Happy 519 followers, tulad ng sinabi ko noon. Hindi ko muna siya i-a-apply sa pay to read hanggat hindi pa natatapos. FARRAH " Love... " napatingin ako kay Clyde nang pumasok ito sa room na kinaroroonan ko. " Are you okay? " tanong nito, pilit akong ngumiti saka tumango. " Let's go... " sabi ko at sabay kaming bumalik sa kinaroroonan nila Avery, Jaycee at mg bata. Pagdating namin doon ay napakunot noo ako nang makita ang isang babaeng hindi ko inakalang makikita ko ngayon. Napatingin din ito at halatang nagulat din, walang alam sila Avery at Jaycee dahil hindi pa naman nila ito nakikita. " Anong ginagawa niya dito? " tanong ko kay Clyde habang nakatingin lang doon sa babae at sa bata. Nagtaka naman si Clyde sa tanong ko. " Magkakilala kayo? " tanong nito sa akin, napalunok ako. Sho

