Peace Offering
Nagising ako sa sikat ng araw. Umaga na, medyo okay na ang pakiramdam ko. Kaunting sakit na lang ng katawan. Napatingin muli ako sa orasan, 10:30 na. Dali-dali akong bumangon at kumuha ng uniform sa closet. Papasok na sana ako sa banyo para maligo ng nagsalita si Zach ‘di kalayuan sa pwesto ko.
“What are you doing?”
Napatalon naman ako sa gulat.
“Uh, maliligo dahil papasok ako I have a duty today.” winagayway ko pa sa kanya ang uniform ko.
“I already called the hospital, you’re excused for today.”
What? Bakit niya ginawa ‘yon? Argh.
“You overworked yourself. You can’t take care of your patients. Huwag ka ng makulit.”
“Okay, fine.” I rolled my eyes.
Binalik ko na ang uniform sa closet. Anong gagawin ko niyan? I’m stuck with him gano’n? Wala bang balak umuwi ‘to?
“Hindi ka pa ba babalik sa unit mo? I’m fine here.”
“I’m enjoying here.”
Kunot noo akong tumingin sa kanya. You’re invading my privacy, Mr. Dela Merced.
Bigla namang tumunog ang doorbell. Napatingin ako doon sabay tingin kay Zach. Omg, hindi pwedeng may makakita sa kanya dito.
“Magtago ka! Baka mga kaibigan ko ‘to or pamilya ko. Malilintikan ako kapag nakita ka nila dito.” tinulak ko siya papasok ng kwarto ko.
Chineck ko muna sa ang sarili ko sa mirror ko sa sala. Pinagbuksan ko ng pinto ang nagdo-doorbell, delivery boy ito. May inabot siyang pagkain at saka umalis na.
What was that? Tiningnan ko ang pagkaing inabot ng delivery sakin, at nakuha pa niyang umorder ha?
Lumabas siya ng kwarto ko na naka-ngisi. Inirapan ko lang siya at pinatong ang pagkain sa counter.
“Wala ka bang balak umuwi? May sarili ka namang unit. Doon ka magliwaliw.”
Umiling siya at dumiretso sa pagkain.
“Eat.” sabay abot sakin ng isang container na may laman na food.
“I’ll eat this if you leave.”
Tumingin siya sakin, at tinitigan ko rin siya habang nakataas ang kilay. Bumuntong hininga na lang siya sabay kuha ng pagkain niya at lumabas ng unit ko.
Finally! I can do what ever I want. Okay naman na ‘ko. Susulitin ko na lang itong araw na ‘to para magpahinga. Medyo nakaramdam naman ako ng konsensya sa pagpapalayas ko sa kanya, tapos siya pa nagbayad nitong pagkain. Kinuha ko ang aking cellphone at nagtipa ng text para kay Zach.
“Thank you for taking care of me and for the food. :)” sinend ko na ito sa kanya.
“👍” reply niya.
What the hell? Galit ba siya? Tampo? I just want my privacy lang naman. I rolled my eyes at binitawan na lang ang cellphone.
Kinain ko na lang ang binili niyang food, hindi ko malasahan. Pati ba naman pagkain ‘di nakikisama. Tampo ka din? Sino ka diyan? Inubos ko na lang ito at tinapon ang lalagyanan sa basurahan.
Nanuod na lang ako ng mga palabas sa Netflix. Para ‘di ako ma-bored, I picked yung mga nakakatawa. Pero bakit naman ganito? There’s a scene na yung friend niyang lalaki ay nagtampo or nagalit sa kanya and the girl’s making a way to console him. Coincidence? Parang eto talaga gusto ng tadhana sakin. What should I do? I have never been in a bad terms with my friends for a long time.
Wow, friends? Kami? You've got to be kidding me.
One thing popped up in my mind. Cookies! Pero I’m not a good baker.
Should I buy? Nah. He will not appreciate it and beside he will not feel my sincerity.
Bahala na, nandiyan naman ang YouTube.
Hinanda ko naman na mga gagamitin based sa na-search kong recipe online, good thing mayroon naman ako non. I play and pause the video as I start following the tutorials. Medyo nahuhuli lang ako sa mga measurements kasi gusto ko tama para maayos din ang pagkaka-bake. Nung natapos na at ready na para i-bake, I just topped it with crushed chocolate since sabi naman pwede naman alternative ‘yon kung walang chocolate chip. I pre-heated the oven na rin, nanginginig pa ‘kong nilalagay ang pan sa loob ng oven.
Tumunog na ito sound na luto na. Kakamadali ko nahawakan ko ang pan without gloves. Ayon, napaso ang ate niyo.
Sinoot ko na ang gloves at nilabas ang niluto kong cookies. Nilagay ko ito sa isang plato. Forgetting about my burn fingers I went to his unit but syempre as tatanga-tangang person, hindi ko alam.
Bumalik ako sa unit ko and kinuha ko ang cellphone. I dialed his number saka lumabas ng unit.
“What?” he sound upset at mukhang nagising sa tawag ko.
“Uh, I’m sorry to ask, ano palang number ng unit mo?” nakakahiya ka Elisha.
“506” bored na sagot niya sabay patay ng tawag.
Luh? I put my phone on my pocket at pumunta sa harap ng unit niya. I pressed his doorbell. Bumukas naman ito at bumungad sakin ang topless na Zach.
Holy moly! Nice view. Chariz!
“Now what?!” iritado niyang bungad sakin.
“I’m sorry.” sabay lahad ng cookies.
Tiningnan niya lang ito tapos tumingin siya sakin. Nginitian ko naman siya para naman maramdaman niyang sincere ako.
“You baked these?”
“Yes, that’s my peace offering. Sana magustuhan mo.”
Kinuha niya naman ito.
“Thanks and apology accepted.”
Tumango naman ako at ngumiti ulit sa kanya. Paalis na sana ako ng bigla niya akong hilain papunta sa kanya.
He checked my fingers, the one with burns.
"What happened? You burned yourself?"
Uhh.
"Yes, but it's fine hindi naman masyadong masakit."
Sinuri niya ako ng mataimtim.
"Do you have ointment for this? You should be careful, ito ang importante sa magiging line of work mo."
He lead the way going to my unit.
Inabot ko sa kanya ang medicine box ko at tinuro sa kanya ang ointment.
He applied some on my fingers and put a bandage on it.
"Thanks." I said.
"You're welcome, be careful please and thanks too for the cookies, I'll enjoy that." he said then returned to his unit.