" Zane " bulalas ko nang makalabas ako ng banyo at makita si Zane na hawak hawak ang pinakatatago kong contraceptive pills.
" Ano ang ibig sabihin nito? " mariing tanong nito at kitang-kita ko ang galit sa mukha nito, napalunok ako ng mariin
" Love, let me explain! " nangungusap na sabi ko.
" Then explain! " parang umurong ang dila ko dahil sa itsura nito, pero kailangan kong kalmahin ang sarili ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
" I'm sorry, pero hindi pa kasi ako handang magka-anak. " mas lalong napakunot noo ito at kita ko sa mga mata niya ang disappointment.
" Farrah, sana sinabi mo sakin para napag-usapan natin ang tungkol dito. You know how much i want to have a child. " galit na sabi nito, napayuko ako.
Kahit naman kasi sabihin ko sa kanya hindi rin niya ako pakikinggan at yung gusto rin niya ang masusunod.
" I know, pero darating din naman tayo sa puntong yun. Basta wag muna ngayon, after ko makunan narealize kong hindi pa talaga ako handa. " paliwanag ko dito.
" My god Farrah! Kailan kapa magiging handa? Nagkakaedad na tayo, hindi na tayo mga bata. " nainis ako sa sinabi nito at sa uri ng pananalita niya.
" You're right! Hindi na tayo bata at nagkakaedad na tayo. Pero hindi ibig sabihin nun ay handa na tayo. " sabi ko dito.
" Ano bang paghahanda ang dapat gawin? May pera naman ako kaya kong gumastos ng kahit magkano para sayo at sa magiging anak natin. " naiinis na talaga ako sa mga sinasabi niya.
" Tingin mo pera lang ang kailangan ko? Ang kailangan ng magiging anak natin? Zane, hindi ganun kadali ang maging magulang. "
" Ang dami mong dahilan, hindi naman acceptable. Kung ayaw mo, edi wag! " sigaw nito na ikinagulat ko.
" Kung ayaw mong intindihin ang mga paliwanag ko, bahala ka! " inis ko ring sigaw dito. Kumuha ako ng damit at sinimulang magbihis habang sigaw padabog na umalis ng kwarto. Nanginginig ako sa galit, napaka-immature niya.
" Where are You going? " kita ko ang matatalim na tingin nito nang makababa ako ng hagdan at nakabihis ng pang-alis.
" Gusto ko muna magpalamig! " malumanay na sabi ko dahil ayaw kong makipagtalo, gusto ko muna kalmahin ang sarili ko.
" You're not going anywhere, dito ka lang sa bahay! " napakunot noo ako sa sinabi niy, talagang sinasagad niya ang pasensya ko.
" Yan! Yan ang isang dahilan kung bakit ayaw ko pang magbuntis. Dahil napakahigpit mo, napakaseloso at napaka-immature. Nakakasakal kana sa totoo lang, gusto mo maghapon lang akong narito sa bahay, lahat ng suot ko papakialaman mo. Wala na akong freedom. " galit na galit kong sigaw sa kanya na mas lalong ikinagalit niya.
" Nasasakal ka? Sige umalis kana ngayon din. Puntaham mo ang gusto mong puntahan, hindi na kita pakikialaman. " sigaw nito habang nakatingin ng matalim sakin at agad umalis.
Napahilot ako sa aking sintido at ilang sandali pa ay narinig ko ang kotse niyang paalis. Napabuntong hininga ako at naglakad na palabas ng bahay.
Kailangan muna siguro naming kumalma at magpalamig. Nagpunta muna ako sa condo ni Avery at laking pasalamat ko nang makitang narito lang ito.
Avery is my bestfriend since grade school. Nagulat pa ito nang mapagbuksan ako.
" Anong nangyari sayo? " takang tanong nito, kanina kasi diko mapigilng umiyak. Marahil ay nahalata niya sa mga mata ko. Agad akong yumakap sa kanya at muli ay diko napigilan ang maluha. Hinila naman ako nito at pinaupo sa may couch.
" Napaka-immature niya. " sabi ko habang humihikbi.
" Ano bang nangyari? " tanong nito.
" Nakita niya yung contraceptive pills, i tried to explain pero sadyang sarado na ang isip niya. " sagot ko, bumuntong hininga ito.
" Sabi ko naman sayo, dapat kinausap mo siya ng maaga tungkol dyan. "
" Hindi niya ako masisisi, alam ko rin kasing siya rin masusunod kapag nagsabi ako sa kanya. " naiinis kong sabi habang pinupunas amg aking mga luha.
" Pero Farrah, mag asawa na kayo. Hindi ka dapat naglilihim sa kanya, 4 years na kayong kasal tapos ngayon pa kayo magkakaganito. "
" Ayaw ko muna siyang isipin, gusto ko muna mag isip. " sabi ko at naglakad patungo sa mini bar niya at umupo dito. Kumuha ako wine at baso, sumunod naman ito. Akmang kukuha rin siya ng wine pero pinigilan ko ito.
" Bawal ka! " sabi ko rito, inirapan naman ako at umupo sa tabi ko.
" Anong plano mo? " tanong nito.
" Papalamig muna ako, kausapin ko na lang bukas. Dito muna ako matutulog ha! " sabi ko rito.
" Ikaw ang bahala. "
" Teka nga, kailan mo ba balak magpaopera ha? " tanong ko rito dahil nalaman kong may sakit ito sa puso at kailangan niyang maoperahan.
" Sinabi ko naman na sayo, ayaw kong magpaopera. " tinignan ko ito ng masama saka muling uminom ng wine.
" Mag isip ka nga Avery, so ano? sasayangin mo na lang ang buhay mo? " inis kong sabi dito.
" Hay naku! matutulog muna ako. Kung gusto mo magpakalasing, dyan ka lang. Wag kang lalabas ng bahay ha! " sabi nito at tumayo na.
" Hoy teka, kinakausap pa kita. " sigaw ko dito pero hindi na ako pinansin at deretso na ito s kwarto. Umirap na lang ako at muling uminom ng wine.
Asan kaya yung lalaking yun? Ano kayang ginagawa?
Apat na taon na kaming kasal at apat na taon narin akong parang preso sa bahay. Gusto kong magtrabaho pero ayaw niya, feeling ko tuloy walang silbi yung kakayahan ko.
Sinusunod ko siya kasi mahal ko at ayaw kong nagtatalo kami. Pero ngayon, hindi na ako nakapagpigil pa.
Masaya naman kami not until nakunan ako. Isa ito sa dahilan kung bakit takot pa akong magbuntis. That time, hindi ko alam na buntis ako, uminom ako ng gamot dahil sinasaktan ako ng tiyan. Tapos nagulat na lang ako nasa ospital na ako and yun buntis pala ako at nawala ang anak namin dahil sa katangahan ko.
Sinisisi ko ang sarili ko kahit na ilang beses sabihin ni Zane na wala akong kasalanan. I know that he loves me so much kaya siguro ganun na lang siya kahigpit sakin, pero pakiramdam ko nasasakal na ako.
Mula nang mawala ang anak namin nagdecide akong magtake ng contraceptive, medyo iwas rin ako sa kanya at hindi na kami masyado nagkakausap. Parang sa kama na lang kami nagkakaintindihan, ginagawa ko naman ang trabaho ko bilang asawa kaya tingin ko wala namang problema dun.
I love him at hindi ko kayang mawala siya sakin, may mga pagkakataon lang na iniisip ko kung tama pa bang magpaalipin ako sa kanya.