkain. May natira pang food kaya inalok na rin namin sa mga staff ng hospital. Nagpahinga lang ako saglit at pinuntahan si Zach sa room niya. Hindi siya nagulat bagkus ay nakangiti akong sinalubong. Huli na ng mapagtanto kong maling desisyon na pumunta ako dito. Wala akong masabi, hindi ko alam anong sasabihin ko. Parang ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko. Mukha na ‘kong tanga. Nakakahiya. “Uh, s-salamat.” sabi ko sabay alis. What was that? Omg, you’re a living shame, Elisha Raiah. Paano mo pa siya pupuntahan niyan? Aaahh!! Gusto ko na lang lamunin ng lupa. Bumalik na lang ako ulit sa station and nag-aral since madami pa namang time before ulit ng rounds sa mga wards. Then time came para bumisita sa mga wards. Kinakabahan ako habang papalapit sa room ni Zach. Hingang malalim bago pumasok. I opened the door and checked on him. He’s sleeping. Thank God! Nakahinga ako ng maluwag. I checked his medicines if he already took them. Hindi pa, siguro kanina pa siya natutulog. Nagsulat na lang ako ng note at inilagay sa ibabaw ng table niya. Aalis na ‘ko ng biglang may humawak sa braso ko. “Where are you going?” in his husky voice. Napatingin ako sa kamay niyang naka-hawak sa braso ko. “Aalis na ‘ko. Tulog ka e, oras na kasi para sa gamot mo.” I said. “Help me again, please.” Umayos siya sa pagkakahiga at inabot ko naman sa kanya ang gamot at tubig. Bakit pa kasi nagpa-confine pa siya, mukha naman na siyang okay. Nagsasayang na naman ‘to ng pera, saka bakit hindi sa hospital nila siya nagpalipat. Beside nasan ba ang bantay nito wala man lang naga-asikaso sa kanya. “Bakit ka nga pala dito nagpa-confine? May sarili naman kayong hospital. Doon libre ka pa and besides that, wala ka bang bantay man lang?” hindi ko na mapigilan magtanong. "Yaya's at home I told her to get me some clothes and..." he scanned me mid-sentence to check if I'm still listening. “You’re here, that’s why. I want to be taken care by you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD