ZANE " My daughter is pregnant. " napakunot noo ako sa sinabi ng lalaking kaharap ko. " At ano naman ang pakialam ko roon? " tanong ko dito na ikinatawa niya ng mahina. " Ask your self Mr. Meyers, mukhang nakalimutan mo na ang ginawa mo sa anak ko noong araw na nalasing kayong pareho. " napalunok ako sa narinig at natahimik. Bumalik sa ala-ala ko yung araw kung kailan nahuli ako ni Farrah na may katabing babae at wala akong maalala. " Where is she? I will talk to her. I'm a married man kaya ang magagawa ko lamang ay bigyan ng sustento ang bata. " wika ko na muling ikinatawa ng matanda. " Binuntis mo ang anak ko tapos iyan lamang ang sasabihin mo? " naabuga ako ng hangin. " Wala akong natatandaan sa mga nangyari at sigurado akong pareho naming hindi iyon ginusto. Bakit hindi na lang n

