Abala kami sa pagbabalat ng kamote para dagtuin nang lumapit sakin si Zane. Fiesta kasi dito sa amin ngayon, tuwing fiesta dito nagkakaroon ng dagtuan na kung tawagin ay DAGTUAN SA NAYON. " Love, wen ka lang? " tanong nito na ikinakunot ng noo ko. " Ha? " naguguluhang tanong ko. " I said wen ka lang ba? " tanong nitong muli na ikinakamot ko sa ulo. " Anong wen? " tanong ko. " Ang sabi kasi ni Makoy ang ibig sabihin ng Wen is okay. " sagot nito na ikinatawa ko, pati mga kasama ko tawa ng tawa. Walang hiya talaga tong lalaking to. " Bakit ba? " nakangusong tanong nito. " Love, ang ibig sabihin ng wen ay yung (okay na oo) hindi yung (okay na ayos). " sabi ko rito. " He he he sorry. " sabi nito at napakamot pa sa ulo. " Tapos na ba kayo? " tanong ko dito, nag lechon kasi sila ng baboy

