" Sinabi sa akin ni Manang ang nangyari, siguradong masama ang loob ng bata sayo. " sabi ni mama, kararating lang kasi nito galing sa Ospital, pinalitan siya ni Manang. " Kumusta po si papa? " pag-iiba ko sa usapan. Dahil hanggang ngayon naguguluhan parin ako kung ano bang dapat kong gawin. " Okay naman, sana nga lang ay magising na siya. " malungkot na sabi nito. " Pasensya na po, dipo ako nakkadalaw dun. " sabi ko dito. Ang dami kasing gawain sa company tapos may mga anak pa akong dapat asikasuhin. " Okay lang anak, nauunawaan ko. Teka, ano ba kasing problema mo? pwede ka naman magsabi sakin para hindo mo nailalabas ang galit mo sa mga bata. " sabi ni mama na ikinatahimik ko. " Bata lang si Caddie anak, dapat kausapin mo siya sa maayos na paraan. " payo ni mama. " Ma, ano pong gaga

