CLYDE Pagdating ko sa bahay ay napakunot noo ako nang Makita sina Megan at Mandy sa labas ng bahay na halatang naghihintay sa aking pag uwi. Agad akong bumaba ng kotse at nilapitan ang dalawa. ‘’ Kanina pa kayo? Sana tinawagan niyo ako na puypunta kayo para hindi kayo naghihintay dito sa labas. ‘’ sabi ko. ‘’ It’s okay, isa pa kararating lang din naming. ‘’ nakangiting wika ni Megan habang binubuksan ko naman ang bahay. ‘ Hali kayo, pumasok muna kayo. ‘’ sabi ko, hawak sa kamay niya si Mandy na sumunod sa akin sa loob ng bahay at umupo kami sa sofa. ‘’ Anong gusto niyong inumin? ‘’ tanong ko. ‘’ No, thanks. Hindi rin kasi kami magtatagal, nagpunta lang ako dito para sana magpaala. ‘’ sabi ni Megan na ikinakunot ng aking noo. ‘’ Saan kayo pupunta? ‘’ tanong ko. ‘’ Plano kong maghana

