Joyce's POV Hindi ako mapakali mula ng malaman ko sa kuya ko ang mga nangyayari ngayon kay Hugo. Kung paano ito nagbago at naging malupit sa mga babae dahil sa aking nagawa. Nakausap ko din si Harvey at sinabi niya na malaki na nga ang pinagbago ni Hugo mula ng magbalik ito ng Pilipinas. Hindi ko pa nasasabi kay Harvey ang tungkol sa aking plano na magiging yaya ng mga anak ni Hugo dahil ayoko munang may ibang makaalam maliban na lamang kay Marcus at sa mga magulang ni Hugo na pumapayag sa aking plano. Sa totoo lang ay gustong-gusto ng umuwi pero bukas pa ang flight ko pabalik dahil marami pang inaasikaso ang kuya ko, at kailangan ko din kasing asikasuhin ang kontrata ko sa mga kumpanyang kumuha sa akin bilang isang modelo ng mga produkto nila. Gusto ko na bago ako umalis ay wala na ako

