Pagdating ko sa opisina ni Zane ay si ate Dolly ang bumungad sa akin, ang sekretarya ni Zane. " Hello ate Dolly, si Zane po? " masiglang tanong ko dito, ngumiti naman ito. " Nasa loob po mam, pero kabilin-bilinan po niya na wag ako magpapapasok ng kahit sino. " kumunot ang noo ko sa sagot niyo, kahit sino ba ako? asawa ata ako sa pagkakaalam ko e. " Ano po bang ginagawa niya? " tanong ko dito. " May pag-uusapan lang daw po sila ni mam Haidee. " sagot nito na lalo konh ikinakunot ng noo. " Haidee? sino yun? " tanong ko dito. " Anak po ng ka business partner ni sir. " sagot nito na ikinalingon ko sa pintuan, ano namang pinag uusapan nila at ayaw nilang magpaabala? Hindi maganda ang pakiramdam ko sa isiping iyon. " Ate Dolly, akong bahala kay Zane. Isa pa, hindi ako basta kung sino lan

