Kabanata 9

1194 Words
Hatid Nakangiti akong naka-upo sa unit ko. It felt really really good. I bit my fingers and giggle saka ko lang napansin na nakagat ko yung daliri na may bandage kaya’t napa-aray din ako ng wala sa oras. Hays. Ang hassle naman nito, paano na ‘ko bukas niyan. Kinuha ko na lang ang first aid ko sa cr at nilinis ang sugat ko, nilagyan ko ito ng mga cute na band aid. Oras ng meryenda at sakto naman may natira pang cookies. Nilagay ko ito sa isang platito at kumuha ng gatas sa ref. Sinindi ko ulit ang tv para ituloy ang panonood. Kinagatan ko ang cookies at nginuya ito. Kulang sa tamis, pero edible naman. Tinikman na kaya niya? Nakakahiya naman pero mas mahiya siguro siya kasi binake ko ‘yon. Eme. Tumunog ang cellphone ko, speaking of the devil, it’s him. “Hello?” “It’s delicious, thank you.” sagot niya. Huh? Eh wala ngang lasa. Wala ba siyang panlasa? “Ha? Parang labas sa ilong mo yung sinabi mo e. Hindi naman masarap, tinikman ko.” Hmpk. Totoo naman. Hindi ko naman kailangan na i-compliment niya yung luto ko. “I’m serious. I don’t like sweets but this is good.” “Huwag mo na ‘kong inuuto. Uto-uto pa naman ako. Saka first time ko mag-bake, you should be thankful. Bye.” I hung up. What was that? Is he trying to be on my good side? Tumunog ang cellphone ko, may text. “First time and it’s for me? I must be special then.” siya na naman. I rolled my eyes. Wala ba ‘tong magawa sa buhay at ang kulit kulit? Bahala ka na diyan. Enjoy your cookies. I’ll enjoy mine. Hindi ko na namalayan na nakatulugan ko na pala ang panonood at gabi na. Tumayo na ‘ko sa couch at nilinis ang mga kalat ko. Nagsuot ako ng gloves dahil baka mabasa ang sugat ko at hinugasan ang mga ginamit kanina. Dinner na at nag-iisip ako anong kakainin. Mag-order na lang kaya ako? Tinatamad na ‘ko magluto. After ko maghugas ay kinuha ko ang cellphone ko para mag-order ng pagkain. May text ito from Zach. “Did you have your dinner already? If not. What do you want?” it was 20 mins ago. I replied. “Hindi pa ‘ko kumakain. Hindi ko alam, oorder pa lang ako. Why?” He’s calling. “Oh why?” “Let me order, what do you want? Fast food, Chinese, Japanese, Korean, Thai?” sunod sunod niyang tanong. “Korean, yung gwapo sana. Hahaha” biro ko. “Tss. I looked handsome than them.” sagot niya. “Weh? Hindi ko makita saan banda. Oh basta Korean ang gusto ko, samgyupsal.” I chuckled then binaba ko na ulit ang tawag. Sarap asarin e, halatang pikon. After 30 mins, may nagdo-doorbell. Binuksan ko ito and guess who? Hindi kayo nagkakamali, siya na naman! Lol. Dala niya ang samgyupsal na sinasabi ko. “Magkano ito? Wait, I’ll just get my wallet.” sambit ko pakatapos kong kinuha sa kanya ang pagkain. “It’s on me. Enjoy.” saka umalis. “Again?” ugh Wala na ‘kong nagawa, I’ll just eat this. Infairness, masarap siya ganoon na ganoon sa nakakain mismo sa mga korean restaurant. Malamang sa korean restaurant din binili yan. Sabog ka ba, Elisha? I texted him, "Thanks, and I'm just kidding with the korean man thing." "I know." Wow, taas ng self-cofidence ni kuya. Ang dami kong nakain. Sira na naman ang diet. Kailangan mag-work out dahil puro carbs ako nung nakaraang araw. Nag-shower na ‘ko at nagbihis ng aking pajamas. Nagtimpla na rin ako ng tea para mahimbing ang aking tulog. Kailangan may energy na bukas. Nag-scan lamang ako ng mga notes habang umiinom ng tsaa, masyado akong nagliwaliw ngayong araw na muntik ko ng makaligtaang mag-aral. Hindi naman katagalan ay inantok na rin ako. Kinabukasan, nagising ako ng maaga 7am pa lang at mulat na mulat na ‘ko. Bumangon na ‘ko para magluto ng breakfast. Nilabas ko na ang mga kakailanganin ko. I’m now toasting some bread and make omelet. Nagluto na rin ako ng bacon and fried rice. I also made my coffee. Kakain na sana ako ng maalala ko ang ating masugid na kapit-bahay. Hindi ko naman mauubos ‘to kaya hahatiran ko siya. Naglagay na ‘ko ng fried rice sa tupper ware at sa kabila naman ay ang mga ulam. Anong akala niya siya lang generous? Lumabas na ‘ko ng unit at pumunta sa harap ng unit niya. Nag-doorbell lang ako at iniwan ang pagkain sa labas ng unit niya saka bumalik agad sa unit ko. Pinagpatuloy ko ang pagkain at inenjoy ito. Ang ganda ng araw ko ngayon. Gusto ko magluto ng kare-kare para baunin sa hospital, maybe I’ll share some sa mga kasamahan ko kaso it will take time to cook those. Hays. Sa susunod na lang siguro. Hinugasan ko na rin ang aking pinagkainan. Maaga pa kaya’t naglinis muna ako ng condo dahil hindi ako makakasigurado kailan ako magkakaroon ng mahabang time ulit. Pagkatapos kong maglinis ay naligo na rin ako para gumayak papasok sa hospital. After ko maligo, I blow dried my hair and put some hair care products. I also put some light make up to look presentable. Last glance on my mirror to check my look. Kinuha ko na ang mga gamit ko and ready to go. Lumabas na ‘ko ng unit ko at muntik ko pang malalag ang mga dala kong gamit. “Holy freak! You scared me!” sigaw ko sa kanya. Nagulat din siya sa sigaw ko. Hindi siya agad nakapag-salita. "What the hell?" “Are you going to hospital now?” siya. Tumango ako. “I’ll take you off.” sabay kuha ng gamit sa kamay ko. Kukunin ko ulit sana ang bag ko ng ilayo niya sakin agad. May cast pa yung kamay niya pero sa right hand niya naman bitbit ang bag ko. Nakakahiya lang na pinagtitinginan kami ng mga tao na pumapasok sa elevator. Baka isipin nilang pinahihirapan ko pa 'tong kasama ko dahil injured na nga pinagbibitbit ko pa. Yumuko na lang ako para iwasan mga tumitingin. Pagbaba namin ng lobby, I asked him, "You'll gonna drive? Injured ka, hindi pwede." "No, our driver's gonna pick us up." He said sabay lakad palabas ng building. Dumating ang isang black Fortuner at bumaba ang driver nito para pagbuksan si Zach ng pintuan. Sumakay si Zach, balak ko sa harap na lang sumakay dahil nakakahiya naman. "Sit here beside me." sabi ni Zach. Wala akong choice kundi sumunod na lang. All through out the ride, wala naman ni isa samin ang nagsasalita. Ang awkward! Nakakahiya din sa driver nila, ayokong isipin na may relasyon kami ni Zach. Mabilis din naman kaming nakarating sa hospital. Mabuti na rin dito ako binaba dahil kung sa school, makikita kaming dalawa ni Zach ng mga schoolmates namin, magkaroon pa kami ng issue. "Thanks for the ride." I said before ako bumaba ng sasakyan. Tumango na lang siya then sinarado ko na yung pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD